“Para kay Tito Anton ba yan?”tukoy ko sa mangkok ng sopas.
“Ako na ang magdadala niyan sa kanya” presinta ko. Nagpapalakas ako eh… Hehehehe
Nakita kong kumunot ang noo niya.
“HEp bawal silang pagselosan di ba?”, natatawang sabi ko sa kanya.
“Ehhh I can’t help it” nakabusangot na sabi niya.
“Tsss like mo na talaga ako noh?” I asked teasingly pero sa kaloob-looban ko ay naghuhurumentado ang puso ko.
“98%” nalaglag ang panga ko sa sagot niya. Ganun na ba talaga ka- almost? Papacheer nga ako kay Vice Ganda para kay Mico ng push mo yan.
“Kaya nga nagseselos ako di ba? And I don’t know how to avoid being jealous”, nagpipigil lang talaga akong yakapin siya ngayon.
Kaya ang ginawa ko lang ay hinawakan ang kamay niya.
“The counterpart of jealousy Mico is trust. Just trust me dahil ako 100% na siguradong ikaw lang ang like ko”
Pagkasabi ko ay bigla niya akong niyakap at nakaramdam ako ng 100% pagpapalpitate ng puso ko.
May mas ikakaganda pa ba ng araw ko?
Yayakapin ko na sana siya pabalik ng biglang.
“AHEEEEEEMMMMM”, napaigtad kami ng makita namin ang nakangiting hitsura ni Tito James at nakabusangot na hitsura ni Tito Rex at tinulak ko ng mahina si Mico. Kasi naman hindi nag-abalang kumalas si Mico kahit na napapaso na kami sa sama ng tingin ni Tito Rex.
“Gutom na si KUya Mico”, masungit na sabi ni Tito Rex.
“Dadalhin na namin ito sa kwarto ni Tito” sabi ni Mico na saw akas ay kumalas na.
“Si Jaime na lang at mag-uusap pa tayong DALAWA”, katakot ang pag-emphasize ni Tito Rex ng dalawa kay binulungan ko na lang si Mico na ako na lang ang magdadala ng sopas.
“Galit po ba si Tito Rex?” tanong ko kay Tito James habang papunta kami sa kwarto ni Tito Anton.
“Hindi, ganun lang talaga yon dahil nagkakaedad na ” tumatawang sabi ni Tito James.
Sa kabutihang palad ay medyo sinungitan lang naman ako ni Tito Anton dahil na rin siguro sa sinabi ni Tito James na ako ang nag-alaga sa kanya kagabi.
Kinain naman nya ang dala kong sopas at pagkatapos ay kumain na din kami ng almusal. Ang almusal na nakakakaba at nakaka-excite. Nakakakaba dahil sa talas ng tingin ni Tito Rex sa akin at nakakaexcite dahil parang gusto ko ng palaging magbreakfast kasama si Mico.
Nakakagana kasi ang kagwapohan niya at ang mga pag-aasikaso niya sa akin.
YOU ARE READING
Si Introvert at Extrovert
Short StoryStory of two opposite people who both give chance for the word "LOVE".
Scene 21
Start from the beginning
