"Sinasabi ko na nga ba. Hindi ako ang habol mo. Ang apelyido ko talaga", ay ang cute talaga ni Mico when he is in his playful mood.
"Phoebe Athena Zy Montalbo,", I mumbled involuntarily.
"Sounds perfectly good", namula ako ng marinig ko ang komento ni Mico.
"Oy.... Type mo na akong e additional member of your family", I tease him habang sinundot-sundot ko ang tagiliran niya. Habang siya naman ay abala sa kakaiwas at sinusubukan din niyang hawakan ang kamay ko.
Hindi naman siya nahirapan. Sa laki ba naman ng kamay niya kaya ngayon ako na naman ang kinikiliti nya.
"Hahahahaha Nognog stop it", impit kong tawa. Ayaw kong bumanghalit ng tawa. Nandito pa naman kami sa foodcourt at ang daming kumakain.
"You started this", tumatawang sabi ni Mico na tila ba aliw na aliw sa kakakiliti sa akin.
"Mico!", napatigil kami sa paghaharutan ng biglang may tumawag sa kanya.
Nakita ko ang kumpol ng mga kalalakihan at may iilan ding kababaihan.
"Jude!", ganting bati ni Mico sa tumawag sa kanya saka humakbang papunta sa mga ito without bothering letting go my hands na hanggang sa ngayon ay hawak-hawak niya.
Pasimple ko yung kinuha pero naramdaman ko na mas hinigpitan pa niya ito.
"Long time no see Dude", masayang sabi ng lalaki kay Mico na pasimpleng sumulyap sa akin. Napangiti naman ako ng lihim ng makita kong parang tinago ako sa likuran nya.
Possessive lang talaga.
"By the way guys this is MIco, classmate namin ni Jenica noong Highschool. Dude mga barkada ko", napamaang ako sa narinig at nakita ko si Jenica na natabunan pala ng ibang kasamahan nila. Wala din naman kasi akong contacts na dala kaya medyo malabo ang vision ko ngayon.
Pero napaisip ako. Si Jenica at Mico, magkaklase noon?
Kaya pala ang daming alam ni Jenica kay Mico.
May past pala sila?
Nakita ko namang tumango ang mga kasama nila sa mesa sa sinabi nung Jude.
"Ipakilala mo naman yang kasama mo Dude" dahil yata sa sinabi ni Jude ay napilitan si Mico na itabi nya ako.
"Si Phoebe, bisita ko"simpleng sabi niya sa mga ito. What did you expect sa isang snob na lalaki? The shorter the better.
"Hello" simpleng sabi ko sa kanila na kinawayan sila.
Nakita ko naman na tila nabigla si Jenica sa pagkakita sa akin.
"Hello girl", beso sa akin ni Jenica na medyo nakabawi na siya sa pagkabigla niya pagkakita niya sa akin.
YOU ARE READING
Si Introvert at Extrovert
Short StoryStory of two opposite people who both give chance for the word "LOVE".
Scene 22
Start from the beginning
