CHAPTER 29: Losing Hope

ابدأ من البداية
                                    

Sana ako na lang.

Sana ako na lang nagkasakit at hindi siya.

Sana ako nalang ang nahirapan.

As I cry the tears of my misery, I found myself slowly standing and taking steps.

Then when I looked around, I am now at the edge of the rooftop platform.

Just one more step I can end this pain, and just one more step I can be with her.

"Jana..." I cried and blankly looked straight ahead.

"How am I supposed to live without you?"

Sa taas ng building na ito which is 10 floors, I can definitely end this misery.

I am sorry...

But I'm taking this leap.

Desidido na ako...

Hindi ko na kaya...

Wala na ako sa katinuan. Ang tanging gusto ko ay muling makasama si Jana. Ito nga ba ang sagot?

 Huminto ako sa paghakbang nang biglang narinig ko'ng tumahol si Pogi sa aking likuran.

Bigla akong natauhan, umatras ako at nilingon si Pogi. Napaluhod ako at mabilis siyang pumunta sa akin. Niyakap ko siya nang mahigpit at dinila-dilaan niya ang mukha ko habang inaamoy amoy.

It's like he was telling me not to do it. It's like he was telling me not to leave him too.

Pinunasan ko ang luha sa aking mga mata at hinimashimas si pogi.

"Hey I'm sorry bud! Daddy's not gonna leave you, okay?"

Hindi ko alam kung paano, but I'm pretty sure that my apartment door was closed. Walang paraan para makalabas ang aso ko, unless someone let him out.

I think it's a sign not to give up.

Kinabukasan, maaga pa lang ay may kumakatok na sa apartment ko. Pagbukas ko ng pinto, si Valerie pala.

"Bakit Valeng?"

"Congratulations Kier!" Masayang pagbati ni Valerie. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko ng mga kamay niya at inalog-alog ito.

Agad kong inalis ang kamay ko sa pagkakahawak niya. "I don't have time for your nonsense."

Naging seryoso ang mukha niya saglit ngunit bigla ulit siyang naging masiyahin. Tila sinusubukan niyang hawaan ako ng kanyang masiyahing ugali.

"Ano ka ba? Hindi mo pa siguro nakikita!" Kinuha niya ang kanyang phone, may pinindot saglit at ipinakita niya ito sa akin.

"Ayan oh!"

Ipinakita niya sa akin ang website ng supreme court at ang result ng bar exam.

"Nakapasa ka sa BAR Exam! Congratulations! Ikaw na! Ang Valeng Valeng mo! Mana ka sa akin!" Masayang bati ni Valerie.

Kung wala akong nararamdaman na sakit at bigat sa damdamin ko malamang natuwa ako, pero aanhin ko pa ang pagpasa ko kung wala na ang rason ko. Ang rason kung bakit nagpapatuloy ako.

"Wala na akong pakialam kung pumasa ako o hindi."

"Ito naman! Pinaghirapan mo 'yan! Kaya dapat kahit papano maging masaya ka," nakangiting sambit ni Valerie na may kasamang tapik sa braso ko.

"Bakit ka ba nandito?! Hindi ba sabi ko gusto ko mapag-isa?! May kailangan ka na naman ba?! Kay Shane na naman ba, ha?! Sorry Valeng but I really don't have time for your nonsense!" Sinigawan ko siya.

Until I'm Over You (Published under LIB)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن