Kabanata 1
Start.
Gustong gusto ko ang palaging pagpunta dito sa ibabaw. Dito ako palaging umuupo sa may malaking bato at saka titignan ang mga magagandang bituin sa langit. Kitang kita mo ang repleksyon nito sa dagat tuwing gabi. Umaga ngayon at pumunta kami dito dahil gusto kong magpahangin sa ilalim ng mainit na araw. Gusto kong maramdaman ang sarap at simoy ng hangin na humahaplos sa aking balat at gusto kong tignan ang magandang tanawin.Kahit ilang beses pa akong pinagbawalan ni Lola na wag pumunta dito ay pumupunta parin ako kahit na mahigpit at delikado.
"Mahal na prinsesa, baka malaman po ni Reynang Ellena na pumunta tayo dito sa ibabaw. Nagsinungaling kapa sa kanya!" Nag-alalang sabi ni kaibigang isda. Nginitian ko siya.
"Hindi. Wala namang mga tao dito" sabi ko ng nakatingin sa langit. Ang ganda ng panahon ngayon.
"Oo nga! Pagbigyan mo na yang si prinsesa malliah! Minsan lang 'yan nakakalaya dahil palagi siyang nakakulong sa palasyo ng kaharian. Hindi kaba naaawa sa kanya kaibigang isda? Saka wala namang mga tao dito, tayo lang ang nandidito ngayon kaya wala kang dapat ikabahala!" Nakangiting sabi ni Allyson kay kaibigang isda, isa siyang serena tulad ko at matalik na kaibigan.
Napatingin ako kay Allyson dahil sa sinabi niya.
"B-bakit?"
"Diba sabi ko sa inyo, wag niyo na akong tawaging 'Prinsesa'? Ok lang naman kung pangngalan ko lang ang itatawag ninyo sa akin, e" sabi ko na nakatingin sa kanila.
"Hindi pwede iyon mahal na prinsesa, magagalit lang si mahal na reynang ellena. Isa kang prinsesa kaya natural at dapat lang din na yun ang itatawag namin sayo dahil pagpapakita rin iyon ng respeto" sabi ni pina sa akin. Nginitian ko lang sila.
"Osige. Pero kapag tayo tayo lang , wag niyo na akong tawaging prinsesa. Pangngalan ko lang ang gusto kong itawag ninyo sa akin. Matagal na tayong magkakaibigan at sabay tayong lumaki. At para ko na kayong mga kapatid kung ituring" sabi ko sa kanila.
"Osige. Oh ano? Pwede naba tayong bumalik ngayon, M-maha-
"Malliah" sabi ko ulit kay kaibigang isda.
"O-oo nga... pwede naba tayong bumalik sa kaharian?"
"Ano ba kaibigang isda? Wag nga muna. Kung ano-ano lang 'yang mga pinag-iisip mo diyan,e" naiinis na sabi ni Ally.
"Pero paano nga kung may makakita? Patay tayo kapag nangyari iyan!" Sabi ni kaibigang Pina. Dolphin ang tawag ng mga tao sa tulad niya.
"Alam niyo? kung gusto niyo nang bumalik, mauna nalang kayo! Basta dito muna kami ni malliah" sabi ni ally sa kanila at tumabi sa akin. Ayan. Mas maganda.
"Hindi. Dapat kasama namin si Malliah na bumalik. Baka magtataka si reynang ellena kung bakit hindi namin siya kasama" si pina.
"Oh edi dito nanga muna tayo! para sabay na tayong aalis" sabi ni ally. Pagkatapos, biglang tumahimik kaya nagsalita nalang ako.
"M-may tanong ako"
"Ano yun?"
"Masama ba ang mga tao? Totoo ba yung sinabi ni lola?" Tanong ko sa kanila. Sa palagay ko naman kasi mababait sila. Tao kasi yung papa ko at alam kong mabait siya. Sinibukan niyang iligtas si mama pero huli na ang lahat nung namatay siya.
"Para sa akin, hindi. Naniniwala akong mabait sila. Katulad mo! Tao karin malliah at mabait ka. Manang mana ka kay prisnsesa Maura at sa tatay mong taga lupa" nakangiting sabi ni Ally sa akin. Nginitian ko lang siya pabalik.
