Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

Tricycle...

15 0 0
                                        

Saan bang lugar walang mag-jowa? Naakalurkey! Porke ba Valentines day eh kailangang puro couples na ang nasa paligid?!

Sa playground... Sa park... Sa tabi-tabi... Kahit sa tabi ng kanal at basurahan... Pati ba naman mga aso at pusa nakiki-Valentines?! Sa mga pusa na iyan kung inuuna nyo ang paghahanap ng makakain edi sana may makakakain ang mga anak mong kuting!!!--- pero syempre kung meron. At ganun din sa mga aso at tuta! Jusko!

Uuwi nalang ako. Akala ko pa naman makakakita ako ng tao na humahagulhol... Oo, humahagulhol kasi ayoko ng umiiyak lang. Kung pwede nga, with matching gulong pa. At higit sa lahat gusto ko ay dahil broken hearted sila.

"Ineng, saan ka?"

Iminumwestra sakin ng matandang tricycle driver kung nasaan ang tricycle nya.

"sa sakayan po ng jeep, manong"

"ah sige, saglit lang at maghihintay ako ng makakasama mo"

Muli syang nagtawag ng pasahero pero maraming gustong maglakad nalang. Para nga naman masabing HHWW. Pwe! Kung ganyan ng ganyan lagi, mabilis kayong magkakasawaan.

"ito, ma'am. Nakahanap na ako ng makakasakay"

Hindi ko na nilingon ang kung sino man ang narecruit ni kuya na makasakay sa tricycle nya.

Mabilis ang naging byahe dahil hindi naman sobrang layo ng paradahan sa park na pinuntahan ko kanina.

"ito po, manong. Keep the change"

Binigyan ko sya ng one hundred. Agad namang umiling si manong at pilit na ibinibigay ang sukli.

"huwag na po. Ayos lang po, manong" pilit kong pangungumbinsi sakanya at sa huli ay pumayag din naman.

"salamat, ineng"

Umalis na si manong ng tsaka ko napansin ang lalaking nakatabi sa akin. Ito ba iyong na recruit ni manong?

"hindi ka nang hinayang?"

Tiningnan ko sya ng nakakunot ang noo.

"saan?" balik tanong ko sakanya

"sa pera. Sampu piso lang ang pamasahe dito tapos one hundred ang ibinigay mo." pagpapaliwanag naman nya.

Ngayon ko lang napansin ang kabuoan nya. He's tall at mukhang may ibubuga ang katawan. Sa suot nya kasing grey polo ay nadedepina parin ang kanyang muscles. Nakalagay sa bulsa nya ang kanyang kamay, pang model ang dating. And ow! I can see the veins as it move.

Nakakainis at nakaside-view sya! Kitang kita ko tuloy kung gaano kaperpekto ang pagkalahubog sa ilong nya! Matangos naman yung akin kaso lang, iba yung kanya! Attractive yung pagkakatangos and his goddamn lips! Kahit walang lipstick ay kusang pumupula kapag dinidilaan nya--- and he slightly bit it then a smirk formed on his lips!

"don't stare too much! It's rude, you know."

Aba at mayabang! Yun lang! Mayabang!

"Eeexxxcccuuussseee me! Anong stare?! Hoy! Ang pangit mo kaya!"

Tingin ko masyado akong naging defensive.

"wala akong sinabing gwapo ako. Ang sabi ko lang don't stare." he chuckled "parang inamin mo na rin na gwapo ako"

Aba at talaga nga namang ang sarap nyang ipatapon sa bermuda triangle o kaya naman ay dalhin sa isang jungle para kainin sya doon ng mga leon! Nakaka-asar!

"ang yabang mo naman, mister. Unang-una, ano bang pakialam mo kung magbayad ako ng sobra. Pangalawa, bakit ba ang Feeling Close mo? Pangatlo, bakit mo ako kinakausap eh hindi naman kita kilala?" mataray kong sabi sakanya.

Wala Lang...Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon