Pagkatapos naming magligpit ng pinagkainan ay nagpresinta pa sana ako na maghugas ng pinggan mabuti na lang at pinigilan ako ni Mico kasi kay Tito Rex pala nakatoka ang paghuhugas ng pinggan habang si Tito James naman ang naglilinis ng bahay nila.
Si Mico lang ang nagluto dahil meron ngang sakit si Tito Anton. Napahanga nila ako dahil ang pulido nilang kumilos. Daig pa yata ang ibang mga babae.
“Mico, bakit wala kayong Christmas tree?” Meron naman silang mga pailaw kaya nagtaka ako.
“We are not use to it” simpleng sabi nya habang inaayos ang mga halaman. Katatapos lang naming diligan ang mga ito at ngayon ay aliw na aliw ako habang nagmamasid kay Mico este sa sprinkler nina Mico na nagdidilig sa malawak nilang lawn.
“Bili tayo” yaya ko sa kanya sabay hila ng t-shirt nya habang abala pa rin siya sa pagtanggal ng mga patay na dahon sa mga halaman.
“Huwag na” sabi nya na hindi man lang anko tinapunan ng tingin.
Napasimangot ako. Eh kulang talaga ang bahay kapag walang puno ng Pasko.
“Sige na” pangungulit ko pa rin sa kanya na hindi tinigilan ang paghatak sa t-shirt nya.
Sa kakahatak ko ng t-shirt nya ay napalakas ko ata masyado dahil nagawa ko siyang patumbahin yun nga lang ay sa akin siya tumumba.
Promise hindi ko talaga sinasadya. Napapikit na lang ako at hinintay ang pagdantay ng kanyang katawan sa katawan ko pero nagtaka ako ng hindi ko naramdaman ang katawan niya.
Pagdilat ko ay nakita ko ang mukha na ang lapit sa mukha ko. Habang ang dalawang kamay niya ay nasa magkabilang gilid ko na nakatukod sa inuupuan ko. Kaya pala hindi niya ako nadaganan dahil sa upuan na may arm…..
He was looking at me intently habang ako naman ay hindi maiwasang mapalunok.
Aixt ayaw kong isipin ang gusto kong isipin kasi ang aga pa!
Pero hindi pa rin niya ako tinantanan sa kakatitig niya.
Kaya napapikit na lang ako. Not to invite him to kiss me kundi para pigilan ang sarili ko na sunggaban siya.
Nang bigla kong naramdaman ang kamay niya sa kaliwang pisngi ko, kaya napadilat ako.
“What happened to your eyes?” nagitla ako sa tanong niya. Nakalimutan kong magsuot ng contacts kaya medyo visible sa kanya na merong mali sa mata ko.
“Ahmmm some accident so many years ago”, simpleng sabi ko at napansin kong parang nag-iisip siya ng malalim habang nakatitig hindi na sa mga mata ko kundi sa mukha ko na mismo.
“Its---”
“AHEEEEEEEEEEEEMmmmmmmmmm”, napaigtad na naman ako sa ahem. USo siguro sa malapalasyong bahay nila ang ahem. Paglingon ko ay nakahinga ako ng maluwag ng makita ko ang nakangiting mukha ni Tito James.
BINABASA MO ANG
Si Introvert at Extrovert
Short StoryStory of two opposite people who both give chance for the word "LOVE".
Scene 21
Magsimula sa umpisa
