Sweet Dreams (2/2)

Magsimula sa umpisa
                                    

Nalaman ko na magkaibigan pala itong si Imee at si Alaiza. At si Imee ang gusto niyang ipakilala sa akin noon pero tinanggihan ko. Maski naman daw pala si Imee ay umayaw sa gustong mangyari ni Alaiza noon.

"It may sound cheesy but I believe in soulmates. Kaya ayoko kapag pinipilit ako ng mga kaibigan ko makipagdate o kapag nirereto nila ako sa iba. Gusto ko natural lang. It will happen if it's meant to happen." Ayon ang sinabi niyang dahilan kaya madalas siyang umayaw sa mga trip ni Alaiza.

Naging masaya naman kaming apat sa naging dinner namin. Kung anu-ano ang napapagkwentuhan namin na para bang matagal na kaming magkakakilalang apat kahit na ang totoo ay si Imee at Alaiza lang naman ang matagal na talagang magkakilala.

Kahit medyo gabi na rin ay hindi kami umuwi agad. Matapos maghapunan ay bumili kami ng ilang can ng beer at ilang chichirya saka tumambay sa may park.

Nagkukulitan ang tatlo at umikot-ikot sa park para raw pampababa ng kinain habang ako ay naiwang nakaupo at nagbabantay ng mga gamit namin. Tinatamad din akong maglakad kaya ako na ang nagprisinta sa pagbabantay.

Nakatingin ako sa kanila at sa tuwing madadaan sila sa gawi ko ay kakawayan nila ako at magpapatuloy sa pag-ikot.

Nagtatawanan at nagkwekwentuhan sila habang naglalakad. May mga pagkakataon pa nga na nagbabatukan sila Imee at Alaiza. Si Imee sobrang bungisngis. Maya't maya tumatawa. Kapag tumatawa siya minsan ay sinasabayan pa niya ng palakpak. Nagpapababa raw sila ng kinain pero paminsan ay lumulundag din siya.

Kakalundag niya ay muntik na siyang madapa at muntik na rin akong lumapit sa kaniya pero nakabalanse rin naman siya agad at natawa lang sa nangyari sa kaniya.

Nang dumaan ulit sila sa gawi ko ay tinawag niya ako at kumaway, "Kinekwento ni James mga kalokohon mo no'ng highschool," sigaw niya at pinagtawanan ako.

Umiling lang ako at lumagpas na ulit sila. Nakatingin pa rin ako kay Imee na ngayon ay hawak na ang tiyan kakatawa nang may magsalita sa tabi ko.

"She's beautiful, isn't she?" Halos mapalundag ako nang marinig ko ang boses ni Alaiza. Paano siya napunta dito eh kanina lang magkakasama pa silang tatlo? "Dahan dahan lang. Baka matunaw." Narinig ko na 'to kay Joshua kanina. "Small world, no?"

"Hmm... O sadyang nasa iisang building lang tayo kaya nagkrus mga landas natin?"

Inirapan niya ako at umupo sa tabi ko. "Type mo?" tanong niya at tumango sa direksyon ni James at Imee na hanggang ngayon ay tawa ng tawa.

"Sino?"

"Baka si James?" irap ulit niya sa akin. "Malamang si Imee."

"Niyaya lang kumain type na agad?"

"Sure, Andrei. I'll let fate do its work."


***

"Do you believe in soulmates?"

She asked while we're staring at the night sky. She traced the stars by her fingers then brought her knees closer to her chest and rested her chin there.

"I believe in soulmates." I know. You've told me one night. "You?"

Itinagilid niya ang ulo niya para tingnan ako.

I stared at her and she did the same. When she feels like I won't answer her, she smiled at me and leaned her head on my shoulder while I leaned my head on hers.

I turned my head up in the sky.

"Aren't stars pretty?" she asked and I nodded.

"They are."

Sweet DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon