Aish. Ara! Ano ba yan?

Nagsmile sya sa akin. "Sakto gutom na din ako" tumawa sya na parang nahihiya. "Tara?"

Tumango na lang ako.

Pagkarating namen sa mismong pad nito ay kusang namasyal ang aking mga mata sa buong paligid. Infairness, ang ganda ng unit nya. Studio type lang, simple pero ang linis. Napakalinis nya talaga hindi lang sa sarili pero sa mga gamit na din.

"Pasok ka" sabi nito nang manatili akong nasa pinto lang.

Napansin kong lumapit sya agad sa laptop na nasa table, kinuha ito at inilagay sa center table. Napaharap ito sa akin. Napansin kong may kaskype sya. Si Brix? Yung aso.

Napatingin ako dito, napansin yun ni Mika kaya lumapit sya dun sa laptop. "Brix, meet Vic" pagkausap nito dun sa aso.

Ngumiti naman ako.

"Ang laki na nya" puna ko. "I mean nung sa wallpaper ng laptop mo parang ang liit nya pa" tumawa ako.

Ngumiti sa akin si Mika "Matakaw kasi" tumawa sya kaya nakismile na din ako. Tumayo si Mika at nilead ako papunta sa kusina. "Feel at home Vic" nagsmile sya sa akin at inihanda ang mga gagamitin ko. Pinigilan ko sya.

"Ako na" para kasi syang naaligaga. "Ok lang bang makialam dito sa kitchen mo?" tanong ko.

"Oo naman" ngumiti sya. "Pasensya na medj magulo dito sa kusina"

Tumawa ako "Magulo pa ba sa lagay na yan?" tumuro ako sa mga gamit nya. "Mas malinis pa ngang tignan kitchen wares mo kesa kay Thomas eh" sabi ko.

Tumawa si Mika. "Sobra ka" sabi nito. "Wait lang ah balikan ko lang si Brix" nagsmile sya.

Tumango naman ako. "Sure"

"Wait yan na ba si Vic?"

Sabay kaming napalingon sa nagsalita. Walang tao sa paligid, napatingin ako sa laptop. Ayun. Yung kuya ni Mika.

"Oh? Ayan na pala eh, akala ko ba Mika nagtatampo ka kasi hindi nagpaparamdam sayo after nung pumunta kayo sa Pampanga?"

Napatingin ako kay Mika, naguguluhan ako sa sinasabi ng kuya nya pero sinisink in kong mabuti sa utak ko yung sinasabi nito.

Hindi ko na napigilang mapangiti. Napalingon ako kay Mika, namumula na ang mukha nito kaya napatakip na lang ako sa mukha ko habang tumatawa ng mahina. Pati ako, namumula na din yata.

"Kuy----" magsasalita si Mika pero agad na nagsalita yung kuya nya.

"Patampo tampo ka pa kunwari kasi di ka tinetext kita mo nga pinuntahan ka pa talaga dito" sabi nito. "Sweet pala talaga yang si Vi----"

"Kuya!!!!!!!!!!"

Napalingon ako kay Mika habang nakangiti pa din. Yung labi ko mapupunit na yata sa pagngiti ng sobra. Hahahaha

Tumakbo si Mika papunta sa center table at agad na sinaksak ang earphones sa laptop. "Kuya, nakaloudspeaker ka. Nadinig ni Vic lahat" sabi ni Mika, pabulong pa sana pero malakas kasi yung pandinig ko.

Nakatingin ako kay Mika, ang cute cute nya talaga.

Well, thankful ako na pumunta ako dito, kasi atleast ngayon alam kong hindi lang pala ako ang affected sa nangyari nung sa Pampanga, pati yung mga hindi kami nakakapagtext, si Mika din pala. Nakakakilig. Hahahahaha

Tumalikod na ako, ng, well, ngiting ngiti syempre, deep down naiihi na ako sa kilig eh. Hahaha. Nagsimula ko ng ihanda yung iluluto ko.

Hinayaan ko na lang na makapag-usap si Mika at ang kuya nya.

Can't Help Falling In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon