Chapter 37

6.6K 89 0
                                    

WARNING: WALANG KWENTANG UD.


CHAPTER 37 - Bus

ALEX's POV


After ng kainan, sayawan at inuman ay umuwi na kami. Maaga pa kasi ang pasok bukas. Bukas na kasi gaganapin yung program para sa orphanage..


Pumunta na kaming lahat sa school bus. Ako pati si Rencey nasa 2nd layer sa harap, katapat naman namin sina Jen at Kurt.  Tas si Marielle nasa likod namin katabi ni Sean. And the rest ay nasa dulo.



"Are you sleepy?" 



"Di pa naman.. Kaw ba ?" Pero tila nilinlang ako ng bibig ko dahil napahikab ako.



"Really now?" 



"Sorry.."



Sinandal niya ako sa balikat niya. "Gigisingin nalang kita kapag malapit na tayo."



"Wag n--"



"Sasandal ka, or i'll kiss you?" Bulong niya sakin.



"Sasandal."


 

"Kiss nalang."  Sabat ni Marielle na nakasilip pala sa likuran namin.



"The moves, bruh."  Kurt



"How bout you? Kailan mo balak dumamoves?"  Rencey. Nagtawanan naman kami.



"F.U!"  Kurt



"Ikaw ba, Ralph? Balak mo?"  Rencey. Tumawa naman silang dalawa ni Kurt.



Inirapan lang sila ni Ralph.



"Ang bagal mo kasi. Naunahan ka tuloy."  Rencey



"What the--"  Ralph



MARIELLE's POV

Pagkatapos nilang mag-asaran ay natahimik na ang bus. Medyo gabi na rin kaya halos lahat ay tulog na. Maging ako ma'y inaantok na rin. Wala naman akong masandalan. Kung bakit ba kasi pumayag akong magtabi si Kurt at Jen-- Hayy. Tiis lang. Para sa lovelife ng kaibigan.



"Inaantok ka na?" Sean asked.



"Medyo eh."



"Sandal ka nalang muna sakin."



"Mabigat ang ulo niyan. Mangangalay ka lang." Napalingon naman ako sa katapat namin. Oh? Bakit andito toh? Nasa likod toh kanina ah?



Yeah. Si Ralph. Prente siyang nakaupo dahil solo niya yung buong space. NakaHoodie sya at nakapikit.



"Wag ka nga!" Hindi ko na siya pinansin kahit magsalita pa siya ng magsalita. Sumandal nalang ako kay Sean at pinilit matulog.



Ilang minuto rin ang lumipas pero hindi talaga ako makatulog. Medyo malayo0layo pa kami. Bakit ba kasi sa malayo kami naisipang dalhin ni Clarence. 



Namimili ako nang songs sa iPhone ko nang may kumalabit sakin.



"Ano ba?" Alam ko namang si Ralph lang ang may guts na mang-asar sakin.



"Nilalamig ako."



"Adjust mo yung aircon."



Pagkasabi ko nun ay pumikit na ako ulit, pero napadilat akong muli nang maramdaman kong may umupo sa tabi ko. 



Si Ralph. Yes, si Ralph. Umupo siya dun sa de-tupi na upuan sa bus.



"Gustong-gusto mo'ko katabi eh noh?" 



"Nah. Naaawa lang ako d'yan sa katabi mo. Baka nangangalay na siya, kaya sakin ka nalang sumandal."


Hinila niya ko saka sinandal ang ulo ko sa balikat niya. Aangal pa sana ako kaso sinandal na niya yung ulo niya sakin. 



"Masakit ulo ko. Please hayaan mo muna."



Pagkasabi niya nun ay tuluyan na akong sumandal sa balikat niya at pinabayaan siyang ipatong ang ulo niya sa ulo ko. 



"Thank you."



Hindi ko alam pero.. napangiti ako sa ginawa niyang iyon. Sana pala laging masakit ang ulo niya, noh?

(MAJOR REVISION) My Boyfriend is my.. COUSIN?!Where stories live. Discover now