Chapter 1

7 0 0
                                    

"DESYANG!!"

Nagising nalang ako bigla ng sumigaw ang nanay ko. Jusko! Umagang umaga high blood.

"DESIREE!!"

"ANJAN NA MA!"

Hi! Ako nga pala si Kale Desiree Rivera. Bunso sa tatlong magkakapatid at ako ay nag-iisang babae.

-
-
-

"Jusko anak! Napakatagal mong bumangon! Magpapasukan na ganyan ka parin!" Sabi ng Nanay ko. Andito kami ngayon sa likod bahay, naglalaba. Hindi kami ganon kayaman para magwashing machine araw araw. Ay joke. Ganito kami tuwing linggo dahil day off ng kasama namin sa bahay, kami gagawa ng mga house hold chores.

"Sorry naman Ma." Sagot ko habang nilalaro yung pusa ko.

"Tigilan mo ang kahaharot jan sa pusa na yan at tulungan mo ako dito." Sita ni Mama. Napa-pout nalang ako. -3-

Simple lang naman ang buhay namin. Hindi kami ganon kayaman. Nakatira kami sa isang 2 storey house sa isang subdivision. Yung Tatay ko nagtratrabaho abroad bilang assistant manager ng isang kompanya. Nanay ko naman ay Nurse. Yung mga Kuya ko? Ayun, may mga trabaho na. Sawakas. -.-

"Ma, mag washing machine ka nalang kaya. Ang dami nito." Reklamo ko.

"Anong ang dami? Oy. Damit lang natin ko kahapon wag ka nga."

Ayaw talaga ng nanay ko natatambakan ng labahan. Kainis.

*dingdong.dingdong.dingdong.*

"Oh tignan mo yung tao sa gate. Baka si Tita Ivy mo yan." Utos ni Mama. Tumayo ako para tignan yung tao sa gate. Pag bukas ko si Tita Ivy nga. Si Tita Ivy yung Best friend ni Mudrakels since High School.

"Hi Kale! Oh my gosh. Ang laki laki mo na! It's been a while! I missed you!" Sabi ni Tita Ivy at niyakap ako.

I rolled my eyes. "Aish. Tita Ivy parang 2 days ago nagpunta kayo dito."

Then she let go of me at umakbay sakin at halik sa cheeks ko. "So who cares? I missed you."

Bigla namang may magsalita sa may likodan namin.

"Mom don't treat her like she's a f*cking 2 years old baby. She's irritated."

Nilingon ko at okay nevermind.

"Oh Ivan! You're here pala anak!" Sabi ni Tita Ivy.

"Don't act like you don't know Mom. You command me to drove you here."

That's Dylan Ivan Garcia. Classmate ko. Pinakamasungit pa sa mga masungit sa mundo. Cold yan. Sayang nga eh. Gwapo sana. Dream boy pa kaso hindi ganon ka-okay yung ugali. Dinaig pa Prinsipe.

"What are you looking at shorty?"

Natauhan ako at bumalik sa realidad. "Shorty? Mas matangkad ka lang ng ilang centimeters Dylan." 5'10 height ko guys, 6'2 yang si Dylan. Kala mo kung sino. Porket nasobrahan lang sa growth hormones eh.

"You're still shorter than me Kale."

Babatukan ko na sana ng bigla akong hilain ng nanay niya.

"Ok guys. Tama na yan. Pumasok na tayo." At hinila kami ni Tita Ivy papasok.

-
-
-

"BESTIE!!!" Sigaw pareho ni Mama at Tita Ivy nang magkita sila. Syempre beso beso at chitchat chitchat.

"Des, ituloy mo yung nilalabhan ko dun." Utos ni Mama. "Kumuha ka din muna ng miryenda."

"You help her Ivan. Go." Sabi naman ni Tita Ivy at tinulak si Dylan.

Nagpunta ako sa kusina then he followed. Nagprepare ako ng sandwich at juice para kila Mama. Habang nagpreprepare ako ang senyorito niyo nakasandal sa lababo at nagcecellphone.

"Hoy Dylan." Tawag ko sakanya. Tumingin naman siya pero ang sama ng tingin.

"What?" Sagot niya.

"Dalhin mo 'to dun kila Tita Ivy." Sabi ko sabay turo sa tray na may lamang sandwiches, at baso na may juice. "Kung kulang yung juice, asa ref yung ibang tinimpla ko. Kung gusto mo dalhin mo nalang din yung pitchel."

Napakunot naman yung noo niya. "Are you commanding me shorty?"

"Yes Your Highness." Sarcastic na sabi ko.

"You do it." Sagot niya. Napa pamewang, Napa-irap at napabuntong hininga nalang ako.

"Tamad mo. Grabe." Saad ko. Grabe itong lalaking 'to. Sobra! Saksakan nga ng gwapo, saksakan naman sa kapangitan ng ugali. Haggard na haggard na nga ako jusko gusto pa akong utusan.

"Oh? Tinitingin tingin mo jan?" Tanong ko nang mapansing tinitignan niya ako.

He smirk. "Wala ang pangit mo." Sagot niya at kinuha ang tray sa lamesa sabay alis. Napakuyom nalang yung kamay ko sa sobrang inis.

JUSKO! NAPAKA HANGIN PLEASE! T-T SARAP PASABUGIN!

"Bwisit." Inis na saad ako at pumunta na sa likod bahay.

-
-
-

HA! Finally! Natapos din ako!

"Finally after 2 hours natapos ka rin."

Nilingon ko kung saan nang galing yung boses, it was my oldest brother. Wait!? What!?

"KUYA KYLE!!" I ran towards him and hugged him tight.

"Ganun mo ako ka-miss 'Tol?" Natatawang tanong niya.

Bumitaw ako sa yakap at siniko siya. "Oo naman!"

Yan, si Kuya Kyle. Kyle Davin Rivera. Panganay sa aming tatlo.

"Oy 'tol, boyfriend mo ba yung asa sala? Yung kasama ni Tita Ivy?" Tanong ni kuya.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" at mangiyak-ngiyak ako kakatawa.

"Bakit?"

"HAHAHAHAHA! Kuya, mamamatay ako sa konsimisyon kung boyfriend ko yun!"

Napatawa naman si kuya. "Dami mong alam. Tara sa loob. Hinahanap ka pala ni Mama."

Pag pasok namin sa loob pinatabi agad ako ni Mama sa tabi niya.

"Kale, guess what? May maganda kaming balita sayo!" Tuwang tuwang sabi ni Tita Ivy.

"Ano po yun?" Tanong ko.

"Mag-aaral ka sa school nila Tita Ivy mo!" Sabi ni Mama. Omg! For REAL!? Dream school ko yun! Isa ang school nila Tita Ivy sa pinakasikat na school sa bansa!

"FOR REAL TITA!?"

"Uhuh." Nakangiting sabi niya. "AND!"

"And!?"

"You're going to stay with us!!" -Tita Ivy.

"WHAT!?" Gulat at sabay naming sabi ni Dylan.

You'll Never KnowМесто, где живут истории. Откройте их для себя