Gusto ko pa sanang magstay sa school kasama sila kaso tumawag na ulit si mama at pinapauwi ako dahil ngayon nadin balik ni Elmo sa bahay.



Nagpaalam nako kayla Jul at sumakay sa van.



"Kath namiss mo bako" bungad ni Elmo pagpasok ko sa bahay. Balak pa sana niya ko yakapin pero nakaiwas agad ako. Nakita kong nakabalot padin yung sa braso niya.



"Masakit padin ba yung sugat?" Tanong ko sa kanya. Umiling siya tsaka sumunod sakin paakyat ng kwarto.




"Nakausap mo na si Daniel?" Tanong niya ng makapasok kami sa kwarto ko. Nagnod agad ako. Napangiti pako ng nabanggit niya yung pangalan ni epal.



"Kath pakitago muna yang ngiti sa muka mo. Andito pako oh" pagbibiro niya.





Pinabayaan ko lang yung sinabi niya. Ngayon alam ko na kung anong meron saming dalawa ni Elmo. Kahit sabihin pa nilang siya ang mapapangasawa ko after graduation, hindi ko hahayaang mangyari yon. Si DJ lang ang mahal ko.





Alam din ni Elmo na hanggang friend lang ang kaya kong ibigay sa kanya. Yung tungkol sa marriage contract, tsaka na siguro yun. Ayoko din saktan si Elmo. Sana lang maintindihan niya yung side ko.



"Ay onga pala, nagbabalak ako mag-aya umalis sa saturday, sama ka samin" aya ko sa kanya. Ngumiti siya sakin tsaka nagnod.




"Promise yan ah. Bawal talkshit dun" pagbibiro ko.



Lumapit siya sakin at ginulo yung buhok ko bago lumabas sa kwarto ko. I sighed.




The next day, sinabihan ko silang lahat about sa lakad na sinabi ko kay Elmo. Nag agree naman ang lahat. Bukas na yon. Kailangan ko nadin sabihan si DJ. Sana makasama siya.


Naghiwalay na kami sa food court. Sumabay sakin si Jul B papunta sa next building ng room ko.


"Sis napakablooming mo" biglang sabi niya. Napataas ako ng isang kilay.


"Blooming? Di ah. Kakagaling ko lang ng hospital, blooming na agad? Baka maputla" tumigil kami sa paglalakad ng harangan niya ko.




"Hindi sis. Medyo maputla kapa nung unang balik mo. Pero simula kahapon sobrang blooming mo na agad pagbalik mo nung lunch"





namula ako sa sinabi niya. Naalala ko nanaman yung ginawa ko sa bahay ni DJ. Nakakahiya!!!






Dahan dahan na nilapit ni Jul B. Ang muka niya sakin. Ngumiti pa ng nakakaloka sa harap ko.



"Umamin ka nga sakin sis. May nangyari na ba sainyo?" Nakangising tanong niya. nanlaki bigla ang mata ko. Feeling ko sobrang pula na ng muka ko.




"Nooo! Ano ka ba naman. Yung mga iniisip mo" i said tsaka umiwas sa topic niya. ngumisi ulit siya.





"Nako sis kailangan mong magsalamin. Ang pula na ng cheeks mo. Nagjjoke lang naman ako" tumawa siya after non. Lalo tuloy ako nahiya.




CASANOVA VS NBSBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon