CHAPTER 1-The Run Away Princess

27 0 0
                                    


"Miss Eleana,pinapatawag na po kayo." sabi ng isa sa mga body guards ko.Hudyat na yun na kailangan ko ng bumaba sa sasakyan para harapin ang maraming tao.Mga taong hindi ko naman kilala.Mga taong pilit ako kinikilala na akala mo isa ako sa pinakaimportanteng tao sa mundo.Masisisi ko ba sila? Anak lang naman ako ng isa sa pinakamayamang negosyante sa Korea.Hindi naman sa pinagmamayabang ko.Ang totoo nga ay ayaw ko sa buhay na meron ako.

"Sige,susunod ako."sabi ko at sinimulan ng ayusin ang sarili ko.Dapat maayos ako.Dapat maganda ako sa paningin nila.Lalo na sa mga media.Hindi dahil yun ang gusto ko.Pero yun ang gusto ng ama ko."In order to fit in this world,you need to act in a way that everyone will like you." yan ang palaging sinasabi ng ama ko.Para magustuhan ka ng mga tao.Kailangan ay kumilos ka sa paraan na magugustuhan nila.Well,I've been living my whole life the way they want it to be.

"Miss Eleana,handa na po ba kayo? Bubuksan ko na po ang pinto."tanong sakin ni Mang Julio,ang personal driver ko.

Tumango naman ako at nagpakawala ng malalim na buntong hininga.Dahil alam ko na sa oras na buksan ko ang pintong ito ay kailangan ko nanamang harapin ang iba't ibang tao.Isang malaking kasinungalingan na naman ang gagawin ko but I need to.

As my driver opened the door I immediately put on a smile.A fake smile.Hindi naman sa plastik ako.Pero sige na nga.Plastik na kung plastik but I need to.Habang palabas ako ng sasakyan ay kitang kita ko na ang mga media na nag aabang.May kanya kanya silang camera na halos masilaw na ako dahil sa sunod sunod na pag flash ng mga camera nila.Paniguradong nasa front page nanaman ang mukha ko sa mga dyaryo.

"Look who's here! The daughter of the chairman of Kim Corporation.I think she's here to support her dad's campaign."sabi ng isang reporter na foreigner.Pano may napadpad na foreigner dito?I scanned the surroundings may mga ibang reporters rin maliban sa mga normal na mga korean reporters.Alam ko na kung sino nanaman may pakana nito.Sigurado akong si Appa nanaman.He really wants the whole world to know about his campaign . He's unbelievable.

"Ngayon ay kitang kita natin ang paglabas galing sa kanyang magarang sasakyan ang anak ng isa sa pinakamayaman na negosyante sa buong mundo.Si Miss Eleana Arisse Kim."sabi naman ng isang reporter.Isang Pilipino to for sure."At satingin namin kabayan nandito siya para suportahan ang kampanya ng kanyang ama"dagdag pa nito.Ilang beses ko nang gustong sabihin sakanila na hindi ako nandito para suportahan ang ama ko.Nandito ako dahil yun ang gusto niya.For political purposes ika nga.

"Oh you're here!" bati sakin ng step mom ko.I just smiled at her.Don't get me wrong.We're in good terms.We're not like those other step mom-step daughter relationships na nakikita niyo sa mha drama na hindi maganda ang relasyon sa isa't isa.Hindi kami ganun.We are actually...close.

"I'm glad you're here." malakas na sabi ng ama ko.Yung tipong maririnig ng buong tao especially the reporters.He wanted them to know na we're in good terms but actually we're not.He wanted them to assume na he is a great father and we have a great relationship as father and daughter kahit hindi naman talaga.

Lumapit ako sakanila and we started acting as if we are a perfect family.Smile dito.Smile doon.Kaway dito.Kaway doon.Nakakapagod na.
--------------

"So kamusta ang campaign?" tanong sakin ng pinsan ko.We're on a video call right now.

"Ayun nakakapagod"sabi ko habang pinapatuyo ang buhok ko.

"Sabi nga nila,kapag daw ineenjoy mo yung ginagawa mo.Hindi ka mapapagod."sabi naman niya.Ayan nanaman siya sa mga words of wisdom niya na minsan ay wala naman talagang connect sa mga pinaguusapan namin.

"The thing is..i'm not enjoying.I don't think I'm going to enjoy living a life full of lies,Margaux.I don't think I ever will"I said to her,because it's the truth .Kahit siguro anong gawin ko hindi ko mai-enjoy ang buhay na meron ako.I may look happy outside but trust me.I'm not happy.It's actually pretty sad.Oo,sabihin na nating I have everything.Mayaman kami.Kilala sa buong bansa ang pamilya namin.But hindi pa rin ako masaya.Maybe kasi hindi ito yung buhay na gusto.

Maybe because I just want a simple life.

Yung buhay na wala kang pinepeke.

Yung buhay na wala kang niloloko na mga tao.

Yung buhay na hindi mo iisipin ang iniisip ng ibang tao sayo.

Yung buhay na hindi mo kailangang baguhin ang sarili mo para lang maging kanaisnais ka sa mga mata ng mga tao sa paligid mo.

Yung buhay na hindi ganito

I'm The Superstar's MaidWhere stories live. Discover now