I

67.6K 2.2K 2K
                                    

Chapter 1.

Huminga ako ng malalim. Inhale, exhale. Nakatitig ako sa baby sa harap ko. Tungunu! Limang oras na akong nagpa-practice na magkabit ng pampers sa kaniya pero hindi ko masundan iyong pinapanood ko sa youtube.

Susuko na ako. Hindi ko ito matanggap. Bakit ba ako may anak? Isa akong mabuting mamamayang pilipino na gumagamit ng proteksyon sa oras ng kalibugan. Puta, pero may nakalusot na sperm! Aba!

Kaya dapat, ang tawag ko sa batang ito ay SPERM. Dahil siya ay isang nakalusot na sperm at nakipagmeet sa egg cell. Paano na ang gagawin ko?

Masarap maging binata pero tatay na ako ngayon. Isang linggo na sa akin ang batang ito at talaga namang napipighati ang damdamin ko dahil sa katotohanang may anak talaga ako.

Noong nakita ko ito sa may labas ng pinto na nasa planggana, kinabukasan ay dinala ko sa hospital at nagpa-DNA test ako para sigurado. Pero tangina, anak ko nga. Positive! Nag-match kami. Kaya wala na akong nagawa kung hindi magdesisyon na alagaan ang baby na ito.

Mahabaging poon, ako naman talaga ay napakabuting tao pero bakit ganito ang nangyari sa akin?

Pakiramdam ko, umurong ang aking sword dahil sa may anak na ako. Paano pa ako makakapang-chicks nito? Aba, alangang makipag-one night stand pa ako habang kasama ang baby ko. Puta, tapos na talaga ang maliligayang araw ko.

Tangina, sino bang nabuntis ko?!

Tumawa ang baby. At talaga namang hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Para bang masarap sa pakiramdam. Kamukha ko ang baby. Hindi maipagkakailang anak ko nga. Tiningnan ko kasi ang pictures ko noong baby ako.

Para kaming pinagbiyak na bunga.

"Sperm, bakit ka kasi nakalusot at pumunta sa kung kani kaninong egg cell? Paano na ako nito?"

Nag-dial ako ng number. Nakakahiya man pero dahil sa kasumpa-sumpang bibig ni Palermo, lagi akong napunta sa kanila dahil nagpapaturo akong mag-alaga ng baby kay kumareng Charisse. Tungunu, hindi ko ito akalain.

Sabi nila Palermo, kumuha daw ako ng yaya para kay sperm. But that's a no no! Baka landiin lamang ako ng yaya. Mahirap na dahil talaga namang umaapaw ang ka-gwapuhan ko, araw man o gabi.

"O, Ken?"

"Kumareng Charisse. Talaga namang hindi ko matutunan ang pagkakabit ng pampers." Sabi ko.

Sa isang linggo, kulang nalang ay tumira ako kina Palermo. Buti nalang mabait si Charisse. Kumare ko na siya ngayon.

"Lahat ng bagay matututunan, Ken. Tiyaga lang. Saka ano ka ba, kelangan mo na maging responsable. Tatay ka na."

Tangina, tatay na nga talaga ako.

"Oo nga. Ano pa bang magagawa ko. Kasalanan ni Luke ito e."

"At paano naman naging kasalanan ng asawa ko, aber? Kasama ba siya noong nakipag-sex ka at nakabuo? Sampalin kita diyan, Sarmiento ha!"

"Sorry na, kumareng Charisse. Hindi ka na mabiro. Lagi ka nalang highblood ah."

"Whatever! So, ano? Dadalhin mo ba ulit dito si baby Kenshin?"

Napaisip ako. Two years old palang ang anak ko. Lagi namin pinagtatabi si sperm sa anak ni Palermo. Two years old din iyon e. Matanda lang ng dalawang buwan kay sperm ko.

"Hindi muna. Kakayanin ko pag-aralan ang pagkakabit ng pampers para sa kinabukasan ni sperm."

"Siya, tawagan mo lang ako kapag may tanong ka. Saka anytime, pwede ka namang pumunta dito sa bahay."

Single DadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon