I

11.7K 188 2
                                    

UNDER REVISION
NOTE: Marami po akong binago sa flow ng story.

This is it Tanya, kaya mo yan!

Marahan kong sinuklay ang buhok ko at ngumiti ng matamis sa salamin. "Kailangan mong galingan Tanya, or else tigok ka gurl!" Bulong ko. Napangiwi ako bago muling pinasadahan ng daliri ang mahaba't tuwid kong buhok saka lumabas ng restroom.

Ngayung araw ang dating ng anak nang boss nila na siyang papalit sa pwesto nito bilang CEO ng kompanya.

At sa kamalas-malasan ay nagbabalak itong magpalit ng mga empleyado, ibig sabihin may posibilidad na pati siya ay matanggal bilang sekretarya ng CEO.

Limang taon na siyang nagtatrabaho bilang sekretarya ni Mr. Montero and so far, hindi pa niya ito nabibigyan ng sakit nang ulo. She always gives her best in everything. Malaki kase ang utang na loob niya rito at sa asawa nito.

Pero dahil may kumakalat na balitang saksakan daw di'umano ng sungit ang binatang Montero, kaya naman gayun na lamang ang kaba niya.

"Tanya, san ka ba nanggaling? Kanina ka pa hinahanap ni Mr. Montero!" Natatarantang hinila siya ni Leila papunta ng elevator.

"Patay!"

"Patay talaga! I think anak niya yung kasama niya." Anito saka siya pinagtulakan sa loob ng elevator. Pagkabukas pa lamang ng elevator ay halos takbuhin na niya ang pinto ng opisina ni Mr. Montero.

Hindi siya pwedeng ma-bad shot sa anak nito, ayaw niya pang magalsa-balutan!

Huminga siya ng malalim bago kumatok ng tatlong beses.

"Come in."

Marahan niyang pinihit ang seradura at binuksan iyon. Kaaagad na lumipad ang kaniyang tingin sa matandang Montero na prenteng nakaupo sa mahabang sofa, habang sa tapat nito ay may nakaupo ring lalaki. Nakatalikod iyon sa gawi niya kaya naman hindi niya nakikita ang mukha nito.

Isinara niyang muli ang pinto saka lumapit, magalang siyang bumati sa mga ito. "Hinahanap niyo raw po ako, Sir?"

"Yes. I'm sorry if I disturb your break time, ihaj."

"Ayos lang po, Sir."

"Anyway, I call you here to introduce you to my son. Remember what I told you last week? He will take my position effectively, tomorrow ihaj and I hope you will assist him, alright?"

Tumango siya at ngumiti sa matanda, "Makakaasa po kayo."

"Dad, I told you I don't want her." Mariing turan ng anak nito bago siya tinapunan ng mapanuring tingin.

Lihim siyang napasinghap, hindi dahil sa tinuran nito kundi dahil sa paraan ng titig ng binata. He looked at her like she did something wrong.

Teka– ano daw? Ayaw niya akong maging sekretarya? Ibig sabihin ba ay sisibakin na siya nito sa trabaho? Jusko po!

"Son, don't be rude. Miss Rodriguez is a very reliable secretary; you should give her a chance to prove herself." Saad ni Mr. Montero sa anak nito.

"Tsk. I don't want to waste my time, Dad."

As if naming gusto kong magtrabaho sayo? Kung hindi lang ako nangangailangan eh!

"Son!" Saway nito, apologetic na nilingon siya ng matandang Montero, "Please forgive my son for his rudeness, Tanya."

Pilit siyang ngumiti sa matanda.

"You can go back to your work now, ihaj." Bahagya siyang yumuko rito at walang imik na lumabas ng opisina nito.

MODERN MARIA CLARA (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon