"Huy lagi na tayo naguusap" sabi ni Chris. Kinilig ako dahil napansin nya at sya na laging nauunang makipag chat "Oo nga eh. Alam mo ba sa tinagal tagal natin magkaibigan ngayon lang tayo naging close" reply ko. "Bestfriends?" tanong nya. Sa isip ko agad agad?! Pero sa loob loob ko na bestfriend-zone ako. Napaisip ako, okay naman na yun kesa sa wala kaya sabi ko "sige!". "June 12,2016 12:22 am" sabi nya " ano yan?" rineply ko sakanya. Napaisip talaga ako ng matagal hanggang nag reply na sya "date at araw ng friendship natin. Tandaan mo yan ahh"
