"Ritmo ng mga Alaala"
Habang marahan kong ikinukumpas ang aking kamay sa gitara,
Tumahimik ang mundo, ito lang ang tanging naririnig ko.
Isinasambit ang pangalan mo,
Na tila ito lang ang liriko.
Dahil hanggang ngayon ang kanta pa rin natin ang pinapakinggan ko.
Hindi ako maririndi o kaya'y magsasawa
Yakap yakap ka ng sistema ko
Ikaw lang ang tanging nakakapagpakalma sa kaluluwa ko at dinadala ako sa dimensyon na tayo, tayo lang ang tao
Hindi ako mapapagod sa sakit, mapapagod ako sa pagbalewala mo.
Pagbalewala mo sa ritmo na tayo ang bumuo,
Bawat letra ikaw
Bawat pantig ikaw
Bawat saliw ng tunog ikaw
Bawat himig ikaw
Ako ba? Ano ko sayo? Ako rin ba ang kantang paborito mo o baka naman pinampalipas mo lang ako ng oras mo, para makalimot sa mundo mong masyado ng magulo.
Wag mong pag isahin ang mga tunog sa paligid mo dahil kahit gano pa kagulo ang mundo ko, pag naririnig ko ang pangalan mo tumitigil ito,
Ikaw lang ang tanging himig na kinababaliwan ko.
Nandoon na tayo sa panghuling berso at makakagawa na tayo ng satin, ng tayo
Ngunit sa paggawa pala natin ng kanta, hindi ko napansin na ako na lang ang nandito,
Habang ikaw? Ikaw na inalayan ko ng kalawakan ay gumagawa na rin pala ng bagong komposisyon
Naawa lang ako sa sarili ko na pinagpuyatan ko ito, ilang gabi ang pinalipas ko, ilang pagkain ang hinayaan ko sa pagaakalang ganun din ang gagawin mo,
Kaya ngayon, gumagawa ako ng bago, hindi tungkol satin, hindi na rin sayo, kundi para sakin
Kailangan ko ng kumawala sa pagkakagapos ko sa mga alaala mo,
Ayoko pang bitiwan ka pero kailangan ko na diba?
Kaya ngayon, ito na ang huling kantang isusulat ko para sa paglimot sayo.
Ubos na tinta ng panulat kaya gamit ko namay dugo, para mas ramdam ko ang hapdi, ang sakit ang pait.
Hindi ko na hahayaan ang sarili kong mabaliw pa rin sa himig mo,
Parang awa, palayain mo na ako.
Hindi ko na hihilinging magbalik ulit ang dating tayo,
Hinihiling ko na lang na sa muling magkita tayo,
Umakto ka ng parang wala lang ako sayo, at ganun din ang gagawin ko
Pipilitin ko ang sarili kong magsimula muli, hahayaan ko na ang sarili ko paliliparin ang mg insekto, ipaghuhumiyaw ang ritmo na nakalaya na ko sayo.
Isa itong digmaan ng pagkumpas ang tumigil talo, ang umiyak talo, ang bumigay talo,
Gagawa ako ng bagong ritmo, na wala na ang kahit anong pait o kaya'y sakit.
Puro lang saya, panakip sa malungkot mong alaala.
Pupunuin ng mga talinhaga, mga mabulahaw ng salita
Para takpan, ang totoong mensahe nito
Hahayaan na kitang bumuo ng bagong komposisyon, sa iba kung yun ang magpapasaya sayo, magiging masaya ko
Pangako, itaga mo to sa bato,
Pipilitin kong maging masaya ka kahit hindi ako ang dahilan nito,
Nakakadurog oo
Sobrang sakit oo
Pero anong magagawa ko?
Isa na lang akong berso sa kanta mong walang katapusan ang haba,
Kaya ngayon gagawa ako ng sariling ritmo,
At paalam na sayo,
Tandaan mo ikaw pa rin ang pinakapaborito kong saliw ng himig at ritmo.
Paalam na sayo.
----
A/N: First time kong magpublish ng mga gawa ko, it should be spoken so may mga part na hindi rhyme or nauulit so pasensya. Mahaba pero medyo sabaw, bawi ako sa next Chapter.
