Please VOTE AND COMMENT <3~ Thank you guys!
Jasper POV
"Jasper, Im sorry. Im really really sorry. Let me explain first"
Patuloy na nagmamakaawa at humihingi ng patawad si Annica sa harap ko. I have no choice kundi ang patawarin siya. I love her. I really do.
U–.–U
"Wag ka ng umiyak. Sige, i-explain mo sakin kung ano yung nakita ko" Sabi ko at hinawakan siya sa magkabilang balikat niya.
"I-i w-was t-trying to.... W-wait f-for you pero d-dumating s-si D-dave a-at inaya n-niya a-akong m-mag c-coffee s-saglit.. Pero.... S-sabi k-ko h-hinihintay k-kita k-kasi mag-de-date t-tayo. N-nagulat a-ako nung n-niyakap niya ako a-at h-halikan s-sa c-cheeks. I-i d-did not mean that t-to h-happen.. Im sorry Jasper, im really sorry. K-kung s-sobrang n-napagalit k-kita k-kanina" Nauutal na sabi ni Annica.
Ramdam ko ang sinseridad niya pero parang hindi tumagos sa puso ko. Two years na kaming mag-couple pero ngayon lang may nangyaring ganito kaya nagalit talaga ako!
Makita mo ba naman yung girlfriend mo, niyakap at hinalikan sa cheeks ng isang lalake! At masaklap pa don, kaaway mo pa talaga!
U-____-U
"Mabuti siguro'ng.. Wag muna natin 'to pag-usapan. Ihahatid na kita, 10 pm na din. Baka hinahanap ka na sa bahay" Malumanay na sabi ko.
"Pero J-jasper, b-bati na ba tayo?" Kumapit pa siya sa braso ko dahil pagbubuksan ko na sana siya ng pinto.
"Hindi ko alam, babe. Umuwi na tayo, sa susunod nalang natin ituloy ang date natin" Walang ganang sabi ko.
Binitawan naman niya ako.
'Badtrip!'
"S-sige, umuwi na tayo" Sabi niya at pumasok na sa loob.
In-start ko na ang kotse ko at nag-drive papunta sa village nila. Tahimik lang kami sa byahe at panay hikbi si Annica. Nakaramdam naman ako ng awa sa kanya.
'Bwisit kasi yung Dave na yun eh'
Hininto ko ang kotse ko sa tapat ng bahay nila Annica. Pinagbuksan ko siya ng pinto at nakatungo lang siya sa akin.
"Sorry ulit babe" Sabi niya at humarap sa akin.
"It's okay, babe. Matulog ka agad, first day natin bukas" Sagot ko.
"Oo nga pala. Sige.. goodnight babe"
Niyakap niya ako at niyakap ko rin siya.
"Sige, goodnight din. I love you"
"I love you too"
At tuluyan na siyang pumasok sa loob ng bahay nila. Hinintay ko siya makapasok sa bahay nila at sumakay na ako sa kotse ko. Nag-drive na ako pauwi ng bahay. Pinark ko ang kotse ko sa garage at pumasok na ako.
"Oh hijo, bakit ngayon ka lang? Anong oras na ah. Kamusta ang date niyo ni Annica?" Sinalubong agad ako ni Manang.
