"Hello?"

"Oh? Amiko, akala ko kung ano na nangyari sayo, sabi kasi ni Francis, wala ka daw sa mood today. Nasaan ka ba?"

.____. What's going on?

"ahh ehh, Nandito kami sa rooftop nila Fenrir"

"ahh sige puntahan kita jan, may sasabihin ako"

"ahh sige"

"hmmm bye?"

"bye hehe"

"baba mo na"

"huh? Ikaw na mauna"

"no, ladies first"

"heheh sige"

"oh? Wait? May nakalimutan ka"

"huh?"

"hmmm the word~"

"hmmm"

"ako na nga, hehe I love you"

O__O

Hindi ko alam, pero tulad nung nakaraan, hindi ko magawang sabihin pabalik ang salitang yan sa kanya. Parang may kakaiba akong pakiramdam. Para bang natatapakan ako? Hindi ko alam at hindi ko alam kung paano sasabihin ang nararamdaman ko.

Binaba na ni Rupert ang tawag. Pero habang naririnig ko pa din sa kabilang linya ang *toot* laging sa cellphone ko, nakatulala lang ako sa malayo at diretso lang ang mata ko. Habang nakalagay pa din sa tenga ko ang phone ko.

"Hey! Amiko!"

"huh?" nagulat ako sa biglang singit ni Denise

"huh? Something wrong?" tanong ni Denise habang nakakunot na ang noo.

Medyo natahimik muna ako, sila namang tatlo, nasa harap ko at nakatingin lang saken.

"Ayos lang ako" pinilit kong ngumiti at sana maniwala sila. Ayoko naman na mag-alala sila sa akin.

"Amiko, sure ka? Basta nandito lang kami for you ah" sabi ni Kaye

"Oo nga naman bakla." Saad naman ni Fenrir "Kung may umaway sayo naku teh, tulungan kitang nabunutan yan girlash na yan" ngumiti lang ako kay Fenrir

"Oh? Ano? Wag kang iiyak Amiko ah hehe" pabiro naman ni Denise.

"Thank you sa inyong lahat"

"Alis na muna kami" sabi nilang tatlo.

O...O huh?

"Teka? Bakit?"

"di ba susunduin ka dito ni Fafa Rupert????" (-.-) sabi ni Fenrir na may tonong nagseselos

"heheheh, sos Amiko ah, naku." Sabi naman ni Kaye na may nakakalokong ngiti.

O///o teka? Ano bang sinasabi nila? Leche!!!!

Umalis na silang tatlo habang lokong nakangiti pa din. Pero ako nagtataka lamang sa mga sinabi nila.

Maya-maya pa, dumating na si Rupert.

"Tara Amiko, uwi na tayo"

Hindi na ako nagsalita at sumama na sa kanya. Pagbaba namin sa rooftop, at bago pa lumiko sa corridor sa at nakita namin si Francis.

"Oh? Amiko? Nakita ka na pala ng boyfriend mo, ikaw na Sadako ka gala ka talaga"

-___- epal.

"Thank you Francis." Sabi naman ni Rupert. "OH? Who is she?" tanong nito. Hindi ko namalayan na may kasama palang babae si Francis. Tinignan ko ito, at maganda, maputi, matangos ang ilong at ang ganda ng mata. (natitibo na yata ako)

"Ah, she's Elaine. Elaine, si Sadak- ay este Amiko at Rupert nga pala, guys, this is Elaine."

^___^ masayang intro ni Francis kay Elaine.

"Nice meeting you two, I know you Amiko, and ang ganda mo" wow, thank you sa compliment Ate.

"HUH? Nanalo lang sa Ms. Campus? Maganda na? hahaha excuse me, ako yata ang Mr. Campus noh"

-____- epal talaga ng adik na 'to.

Aalis na sana kami pero tinawag ako bigla ni Francis.

"Amiko? Arent you? Going to cemetery now?"

Ay, oo nga pala. Yearly naming ginagawa na pumunta, actually pupunta ako, pero nahihiya akong i-approach si Rupert na samahan ako.

"Yeah.." nahihiya kong sabi dito. Yumuko at pero nilingon ko saglit si Rupert at nagulat ito sa sinabi ni Francis.

"sige, hmmm sasama ba ako? O si Rupert na?"

Hindi pa man ako nakakapagsalita. Sumabat na si Rupert.

"No dude, ako na sasama sa kanya" seryosong sabi nito.

Tsk. Amiko, galit yata si Rupert. At ito ang unang beses na narinig ko siyang ganito.

"ah...ehh, okay, if you say so haha sige bye!" umalis naman na si Francis at sabay silang naglakad ni Elaine.

Sino kaya si Elaine sa kanya? Hmmmmmppp

Pero bago ko muna yan isipin, si...Rupert. Naglakad na ito pauna sa akin. Kaya naman sumunod na ako. Pag dating namin sa parking area ng school. May kinuha siyang bag at naglakad pauna sa school gate. Hindi niya ako pinapansin. Pero nakasunod ako sa kanya. Pero bigla siyang huminto. Napatingin ako sa kanya pero iba ang nakita ko. Si Ayesha.

Naglakad si Ayesha, pero hindi ito huminto sa kinatatayuan ni Rupert. Dumiretso ito sa akin.

"Amiko, take care of him" with that, umalis na siya, pero pag-alis niya. May sinabi siya kay Rupert na isang bagay, pero gawa na malayo ang distansya ko sa kanila hindi ko narinig 'yon.

Pinuntahan ko na si Rupert, pero nagulat ako ng umiiyak siya habang tanawa na naglalakad si Ayesha. Sabay sambit ng mga salitang...

"Amiko...I'm sorry..." tapos bigla na siyang tumakbo.

Naiwan akong nakatayo at gulat sa school gate. Hindi ako magalaw. Nasasaktan ba ako? Bakit parang gusto kong umiyak pero, walang luha lumalabas?

"Mama...help me..."

Lalabas na sana ako ng school gate, nakakapanlumo at napasakit sa pakiramdam. Pero..

"Halika nga"

May biglang humawak sa kamay ko at hinila ako tuluyan palabas ng gate.

"F-francis???"

"Oh? nagulat ka noh? May poging dumating? Hahaha"

Ewan ko, pero noong oras na dumating si Francis. Parang nawala lahat ng sakit?

Sadako's First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon