Roadtrip

89 0 0
                                    

ROADTRIP

"Dali na! Alis na tayo..." 

"Go! Go!" 

"Gabi na masyado, mamaya ano pang mangyari eh..." 

"Sus! duwag to oh... may driver naman tayo eh..." 

"Dali, sakay na sa pickup truck..."

Si Ren, Allen, Krystal, Cathy at Mia ay nagkayayaang mag-road trip muna bago pumunta sa Baguio. Gamit ang pick up truck ni Allen kasama ang driver nito ay masaya silang nag-road trip papuntang Baguio. Silang lima ay nakasakay sa likuran ng pickup truck kasama ang mga kagamitan nila at ilang mga alak at pulutan, samantalang walang kasama ang driver sa harapan...

"Woooh!"

Enjoy na enjoy sila habang may tugtugan at mga alak na kani-kanilang iniinom. Hanggang may nakita si Mia sa kanilang gilid na sasakyan. Hindi niya alam kung dala lang ba nga kalasingan yung nakita niya pero, 

"Guys, tignan nyo yung katabi nating sasakyan oh..." sabay turo sa tabing sasakyan 

"Teka, ano yun?" nagtataka nilang sagot. 

"Tignan nyo oh, parang walang ulo yung driver nung kotse..." takot na sabi ni Mia. 

"Sus! Duwag, matignan nga..." saad ni Allen na medyo lumapit sa kanang bahagi ng kotse para makita yung tinuturo ni Mia. 

"Tinted lang siguro yung sasakyan kaya di mo makita" dagdag ni Ren.

Pinagmasdan nila yung kotse, pero mukhang ibang daan ito papunta kaya hindi na nila nakilatis pa kung totoo yung sinasabi ni Mia. Si Mia ay naupo sa isang tabi habang inaalala yung nakita niya. Naisip niya na dala nga lang na kalasingan at pagod kaya kung ano-anong nakikita niya.

Pinatay na ng driver yung sounds dahil medyo paubos na yung gasolina nila at kailangan mag-refuel. Kaya medyo tahimik na yung road trip na nangyari. Medyo nakakatulog na yung magbabarkada sa likuran except kay Krystal. Hindi kasi ito madalas nakakatulog sa mga biyahe kaya nanatili siyang gising habang pinagmamasdan yung mga tanawing dinadaanan nila.

Ilang minuto nag nakalipas, 

"Huwaaa~!" sigaw ni Krystal. Hindi naman nagising yung mga kasama niya. Yung driver naman, hindi marinig dahil kulob ang loob ng drivers seat. 

"Oh my gosh, ano yun?" may nakita kasi siyang isang babae sa isang bahay na nadaanan nila na para bang si Sadako ang itsura. Matatakutin pa naman tong si Krystal. 

"Imagination lang yun... Imagination lang" kumbinsi niya sa sarili niya. Pero habang umaandar ang kotse ay palagi siyang nakakakita ng ganung itsura sa mga bahay na nadadaanan nila. Nanginginig na siya sa takot at kinakagat kagat ang kanyang kuko ng... 

"GUYS GUMISING KAYO DALI!!!!" sigaw niya at niyugyog ang mga kasama niya na nagising na dahil sa kanya. 

"Ano ba yun?" "Ang ingay mo ah..." "Matulog ka na nga lang..."

Nang nagising na yung mga kasama niya ay tinuro niya yung likuran ng kotse nila. 

"SHET!~ Ano yun?" sabay sabay na sabi nang mga kasama niya. 

"Waah! Ayoko na, sabi ko sa inyo wag na tayong mag-road trip eh" naiiyak na sabi ni Krystal. 

"Kuya! Bilisan mo! Bilisan mo!!!" kalampag ni Allen sa drivers seat pero para bang hindi siya marinig nito.

Nakita kasi nila yung babaeng mala-Sadako ang itsura ay tumatakbo at hinahabol ang kotse nila. Pare-pareho nilang nakita yun kaya hindi maipagkakailang tama ang nakikita ni Krystal. Pabilis ng pabilis ang takbo nito at minsan ay nawawala pero biglang susulpot na malapit lapit ang distansya sa kanila.

RoadtripWhere stories live. Discover now