A/N: Sana po magustuhan niyo! If not too much, please hit the VOTE button
Sobrang ma-appreciate ko din po ang Positive/Negative COMMENTS. Hoho! ت
~HLbabe ❦
***
"Mahal kita Ice. . ."
"Mahal na mahal din kita Marie."
Nagkalapit ang mga noo namin. Tinitigan ako ni Ice na tila ba'y masusing kinikilatis ang bawat parte ng mukha ko.
Hinaplos niya ito gamit ang kanyang kamay...
At.. unti-unting lumalapit ang kanyang mukha.
Lumapit nang lumapit ..
Eto na ba talaga 'yun????
Sobrang la—
"MISS JUANA! Sino ang nagbigay permiso sa'yo na matulog sa klase ko?!" Sigaw ni Ma'am Batumbakal. Naku! Umuusok na naman 'yung ilong niya!
Napabalikwas naman agad ako mula sa pagkakatulog sa mesa ko.
Panaginip lang pala.
"Ayy. Sori po ma'am," Hinging paumanhin ko. Inayos ko naman agad ang salamin ko.
Pinagtawanan naman ako ng mga kaklase ko. Kabilang na ang taong ka-love team ko sa panaginip at sa totoong buhay. At 'yun ay walang iba kundi si Ice Water.
Tiningnan ko ang mga kaklase ko habang nagleleksyon ang guro namin tungkol sa ewan-ko-kung-ano.
Aba'y ang babait! Akalain mo nga naman! May nagtetext,may nagdadaldalan, may kumakain ng fishball, nanonuod ng pelikula. At aba! May nagseselfie pa nga e! Haaaaaaay. . .
Ako nga pala si Marie Juana. 16 na taon nang humihinga at nasa ikaapat na taon sa sekondarya. May ibang nagsasabing matalino ako. Mahiyain nga lang. At ayon naman sa iba, isa nga daw akong "wirdong nerd".
Pero, kahit ganito ako, isa akong prupesyunal na "stalker" ni Ice Water. Ang napakagwapo, napakabait at matalinong kinahuhumalingan ng lahat. Tingin pa lang niya, para ka nang maiihi sa kilig!
YOU ARE READING
NANG DAHIL SA NOTEBOOK
RomanceIstorya ni Marie Juana at Ice Water. Para sa mga taong may hinahangaan.. Para sa mga nag-iisip na wala na silang pag-asa sa taong gusto nila. Para sa mga inlove. . . Sana magustuhan niyo. :) READ.READ.READ