Is he accusing me that I am just after Mico’s money? Hindi pa man ako nakasagot ay nagsalita na naman siya.

“Kung ako lang ang masusunod ay kagabi pa kita sana pauuwiin sa Manila but I have my own reasons kung bakit hindi kita pinapauwi hanggang sa ngayon. But one thing is for sure, hinding-hindi kita magugustuhan”

Kahit ano pa yatang pagkagat ang gagawin ko sa labi ko ay hindi ko na mapigilan ang paghikbi ko. Yung mga naramdaman ko noong nakalipas na mga taon na pambubully sa akin ay biglang bumalik.

Yung feeling na may taong may disgust sa iyo. Yung hindi ka accepted.

I had forgotten that feeling since nagka-contact lense ako at nalipat sa ibang school pero naibalik iyon ng Tito ni Mico ng walang kahirap-hirap.

“Shedding tears won’t help me liking you”, napansin din pala niya ang paghikbi ko. I can’t hate him. I can’t the person that is so special with Mico.

Ayokong magkasira ni Mico dahil sa akin kaya tatanggapin ko lahat ang sinasabi niyang masakit sa akin.

“One day. You only have one day and after that you can step out of this house and Mico’s life”, I feel numb ng narinig ko ang sinabi niya.

No way that I will give up Mico. Nakaya ko nga ang mga pambubully na naranasan ko. ito pa kaya?

“TITO!”, napaigtad ako ng marinig ko ang galit na boses ni Mico.

Nakita ko si Mico na kumuyom ang kamay niya ng makita niya akong umiiyak.

“Your visitor Mico deserves honesty from me”, sabi ni Tito Rex saka nagpatuloy sa pagpanaog sa hagdan.

Nakita ko sa nanlalabo kong paningin na susundan sana ni Mico ang Tito niya pero bago pa niya ako malagpasan ay nahawakan ko na ang braso niya.

“Mi-mico huwag na please”, humihikbing pigil ko sa kanya.

Naramdaman kong kinalas niya ang kamay ko na nakahawak sa braso niya.

I felt disappointed pero naghalo ang naramdaman kong iyon ng naramdaman ko ang yakap niya sa akin.

Then I know at that moment na tatanggapin ko ang lahat ng masasakit na sasabihin ng Tito niya sa akin kapalit ng yakap na kagaya ng ipinadarama niya sa akin ngayon.

~~~~~~~~~

Naalimpungatan ako ng maramdaman kong may humahaplos sa buhok ko ng mahina.

Nakatulog pala ako. Dinala ako ni Mico sa kanyang silid pagkatapos ng insedente sa pagitan naming ni Tito Rex.

Hindi ko namalayang nakatulog ako.

Pagdilat ko ay nakita ko ang nag-aalalang mukha ni Mico na nakatunghay sa akin. Nakatukod ang isang braso niya para makita niya ang mukha ko habang nakahiga sa kama niya.

Si Introvert at ExtrovertWhere stories live. Discover now