Hindi ko na din inisip pa ulit kung paano nga talaga ako napunta dito. Sapat na sakin ang paliwanag nya, at dahil masaya ako sa mga oras na ito.

"Kumain ka muna, hinatarin na kita dito nang makakain mo, baka kasi nahihilo ka pa sa nainum mong alak" alok nya sa akin ng makakain na nakalagay sa isang tray. na nakapatong sa ibabaw ng maliit na lamesa sa loob ng silid.

May dalawang tinapay at isang mainit na kape ang nakita kong nakahain sa akin.

Kinuha niya ito at inilapag sa pagitan namin sa higaan

"Kumain ka muna" Iniabot nya ngayon sakin ang isang tinapay.

"Salamat" nakangiting usal ko, at kinain ko na ang iniabot nyan pagkain. "Kainin mo na yang isa, para naman may kasabay akong kumain" dagli nya din itong kinuha at sinabayan akong kumain.

"Shamy, pagkatapos kong kumain aalis na ako, nakakahiya naman kung magtatagal pa ako dito. Masyado na ata kitang naabala"

"Hindi ka naman nakakaabala, sa totoo nga mas ok sana kung dito kana lang magbakasyon habang hindi nyo pa pasukan, para naman may kasama ako." usal nya. "Kung maaari sana samahan mo na lang muna ako ngayon dito habang wala pa ang mga magulang ko"

Masaya ako sa alok nya, pero dahil lalaki ako at babae siyaat oangit tingnan lalo na sa ibang tao. Iniisip ko din ang magiging reputasyon nya. Baka kung ano na lang ang sabihin ng mga tao, oras na makita siya na may ibang kasama at lalo na lalaki pa.

Dahil malaki ang respeto ko sa babaeng kaharap ko ngayon kaya mariin akong tumanggi sa kanya.

"Salamat pero Shamy hindi magandang tingnan kung dalawa lang tayo ngayon dito sa bahay. Pupuntahan na lang kita tuwing umaga" tanggi ko.

"Iniisip mo ba yung mga sasabihin ng ibang tao Eul? Kung yun ang iniisip mo, 'wag kang mag alala kasi wala naman ibang taong nagagawi dito. Tanging itong bahay lang namin ang nakatayo sa lugar na ito" Paliwanag pa nya. Lumapit naman siya sa akin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko gamit ng dalawang kamay nya. At tumitig sa mga mata ko. "Kaya kung maaari sana Eul samahan mo ako ngayon dito. Natatakot akong mag isa"

Hindi muna ako nagsalita. Tumayo ako at nagtungo sa bintana na nasa silid na yun. Mula sa kinatatayuan ko, tanaw ko ang kabuuan ng paligid. 'Totoo ngang nagiisa lang itong bahay na ito sa lugar na 'to'

"Eul, aking mahal dito ka lang" Dinig kong saad nya mula sa likod ko. Kaya naman lumingon ako at nagtama ang aming mga paningin. May naramdaman akong kirot sa dibdib ko. Bakas sa mga mata nya ang lungkot ng sinabi nya ang mga salitang iyon.

"Sige sasamahan na kita dito. Ayoko naman may mangyaring masama sayo, lalo na at ganito ang lugar nyo." Pagpayag ko sa pakiusap nya. Naisip ko din na maaaring mapahamak siya kapag naiwan siyang mag isa. Lalo at isa siyang magandang babae

"Shamy aalis lang ako mamaya para kunin ko yung mga gamit sa sasakyan ko, kaya kailangan bumalik muna ako sa lumang bahay" Paalam ko sa kanya. Ngunit ngumiti siya sa akin na ikinapagtaka ko. "Bakit?"

"Hindi mo na kailangan bumalik dun, ayon na yung mga gamit mo" usal nya, sabay turo sa dulong bahagi ng silid, Doon ko nga nakita yung bag na may laman ng gamit ko.

"Pero paano mo..."

"Dinal ko na din, kasi naisip kong nakainum ka, kaya naisip kong dalhin na din para mapalitan ka ng damit" Shamy

Bigla naman akong napatingin sa suot kong damit, iba na nga ang suot kong pang itaas. Pero ang pambabang suot ko ay iyon pa din.

"Wag kang mag alala Eul, nakapikit ako habang binibihisan kita kaya wala akong nakita sa katawan mo" Usal nya habang nakayuko, na tila nahihiya sya sa ginawa nyang pagbibihis sakin.

Magkabilang Mundo [★PUBLISHED under RisingStar★]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ