Ranz's POV
"Lagi na lang akong iniiwan. Lahat na lang ng tao iniwan ako mga brad!!! Langyaaaa! Ano bang ginawa kong mali??! Ito pa malala, pinagpalit nya ako sa gagong julian trono na yun!! Yung mayabang na babaero sa kabilang campus! Pinagpalit ako sa taong yun! Lahat na lang kinuha sakin ng lalaking yun! Ilang gf ko na ba ang kinuha nya sakin, di ko na mabilang!! Pero si Miki yung kinuha nya eh!!! Si Miki Navasquez! Pare mahal ko yun! Mahal na mahal ko yun!"
"Bro tama na, lasing na lasing ka na, wala na tayong magagawa, nakuha na nya eh!"- oliver
"Aaaahhhhh!!!!" sigaw ko
"Bro wag ka ngang maingay, baka marinig ka nila julian, andito sila" - owy
Tumayo ako, sh*t nahihilo ako. Kailangan kong mabawi si Miki! Papakasalan ko pa yun! Nangako kaming mamahalin namin ang isa't isa habang buhay. 2 years kami! 2 fu**ing years! Sya lang ang babaeng minahal ko ng ganun katagal! Hindi ko itatapon yun para lang sa Julian na yan!
Nagawa akong makarating sa harap nila kahit pagewang gewang ako, sakit ng ulo ko. Hilong hilo ako. Nagulat si Miki ng makita ako sa harap nila. Nakahiga sya sa shoulder ni Julian at nakakapit si Julian sa bewang nya. F***! Bakit ganyan suot nya, mukha syang malandi! Hinila ko agad sya patayo at dinala sa labas! Nagpumiglas pa sya pero hindi ko yun pinansin!
"What do you think you're wearing?!" Kalmadong sabi ko sakanya
"What do you think you're doing?!!" Sigaw nya sakin
"What do you think you're wearing?!" Ulit ko sakanya
"Ano bang pakialam mo??!!!" - Miki
"Boyfriend mo ako" kalmado ko pa ding sabi
"Boyfriend kita? Tapos na tayo hahahaha" tawang tawa nyang sabi
"Hindi pa ako nakikipaghiwalay sayo" kalmado pa din ako
"Pwes ako ang makikipaghiwalay sayo! Break na tayo ranz, we're over!" - sigaw nya sakin
