"I never knew Mico that you are now fascinated with Christmas tree", napigtad ako ng marinig ko ang seryosong boses ni Tito Anton.

Hala! Baka mag-away sila dahil sa Chritmas tree!!!

Unconsciously ay napahawak ako sa damit ni Mico.

" t's good to have a change Tito", simpleng sabi ni Mico na tila kalmadong kalmado. Tila naman lumundag ang puso ko sa narinig. I did not know if Mico is only just referring to the tree or not.

"Kumain na ba kayo?", medyo nakahinga na ako ng maluwag ng tinantanan ni Tito Anton ang walang kamalay-malay na puno.

Tumango naman si Mico.

"We just drop by here kasi may kukunin ako at magpapalit rin lang ng damit. Ipapasyal ko si Phoebe sa infinity heights Tito. Doon na din kami magdi-diner", nakita kong kumunot ang noo ni Tito Anton.

"Let's go" yaya sa akin ni Mico na hindi man lng hinintay ang sagot ni Tito Anton. Loko talaga 'tong isang 'to baka pag-uwi ko mamaya ay nasa labas na ang lahat ng gamit ko.

Aixt sa kanila rin pala ang mga iyon.

Pero nakakatakot talaga si TitO Anton siya ang human definition ng pleasant but dangerous.

"Hey, relax ka lang dyan. Masyado ka yatang tense. Paano kita irereto kay Tito Anton kung ganyan ka?"sabi niya na may kindat pa siya.

Napangiti na lang ako sa pagbibiro niya. how could he be so calm habang ako naman ay tila hihimatayin sa nerbiyos kapag kaharap ang dalawang masungit na Tito niya.

"Sira ka talaga", nasabi ko na lang sa kaniya saka hinampas siya sa kanyang braso ng mahina.

"Rest for a while mamaya pa lang naman tayo aalis" sabi niya sa akin ng pinagbuksan niya ako ng pinto papasok sa kwarto na inuukupa ko.

"Okay thanks gentleman" nakangiting sabi ko na ang tinutukoy ko ay ang pagbubukas ng pinto for me and I was awarded by a kiss in the forehead.

E remind nyo nga ako na dapat parati akong magte-thank you.....

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Dahil yata sa epekto ng halik ni Mico sa noo ko ay hindi ko magawang makapagpahinga. Wala naman akong magawa sa kwarto tapos ko na rin makausap sina Mommy kaya naisipan kong lumabas at napagtripan ang Christmas tree sa sala.

Kinunan ko ito gamit ang camera ng phone ko. Sayang naman kung wala akong remembrance.

"Need help?", napaigtad ako ng marinig ko ang boses ni Tito Anton na nakaupo pala sa sofa sa sala ngayon.

Kasalanan 'to ng mata ko dahil hindi ko siya napansin.

"Hello po" nasabi ko na lang saka yuko ng kaunti pero sa totoo lang nanginginig talaga ang tuhod ko ngayon.

Nakita kong imunuwestra ni Tito Anton ang kanyang kamay na para bang nagsasabi siya na umupo ako.

Kinakabahan man ay umupo na din ako sa katapat ng sofa na inuupuan niya.

"Do you know na pangatlong babae ka pa lang na nakatulog sa bahay na ito?", umiling ako.

Ayokong magsalita baka mabulol pa ako.

"Ikaw, Mommy ni Mico at ang Mommy namin", nabigla naman ako. So ang seclusion nila from girls ay matagal na pala.

"I was not surprise to see you here. Nabanggit ka na ni Mico sa amin.", kinabahan naman ako sa sinabi ni Tito Anton baka nabanggit ni Mico ang pagtawag ko sa kanya ng janitor?

 "Huwag kang kabahan dahil he is obviously fascinated by you.", so nasa lahi pala talaga nila ang pagkamay-manghuhula.

"May pagkakatulad kasi kayo ni Corraine ,Mama niya. Yung palangiti, palakaibigan, yung ang pleasant ng hitsura palagi na kung ngingiti ay para bang nanghahalina ng iba na ngumiti din.", hindi ko mapigilang maging masaya sa narinig ko.

"I know you are aware na ayaw namin sa mga babae" heto na ang nakakabang part.

"We protect ourselves from feeling the pain that our Dad at ang Kuya Michael (Daddy ni Mico) suffered. I think ako at si Rex ay nagawa ang gusto naming iyan. Pero I guess...", bumuntunghininga muna si Tito Anton bago nagpatuloy.

"We can't deprived Mico his happiness and I know his happiness is you right now", unconsciously ay napaluha ako. dama ko sa boses ni Tito Anton kung gaano ka importante sa kanila si Mico.

"We are not asking you to gain our trust Phoebe, dahil parang matatagalan pa yan. Bago pa lang kaming nabigla kay Cathy at ngayon naman may Phoebe na dumagdag pa. hindi pa kami sanay sa mga.... Hmmmm mga katulad niyo"

Napangiti naman ako sa sinabi ni Tito Anton.

"But I am just asking you one thing Phoebe, stay with Mico as long as you are happy with each other. Continue giving happiness to him" yung kaba at takot na naramdaman ko para kay Tito Anton mula ng dumating kami ni Mico ay parang bulang naglaho and I can't help but hug him and surprisingly he hugged me back.

Habang ang mga luha ko ay patuloy pa rin sa paglandas sa pisngi ko.

I am happy not only with his acceptance for me as part of Mico' life but I am also happy that Mico is blessed with guardians like them.

"Punasan mo yang luha mo Phoebe, baka isipin ni Mico na inaway ko ang Tisay niya" sabi ni Tito Anton nang bumitiw na ako sa yakap niya. Naramdaman ko kasi na naging asiwa siya. Hindi pa nga sanay di ba?

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Enjoy reading everyone specially you..... @saphireemata... Sorry po at na delay ang UD ko for your inspiration...

~~~~~~~~~~~ Tito Anton on the side... Hahanapin ko muna sina Tito Rex at Tito James

Si Introvert at ExtrovertWhere stories live. Discover now