I

18.3K 569 21
                                    

Chapter One


Mikee❤

"Bes! Hindi ko naman alam na sa States na pala ako pagaaralin!" paliwanag sakin ni Gelai. Hindi ko parin sya pinansin at tinuloy lang fill-up-an yung enrollment papers ko.

Balak ko namang mag-aral sa all boys school, grabe kasing pahirap nung dati kong school eh, binubully ako nung mga babae dahil bakit daw ang ganda ko. Hinihiwalayan tuloy sila ng boyfriend nila at sa akin nanliligaw. Emeeeeee!

Hindi ko kayo inookray ha, maganda talaga ako. Tinatawag nila akong Androgynous Beauty dahil kahit may lawit ako, if you know what I mean, eh mukha akong babae plus pa na medyo mahaba ang buhok ko. 

"Ano bang kailangan kong gawin para mapatawad mo ko!" Nakaisip naman ako ng evil plan kaya hinarap ko sya.

"Are you sure?" Tumango naman sya.

"Kailangan buwan buwan papadalhan mo ako ng chocolates at favorite polo collection ko." Sabi ko. Madali nalang para sa kanya yon. Aba! Ke yaman yaman kaya ng babaeng to.

"Sure! Walang palya!"

One of the prestigious schools ang Canion Colleges. Dito nagaaral ang mga mayayaman, at naggwagwapuhang estudyante.

By the way, bago ko makalimutan. Ako nga pala si Mikee Loise Bermudez, I'm just simple, I think. Masasabi ko naman na mayaman ako, I have my own house and cars, yes with S.

But that doesn't matter, I have my mother and father working together abroad as business tycoons. Pero wala pa rin yun sa mga taong makakasalamuha ko sa Canion.

Solo lang akong anak kaya naman spoiled na spoiled ako sa magulang ko. Hobbies? Uhmm, I sing but I don't dance. I can but I just don't. Ang gulo na! Volleyball is my sport. Doon ko matatawag ang sarili ko na master. Varsity na ako sa previous school ko since Grade 4. Una ay hindi pa ako masyadong sanay but nang magsimula ako ng high school ay sunod sunod kong naipanalo ang team namin hanggang palarong pambansa.

Enough with the intro.

Papunta ako ngayon sa Canion para sa Entrance Examination. Hindi lang kailangan ng datung sa Canion, dapat may utak ka din. Katakot takot na 90 percent ang kailangan mong ipasa. Kaya medyo konti lang ang nakakapag aral sa Canion. Pero hindi yon kabawasan.

I just wear a denim shirt, fitted above-the-knee shorts, and flat shoes, and I'm off to Canion College.

Papasok palang ako ng gate ng harangin ako ng guard. Marami na rin nakapila at nakaagaw ako ng atensyon. "Nako, miss bawal po ang babae dito. Kailangan nyo po ng slip sa office."

Ngumiti ako ng matamis sa guard. Lagi nalang ganito ang scenario. "Sorry kuya, pero lalaki po ako."

Nagulat naman si Kuya at natulala pa ata. Pinapasok naman nya agad ako. Pinagtitinginan nga ako eh. Ikaw ba naman makakita ka ng mukhang babae tapos matagal tagal kang off limit sa tunay na babae dahil all boys school to.

"Grabe bro, ang hot naman nya."

"Sigurado ba kayong lalaki yan?"

"Oo naman, sya pa nga nagsabi eh"

"Pede na yan!"

At marami pa akong narinig sa kanila habang hinahanap ko ang building kung saan kami magtetake ng exam. Yung iba pa nga ay sumusunod sa akin. Sanay na rin siguro ako. Sexual assaults everywhere, kung nagkakaso lang siguro ako lalong dumami pera ko.

Mr. Androgynous (BL)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu