2: Soft Lips

85K 1.5K 20
                                    




HEAVEN'S 'POV

KARARATING ko lang ng school at dumiretso muna akong canteen para magbreakfast. Nalimutan ko na kasing kumain sa bahay dahil sa pagmamadali. Mayroon pa naman akong fifteen minutes bago mag-time. Naupo ako sa isang table at pinatong ang libro sa accounting. Humanay ako sa line para bumili ng cup noodles. Mahilig ako sa ganito lalo na kapag beef ang flavor at medyo spicy. Bumalik ako sa pwesto ko at sinimulang namnamin ang mainit na sabaw.

"Masarap?" Nakakalokong tanong ng isang pamilyar na boses.

Nag-angat ako ng tingin at hindi ako nagkamali ang hinayupak!

Naalala ko na naman 'yung nangyare kahapon. Err. Manyak, sinamaan ko siya ng tingin kung nakakasunog ang tingin kanina pa siya abo.

"Lumayas ka nga sa harap ko! Bwisit ka!" Inis na sabi ko, pakiramdam ko nawalan ako ng gana kumain. Sa dami niyang pwedeng puntahan sa campus dito pa!

Tumawa siya ng malakas at naupo pa sa harap ko.

"Ako bwisit?! Pasalamat ka nga lumapit ang isang gwapong tulad ko, para pagandahin ang araw mo." sobrang yabang niyang saad at kumindat pa.

"Ang kapal ng mukha mo!"

"Hahaha! masyadong mainit ang ulo mo, hindi ka naman maganda."

Aba! Nanlait pa! FYI Maganda kaya ako!

"Wow!! Ang gwapo mo Del mar! Hiyang hiya naman ako sayo, nag-effort ka pang pumunta dito para insultuhin ako! Che! makaalis na nga, nasisira ang umaga ko sa isang gwapo!" Sarkastiko kong sabi tinuro-turo ko ang mukha niyang gwapo daw saka tumayo na.

"See, aminado ka ding gwapo ako." Mayabang na sabi pa niya at ngising-ngisi pa ang loko.

Feeling! Jusko! Kuya Will pengeng jacket dahil baka liparin ako sa hangin ng kaharap ko, kinikilabutan ako sa mga pinagsasabi niya!

"Oh sige, gwapo ka pero gwapong manyakis! as if naman na isa ako sa nagkakandarapa sa'yo! Hindi!!" Sabi ko pa.

"Hahah! Maglalaway ka din sa' kin tandaan mo yan!" Natatawang aniya niya at naglakad na papalayo. Feeling ko nagliliyab ang pisngi ko sa inis.

Ang kapal kapal talaga ng pagmumukha! Oh siya oo! gwapo siya pero playboy at manyak naman.

"Nangyare? bakit parang hindi mapinta 'yang mukha mo?" Tanong ni Quin, hindi ko siya pinansin at tuloy tuloy lang ako papuntang upuan ko.

Suddenly, I'm Married with a Playboyजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें