“Pero hindi naman lahat pwede mong pagselosan. Kagaya nila Tito, hindi sila pwede kasi Tito mo sila”, nangunot ang noo nya sa sinabi ko.
“Bakit?”
“KAsi yung ginawa ko sa kanila, ginagawa ko rin sa Daddy ko. Bakit pagseselosan mo ba ang DAdy ko?”nakita kong medyo nabawasan ang pagkaaburido niya. Mabuti na lang kasi ang cute nya talaga.
Adik na yata ako dito kay Mico.
“Eh sino nga ang pwede kong pagselosan?” muntik na akong mapatili sa tanong nya. How can he so be innocent and charming at the same time?
“Yung mga lalaking gwapo, nagpapacute sa akin, yung mga iyon” I said playfully pero parang gusto ko yatang pagsisihan kong bakit ko yun sinabi dahil sumama na naman ang mukha nya.
“Katulad nina Keith? Mikee? Josh? At yung iba ko pang ka teammates?”, tumango na lang ako sa mga na mention nya.
“Bakit ang dami nila?” frustrated na sabi niya saka ginulo ang buhok niya.
“Maganda ako eh” waahhh ako na talaga ang nagmamaganda pero naisip ko lang yungg sabihin dahil ang sungit na naman niya.
“Eh bakit ka ba kasi naging maganda!”, masungit pa ring sabi nya saka kinuha ang kamay ko at hinila papasok sa bahay nila.
End of flashback
Sabihin nyo nga kung sino ang hindi makakatulog ng mahimbing sa nangyari?
Matapos kung gunitain ang nangyari ay agad kong inayos ang tinulugan ko at naghilamos at lumabas ng kwarto saka pumunta sa kusina.
Sa kusina kung saan nandun ang pampaganda ng umaga ko.
Kahit siguro hindi ko na kakainin ang niluluto niya ay busog na ako sa gwapong mukha ni Mico na seryong-seryosong nagluluto.
Napansin yata ni MIco na may nakatingin sa kanya kaya pumihit siya sa akin saka ngumiti at naglakad palapit sa akin.
“Morning” bati nya saka halik sa noo ko. Napa-say a little prayer ako kay God sa napakagandang umaga ko.
“Mo-morning too” ganyan kaganda ang umaga ko. Nakakautal.
“Okay ka lang ba?” nag-alalang tanong niya sa akin saka pinaghila niya ako ng upuan.
Sabihin nyo nga kay Mico kung gaano ka ganda ang umaga ko.
Tumango lang ako saka siya bumalik sa pagluluto.
“Okay na ba si Tito Anton?” tanong ko matapos kong pagpyestahan ang likod ni Mico.
“Sabi ni Tito James bumaba na daw kunti ang lagnat ni Tito Anton” sabi ni Mico na napansin kong naglalagay ng mainit na sopas sa isang bowl.
ŞİMDİ OKUDUĞUN
Si Introvert at Extrovert
Kısa HikayeStory of two opposite people who both give chance for the word "LOVE".
Scene 21
En başından başla
