Akala ko si Tito Rex na naman!
Pero kinabahan pa rin ako sa nanunuksong tingin niya sa akin ngayon.
“What is it Tito?”, tanong ni Mico na umayos na ng tayo.
“Huwag mo namang iburo si Phoebe dito sa bahay. Pasyal-pasyal din kapag may time Mico”, ang cool talaga ni Tito James kaya hindi ko mapigilang mapangiti sa kanya na naging dahilan sa pagsimangot ni Mico.
Aixt ang seloso talaga!
Nagpeace sign na lang ako sa kanya sabay ngiti. Mahirap na baka iuwi pa nya ako agad-agad.
“Sige bihis ka na” mando nya sa akin na medyo nawala ng kaunti ang simangot.
“Mico, daan muna kayo sa department store. Magdedeposit kasi ngayon may dapat kang pirmahan”, pahabol sa amin ni Tito James na ikinangiti ko.
Puno ng Pasko here we come!!! Masayang tahimik na sabi ko ng napadaan kami sa sala nila na pagkaluwang-luwang.
~~~~~~~~~~~~~
After 30 minutes ay umalis na kami ni Mico at habang seryosong-seryosong nagmamaneho si Mico ay hindi ko mapigilang sulyapan siya. Ang gwapo tala niya sa simpleng suot niya na faded jeans at isang branded na t-shirt.
Muntik nga akong mapahagikhik ng makita ko kanina na naka-blue rin siya katulad ko na naka jeans lang din at statement blue t-shirt. With the print na:
MY HEART SMILES WHENEVER I AM WITH YOU! tapos may arrow sa may left side na kung may tatabi sa iyo ay parang tinuturo siya. At dahil nahiya ako ay pinatungan ko muna ito ng skyblue na jacket.
Pagdating namin sa department store nila, hindi ang department store na nilakad lang namin kagabi, in fact ay parang mas malaki ito, ay pinagbuksan niya ako saka hinawakan ako sa kamay habang papasok.
Aaminin ko na kinikilig ako pero hindi ko talaga maiwasang mahiya kasi naman halos lahat ng tao sa loob ang mga mata ay nakatuon sa aming dalawa.
“Would you like to come with me in the office?” yaya niya sa akin ng tuluyan na kaming nakapasok.
Umiling lang ako kasi hindi ko magagawa ang plano ko kung sasama pa ako sa kanya.
“Maglilibot muna ako”, sabi ko sa kanya at nakita kong may tinawag siyang medyo may katandaan na babae.
“Paki-assists po siya” sabi ni Mico dito.
“Mico, huwag na. Hindi naman ako mamimili.”
“Are you sure?”, tinanguan ko na lang siya saka pa lang niya dinismiss ang tinawag niya kanina.
“I’ll go ahead”paalam niya sa akin at saka ako nagsimulang maglibot.
YOU ARE READING
Si Introvert at Extrovert
Short StoryStory of two opposite people who both give chance for the word "LOVE".
Scene 21
Start from the beginning
