"Iyan ang gusto ko", walang dalawang isip kong tinuro ang Christmas tree na nasa gitna ng 2nd floor.

Akala ko aangal siya dahil medyo may kalakihan at kataasan ang napili ko kumpara sa ibang puno.

"Mr. Santos!", tawag ni Mico sa isang lalaki na ang hinuha ko ay supervisor ng tindahan.

"Bring that to our house. Put that in the center of our sala. Just tell Tito James ako ang nag-utos sa inyo and be sure to have that one the same as what it looks like in here.", masungit niyang mando. Nakita ko namang tumango si Mr. Santos sa kanya atsaka tumawag ng mga tauhan.

Bigla naman akong na guilty.

"Mico, I'll help"

"No need kaya na nila yan. Don't worry I'll pay them an extra pay", hmmmm not bad. Considerate na amo pala itong si Mico.

"Okay"

"Happy now?", napangiti ako. Eh kanina pa ako happy.

At dahil sa happy ako ay pinitik ko din siya sa kanyang noo.

~~~~~~~~~~~

"Ilang taon na ba si Tito James?", tanong ko sa kanya habang papanhik kami sa foodcourt ng department store nila.

"He's just 26. Youngest siya nina Papa. Kaya nga kami ang pinakaclose. Teka nga, bakit ba ang interesado mo sa kanya", natawa naman ako sa nakitang pagkaaburido Ni Mico.

"Malay mo kung hindi aabot yang 98% mo sa 100% si Tito James ang magkaka-like sa akin", I said playfully. Hindi ko pinaseselos si Mico, I'm just trying to loosen him a little bit.

"Hah, asa ka pa Tisay, may gusto na yun si Tito James.", napangiti ako ng sinakyan ni Mico ang sinabi ko. Akala ko pa naman makakatanggap na naman ako ng irap.

"Malay mo" I continued teasing him.

"Wala ka ng pag-asa dun. Remember the girl last night. Yung nag-asikaso sa'yo?"

"Yup, she's beautiful. Don't tell me?", namilog ang mata ko. Aixt may taste din talaga si Tito James.

"Siya si Cathy. Siya ang unang babaeng naging dahilan sa pag-aaway nina Tito. Grabe ang naganap na away nila noon.", bigla naman akong kinabahan sa narinig.

"Mico, what if?"

"You worry too much", pinutol niya ang sasabihin ko sana na para bang nabasa niya ang iniisip ko.

"Hindi mo ba alam na dinala kita dito para ireto kita kay Tito Rex?", sabi niya in a serious tone pero halatang nagpipigil ng tawa ng makitang nabigla ako.

"Pwede bang kay Tito Anton na lang?", sakay ko sa biro niya.

Si Introvert at ExtrovertOù les histoires vivent. Découvrez maintenant