Chapter 1 : Sea Dragon

5 0 0
                                    

"GRESHA! TARA NA! ANO BA, OKAY LANG YAN! WALANG MANGYAYARING MASAMA!".
sigaw ni Cass habang inaaya si Gresha na sumakay sa Sea Dragon.

"Ayokooo. Baka atakihin ako sa puso dyan."

" Ano kaba Gresha, Isa lang naman eh. Pagkatapos nito di na kita yayayain sa ibang rides. Promise! Tignan mo ohh! Nilibre na kita ng Ticket." pagpipilit ni Cass kay Gresha.

Alam sa sarili ni Gresha na hindi niya kinakaya ang mga ganoong rides. Ngunit sa kakulitan ng kanyang best friend na si Cass ay niyaya siya nitong sumakay sa Sea Dragon kung saan mayroong parang isang malaking sasakyan na iduduyan lahat ng taong nakasakay dito. Muka itong sasakyan na may itsura ng isang dragon. (Parang Vikings ganon).

" Eto lang ha!" Sabay pakawala ni Gresha ng isang mabigat na hininga

" YAYY!!" SIGAW ni Cass habang hinihila ang kaibigan papunta sa...

" BAKIT SA DULO TAYO?!" Sa pagkakataong ito ay napasigaw si Gresha dahil balita nya ay ang mga matatapang at mga taong sanay na sa mga ganitong rides ang karaniwang sumasakay sa dulo dahil mas mararamdaman mo daw dito ang pagtaas at pakiramdam ng pagkalaglag. Kaya nga nakasulat sa board sa baba ay ' bawal sumakay ang mga may sakit sa puso' . May sakit si Gresha sa puso at sa Pinakadulo at pinaka-intense na parte pa talaga sya napunta.

" Ikaw na lord bahala sakin". Kabadong bulong ni Gresha.

Nagsimula nang gumalaw ng paunti-unti ang Sea Dragon. Hanggang sa pataas na ito ng pataas.

"WOOOOHHHHH"

"ARRHHHHHHHHHHHHGGGGGGGGGGGGGG"

"AHHHHHHHHHHHHHHHHHHH"

"AYOKO NAAAAAA!!!!!!!"

"ANSAYYAYAYAYAYAYAYAYAYAYAY!"

"WUHOOOOOOOOOOOOOO"

" AHHHHHHHHHHhhhhKkkkkkk"

"AYOKO NAAAA!!!!!" sigaw ni gresha

Kalahati na ng 360° yung sway ng Sea Dragon. At nagsisimula nading sumakit ang puso ni Gresha. Nasusuka na ewan na parang naghihilo ang nararamdaman nya.
Pahina na ng pahina ang ugoy ng Sea Dragon ngunit lalong nahilo si gresha. Hanggang sa...

Umiikot ang paningin nito. Parang lahat ng nasa paligid nito ay gumagalaw.

"Uy Gresha? Okay ka lang?" Nagaalalang tanong ni cass

"Ah-O-o-ok lang a-ako" Ngunit sa loob loob ni Gresha ay may sumisigaw ng HINDI!

" Eh bakit namumutla ka? Tara na baba na tayo. Tapos na."

"Ta-tapos na?. " Dahil sa hilo ni Gresha ay parang nawala sya sa sarili nya

" Hilo ka nga. Lika na baka mamaya himatayin kapa nyan"

Naglakad na pababa si Cass ngunit si Gresha ay nanatiling nakatayo. Nahihilo at di makakilos.

"Oy Gresha, Bumaba kana.".

Naninikip ang dibdib ni Gresha. Hindi sya makahinga hanggang sa Nagdilim nalang bigla ang paningin nya....

*****

" Gresha, Bes , Okay ka lang?"

" Nahihilo ako."

" Nasa Hospital tayo Gresha. Hinimatay ka kagabi."

" Ganon ba?."

" Pero bes, Infairness on-time yung pagkahimatay mo ah."

" Bakit naman?"

"May 3 Poging dumaan sa harap mo.Tapos nung hinimatay ka, sinalo ka nung isa"

"Ah Ganon ba? Nasan sila? Magpapasalamat ako"

"Sa tingin ko di lang 'salamat' yung dapat mong sabihin..."

"Bakit naman?"

"Dahil nung sinalo ka nung isa, Chineck ka nung pinakagwapo then,...."

"Then...."

" SINUKAHAN MO SYA!."

'What the..' Bulong ni Gresha sa sarili.


---------*****------------************----------

HAPPY NEW YEAR GUYS!. ILANG ORAS NALANG 2017 NA! GODBLESS!










You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 31, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

That Amusement RideWhere stories live. Discover now