2 Keys

5 0 0
                                    

Ngayong unang araw ng pasukan, medyo nangangapa pa kami, lalo na sa direksyon.

May mga taong palangiti at mayayabang.

Pero kailangan muna namin masanay sa ganitong paraan

Sinusubukan naming makipag kaibigan, lalo na ni Angel

Anghel ang pangalan, mala-anghel din ang mukha pero kabaligtaran ng lahat ang ugali

Hindi sya pala kaibigan, mapili at masungit

Sinasabi nya lahat ng ayaw at gusto nya sa isang tao, prangka kung tawagin

"Miss, saan dito yung cr?" Tanong ni Mae na kanina pa nagpipigil

Ilang minuto narin kaming paikot-ikot, sa laki ba naman ng paaralang ito

Isang buwan siguro bago mo makabisado ang pasikot sikot

"Wag ka sakin magtanong!" Inis na sagot ng babae sabay alis

"S-sorry naman"

Sa aming tatlo, sya ang childish. Focus sa pag-aaral at takot magkaron ng kaaway

"Bwiset talaga!" Narinig kong bulong ni Angel

Kanina pang hindi mapakali magmula nung mang galing kami sa cafeteria

"Bakit gel?" Tanong ko

Hindi sya sumagot at kinuha ang phone sa bag

"Bes, naiihi na talaga ako" pangungulit samin ni Mae

"Putcha naman Mae! Naririndi nako sa boses mo!" Inis na sabi ni Angel, "hoy ikaw, saan dito yung cr?!" Maangas na tanong nya sa lalaking napadaan

"Bakit?" Tanong nya ng nakataas ang kilay

"Malamang iihi" sagot ko

Tumingin sya sakin na para bang kakainin ako ng buhay

Sa totoo lang mukha syang gangster, may tattoo sa leeg at may astig na ayos ng buhok

Mukhang nagkamali kami ng tinanungan

"Saan!?" Sigaw ni Angel

"Sinisigawan mo ba ko?" Maangas na tanong nya

Bagkus na sagutin, nilagpasan ni Angel ang lalaki at binangga ng bahagya

Agad naman kaming sumunod at sa iba magtatanong

"Hoy! Hindi mo ba ako kilala?"

Lumapit ang lalaki at pilit na iniharap si Angel

"Don't touch me, Panget!" Pagpupumiglas ni Angel

"Tandaan mo babae, nandito ka sa teritoryo namin, kaya wag mo kong astahan ng ganyan!"

Akmang sasaktan si Angel

"Pat!"

Mula sa likod nanggaling ang boses na ikinahinto ng lalaki

"S-sorry Chan, masyado kasing maangas ang mga 'to e"

"Nananakit kana ngayon ng babae?"

"S-sorry" paghingi nya ng tawad at tumakbo paalis

Sa likod namin, ramdam ang pag lapit ng lalaki

Hindi ko alam kung bakit di kami lumilingon, siguro'y natatakot

"Ayos lang ba kayo?" Nag-aalalang tanong nito

"Wala kang pakialam, hindi namin kailangan ng tulong ng ibang tao." Nagulat ako sa sagot ni Angel

Gayundin si Mae na napatakip pa sa kanyang bibig

Nasisiraan kana ba? Gusto mo na bang mamatay?

Hihingi sana ako ng tawad, at hinarap ko ang lalaki

Oh, wait?

"C-christian?"



***





Zup guys!

Sensya na ngayon lang ulit nakapag-udate.

MERRY CHRISTMAS!!!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 24, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

KEYS VERANOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon