"Ayan na yung boarding gate na hinahanap mo. Mauna na ako, here's our calling card incase you want to charter a ride. Just give us a call. Sige, ingat ka," paalam niya.

"Sige po. Salamat." Kumaway ako habang naglakad na siya palayo. I kept the calling card in my bag. San, you prick. Di ko napansin na ngiting-ngiti na naman ako rito. Bumalik din ako sa katinuan at naalalang si Papa pala ang pinunta ko.

Dumiretso ako sa may gate at nilibot ang aking mga mata para hanapin si Papa. Nakita ko sya sa may gilid at pilit kinakalikot ang phone niya. I ran towards him and quickly engulfed him in a hug.

"Eve," gulat nyang wika. "Nakaabot ka. At... nakapasok ka."

"Someone helped me, Pa. Kamusta na kayo?" Tumingala ako sa kanya, medyo nangayayat sya mula noong huli kaming nagkita. Malamang ay dahil ito sa mga nangyari sa pamilya namin. "I'm fine pero ikaw ata dapat ang tinatanong ko nyan. How are you anak?"

"I'm feeling much better," sagot ko. Kumpara noong mga nakaraang mga araw, di hamak na mas maganda ang mga nangyayari sa akin ngayon. Mas umaayos na ang lahat. Everything is falling into place. Sumeryoso ang mukha ni Papa at tinignan niya ako ng mabuti.

"Everee, baka nasabi na sayo ng Mama mo pero gusto ko rin namang manggaling mismo sa akin. I'm sorry, anak. Pasensya na dahil nagkamali kami."

Ngumiti ako, she already explained everything. At kahit papaano ay naintindihan ko naman ang kanilang pinupunto. They were just scared for me. Alam ko namang ako lang ang inaalala nila.

"I know, Pa. Naiintindihan ko po. And I forgive you, kayo ni Mama," sagot ko. Sinuklay ni Papa ang nagulo kong buhok gamit ang kanyang kamay. I smiled and he smiled back. "Everee, I just want you to be happy. Knowing Miranda, alam kong wala pa syang lakas ng loob na sabihin sayo. Pero 'nak, if you want him for you, I'll be more than glad to give you both my blessing."

Napakagat ako sa aking labi. I don't know if time would even allow us to be together. What if we're not really destined for each other? Baka kahit gusto namin ay wala naman kaming magagawa. We don't have everything in control.

"Maaga pa po ata para sabihan nyo ko nyan, Pa," sabi ko. Parang biglang naging awkward ang ambiance ng paligid. Mahirap naman kasing pag-usapan ang mga ganitong bagay. He raised a brow, "What do you mean? Si Zeph ba yung..."

"I love Zeph, mula pa naman dati. But I love him as a friend," paglilinaw ko. "Miranda would always have Zeph as her favorite guyㅡwell, next to me ofcourse. Pero alam naman nating mas gugustuhin niyang maging masaya ka, Eve."

"I know. I'm not rushing anything," I said. Nagsalita na ang isang assistant at tinawag sila para pumasok na sa gate. Pumasok na rin isa-isa ang mga taong naghihintay. Lumingon muli ako kay Papa, kailangan na nyang umalis.

"I need to go, Everee."

"Take care Papa. Mag-iingat ka roon. Lagi kang tatawag sa amin, okay? I'll do my best to make you proud para pagbalik mo ditoㅡ" He hushed me then patted my head. Naghintay ako sa sasabihin niya. "I couldn't be  prouder. Kahit sino, gugustuhin kang maging anak. Always remember that you're so much more than what you give yourself credit for."

Niyakap ko sya ng mahigpit, "Thank you Papa! I love you!" I heard him chuckle as he continued to pat my head. "I love you too, Everee. Take care."

Nag-aayos na ako ng gamit, bumalik na kasi ako sa bahay. Sobra kong namiss tumira dito, nalulungkot lang ako dahil hindi ko na kasama si Sier sa isang bahay gaya ng dati. Biglang may kumatok sa pinto at bumukas iyon.

"Eve," tawag ni Mama.

"Yes, ma?"

Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko. Hiniga niya ang kanyang ulo sa aking balikat. "Tungkol kay Zeph," aniya. Napahinto ako, hindi pa kami naguusap. Simula kasi noong umalis kami ni Sier sa condo ay di na kami nag-usap. Siguro nagaalala pa rin siya sa galit ko.

Retrograde (Completed)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ