the imaginary world

130 9 7
                                    

[beep] isang mensahe ang natanggap ni Ilene sa isang kakadownload lang niyang mobile app.
'WELCOME to the Virtual World'
'virtual world?' takang tanong niya sa kanyang sarili habang nakatitig pa rin ang kanyang mga mata sa hawak niyang cellphone.

Hindi niya maintindihan ang kanyang nararamdaman sa mga oras na iyon, nag halo ang saya, sabik at kaba sa pwedeng mangyari sa kanyang gagawin. Alam niyang isang mobile software lang ang kanyang dinownload, para sana maibsan ang kanyang pagkainip.

[beep] isa na namang tunog na mula sa kanyag cellphone ang umagaw sa kanyang atensyon.
wanderlandia: hi, Ilene.
Nanlaki ang mata ni Ilene sa kanyang nabasa at gumuhit ng isang nakakalokong ngiti ang kanyang labi. Mas nanaig ngayon ang excitement sa kanyang nararamdaman. Kahit na takang-taka siya sa kanyang natanggap na mensahe. Kilala siya ng mobile app. Paano nga ba ito nangyari? Hindi kaya nakaconnect ang app na ito sa kanyang facebook account kaya alam ng app na ito ang kanyang pangalan? Wala, hindi niya talaga alam at wala na siyang paki roon, ang mahalaga ngayon ay ang kung hanggang saan kakilala ng app na ito si Ilene.

Abalang naglalakad si Ilene habang napa-patingin ito sa mga window glass ng mga boutique at pinapasadahan ng tingin ang mga nakadisplay na damit sa isang mall.
[beep] ng bigla na namang siyang nakatanggap ng isang mensahe mula sa wanderlandia app. Ang application na kanyang dinownload nung nakaraan na araw, na ngayon nga ay kanyang kinagigiliwan.

Wanderlandia: Wanderlandia building 13th floor, #12-23, wanderlandia meet-up. See you in a minute.
Tumaas ang isa niyang kilay pagkabasa niya sa mensahe. Hindi niya tiyak kung ano ang ibig sabihin ng mensaheng kanyang natanggap. Lalo na sa huli niyang salita.
"see you in a minute" basa niyang muli dito
" as if. Wala pala itong app na ito. Niloloko lang pala ako nito." Saad niya sa kanyang sarili at ibinalik na niya sa kanyang cellphone sa kanyang shoulder bag.
Pag angat niya ng kanyang tingin sa paligid, napansin niya ang maraming kababaihan na tila abala rin sa kani-kanilang mga cellphone habang naglalakad. Inilibot din niya ang kanyang tingin sa kabuoan ng mall. Wala namang nag bago, hindi kaya naprapraning na siya, gawa ng application na iyon. Napailing siya sa isiping iyon, at nagsimula na muli siyang humakbang at maglakad-lakad.
Nang walang-ano-ano'y tila bigla siyang nagising mula sa isang pagkakahimbing na tulog. At nakita na lamang niya ang kanyang sarili na nakatayo sa isang malaki at eleganting pintuan.
"abracadabra-pikbom-bak" bigla niyang bigkas,pero walang nangyari
"open the legs, este open the door" muli niyang subok, ngunit wala pa ring nagbago.
'hmnnppp, bat nga ba ako nandito?' biglang tanong niya sa kanyang sarili.
"ako ang dyosa ng wanderlandia" tila may sariling buhay ang kanyang bunganga para kusang bigkasin ang mga salitang iyon.
At maya-maya'y dahan-dahang bumukas ang malaking pintuan sa kanyang harapan. Na may kasamang makapal na usok? 'usok?usok nga ba ito? Bakit tila mabaho ang amoy' reklamo niya sa nilalanghap niyang usok.
Humakbang na papasok si Ilene sa loob ng malaking pintuan at nakita niya roon ang maraming kababaihan, napangiti ito ng may namataan siyang pamilyar na mukha.

"Micha!Maki!April" sigaw niya sa tatlong babae na tila nagsisiyahan kasama ang mga nag-gwa-gwapuhang lalaki na nakapalibot sa mga ito.
"Ilene" bati ni micha sa kadarating na kakilala.
"oh, bat ngayon ka lang" tanong naman ni maki sa kanya.
"si papa Rye mo nasa Private room, may kasamang dyosa" sabat naman ni April
Tila hindi pa rin makapaniwala si Ilene sa nangyayari. 'paanong'

"ano bang meron dito?" hindi niya natiis na itanong.
"wanderlandia meet-up" tipid na sagot ni micha habang nakatuon naman ang kanyang mata sa kasamang lalaki.
"b-boyd?"wala sa sariling bigkas ni Ilene ng makita ang kasama ni micha.
"hi, dyosang Ilene" bati ng lalaki na tinawag ni Ilene na Boyd, topless na ito at ngiting-ngiti itong tumingin sa kanya,
Wala sa sariling napatango si Ilene at muli niyang inilibot ang kabuoan ng lugar.
"maki" kalabit nito sa kaibigan na sinusubuan ng pandesal ng kanyang kaparehang lalaki na sa pagkakakilala ni Ilene, ito ay si garret.
"oh, bakit?" tanong ni maki.
"yung totoo, ano bang wanderlandia meet-up ang nangyayari ngayon?" tanong ni Ilene sa kanyang kaibigan.
"ano kaba, di ba nga, may wanderlandia app. Tapos nag message ito na may wanderladia meet up daw, tapos ayon na, ito na iyon" paliwanag ni maki.
"ibig sabihin? Pati kayo nagdownload din ng app na 'yon?"
"oo naman, sikat kaya yung app, na yon" sagot muli ni maki.
"girl, di mo pa ba pupuntahan si Rye mo sa PR" sabat muli ni april
"s-si Rye andito?" tanong niyang muli
"oo nga, paulit-ulit? Sinabi ko na kanina, diba? Sabi ko pa nga may kasama siyang dyosa sa PR"
Wala sa sariling naglakad si Ilene papunta sa sinasabing PR ni april, at walang ano-ano'y binuksan niya ito.
Isang nakangiting lalaki naman ang sumalubong sa kanya na nakaupo sa kama.
"hi, babe, kanina pa kita inaantay, bakit ngayon ka lang?" tanong ng lalaki sa kanya
Huminga ng malalim si Ilene at tumaas ang isa nitong kilay.
"talaga? Kanina mo pa ako inaantay, ano ung sinabi ng beshy ko na may kasama ka daw na dyosa dito?" naiinis na tanong niya
"ikaw! Ikaw lang naman ang kasama ko dito sa kwarto, kaya ibig sabihin, ikaw yung tinutukoy ng beshy mo na dyosa" mas lalong lumawak ang pagkakangiti ng lalaki at tumayo ito para lumapit sa kinatatayuan ni Ilene.
"ikaw na man, masyado kang selosa, ikaw lang naman ang dyosa ng buhay ko" dagdag pa ng lalaki ng niyakap nito sa may bewang si Ilene.
Hindi naman alam ni Ilene ang kanyang nararamdaman, kanina ay halos pumutok na ang kanyang pisngi dahil sa inis, pero ngayon ay napalitan ito ng kilig.

WANDERLANDIA'S ONE SHOT STORYWhere stories live. Discover now