Mahal ko parin siya? Hindi manlang niya hinintay na makaharap niya ako para sabihin? Binalikan ko sina Czar at nagpaalam. Sana hindi nila napansin na naiiyak ako. I'm not supposed to be this weak but—

"Saan ka pupunta?" nasalubong ko si Lee sa school entrance.

"Kakatext mo lang na magkita nalang tayo sa bahay."

"Kailan?" nilapitan niya ako at inakbayan. Inilabas ko ang phone ko at ipinakita ang text niya. Kumunot ang noo niya habang binabasa iyon.

"Crap, nakalimutan kong kunin 'yung phone ko kay Yaj. You really thought that I sent this?"

"Posible namang sabihin mo 'yan sa bilis ng pangyayari. Bakit mo kasi pinapamigay ang phone mo ng basta-basta? May pa-privacy-privacy ka ngang prinsipyo eh," napangiwi ako.

"Nagseselos ka? Nagseselos ka!" he declared. Tawa pa siya nang tawa.

"Entertaining? Hindi ka ba makiki-practice?!" iritadong sabi ko at nagmartsa na palabas ng school. Kainis oh! Humabol siya at nakisabay sa akin sa paglalakad. Hinawakan niya ang kamay ko na pilit ko namang binabawi.

"Hintayin mo ako dito, kukunin ko lang ang sasakyan. Magpapaalam na rin ako na hindi ako makikipractice dahil nagseselos ang girlfriend ko," nakangising sabi nito.

"Girlfriend? Saan? Sino? Nagseselos? ASA ka naman!" irap ko pero nakahinga rin ako nang maluwag. Kinabahan talaga ako sa 'text' niya eh. Ilang sandali pa ay dumating na ang sasakyan ni Lee. Dumungaw agad ako sa labas ng bintana at hindi umimik pagkasakay ko.

"O? Saan tayo pupunta?" umimik lang ako nang mapansin ko na hindi daan pauwi ang linikuhan niya.

"Sa susunod hindi ko na ibibigay sa kahit na sino ang phone ko."

"Hindi naman 'yun ang tinanong ko."

"Kahit na ilang libong babae pa ang humabol sa akin, sayo't-sayo parin ako tatakbo."

"Akala ko kasi totoo 'yung text. Kinabahan ako," pag-amin ko rin. Czar and Brie stressed out communication earlier. Who knew it would come in handy right away?

"Finally. Don't be jealous anymore. You're the one I love—just you. Kaya naman, I'm taking you out. This our first official date."

"Saan?"

"Sa isang madilim na lugar."

"What?! Stop the car!"

"Ang dumi mong mag-isip ah. Pinagnanaasan mo na ako agad?" tumawa nanaman siya. Hindi talaga siya matigil sa kaka-asar sa akin hanggang sa makarating kami sa 'madilim na lugar niya' which turned out to be a drive-in theatre! May malaking billboard size white screen sa harap at hilera ang mga sasakyan sa park-like theatre.

"First time? Puro ka kasi bahay-aral-bookstore-simbahan eh," komento niya nang mapansin niya ang itsura kong manghang-mangha sa kinaroroonan namin.

"This is amazing!" hindi ko maitago ang excitement ko. Sa mga movies ko lang nakikita ang mga ganito at hindi ko inakala na mayroon pala nito dito sa town.

"Sikat kaya ito, lalo na sa mga nagde-date. Nakatago lang sa mga sasakyan at alam no na," he smirked.

"Stop teasing me! Oo na, lagi ka na dito. Lakwatsero."

"Siyempre, ako pa. Tagong-tago dito eh!" sang-ayon niya. Sila ni Yaj? Gaano kaya sila kadalas lumabas ni Yaj? Anong ginagawa nila kapag andito sila?

SHE'S THE GIRLWhere stories live. Discover now