Mike's POV:
Ako nga pala si Micheal James Hearthome, 23 years old. Sa mga malalapit kong kaibigan tinatawag nila akong Mike pero sa malalapit na kamag-anak tinatawag nila akong MJ. Hindi naman ako ka-gwapuhan hindi rin nmn ka-pangitan masasabi kong ayos lang (Para sa akin) pero pinagdi-diinan ng mga kaibigan at kamag-anak ko na gwapo daw ako ngunit hindi aq naniniwala sa kanila, 5'7" ako na tamang-tama lang sa isang pinoy (hehe!) at medyo cubby na binabagayan ng aking mukha (XD). Kasama ko sa bahay si Mama Aileen na laging naandiyan at si Papa Luis na madalas wala dito sa bahay dahil sa negosyo ng aming pamilya na isang furniture shop dahil na rin sa dami ng branches nito sa buong bansa. Aminado rin ako sa aking sarili na isang akong Bisexual pero hindi ito pinapahalata sa ibang tao tanging kamag-anak at matatalik na kaibigan ko lang ang nakaka-alam nito. Nagkaka-gusto ako sa babae at lalaki Pero minsan lang aq umiibig sa isang lalaki dahil mas gusto ko ang magkaroon ng isang pamilya at ng mga anak na msasabi kong aking kayamanan.
Masaya ang aming pamilya maliban sa isang pangyayari sa aming buhay. Wayback 1998, I was 5 years that day. Nagising ako na may nadidinig akong pagtatalo sa opisina ni papa na halos katabi lang aking kwarto. Nagtungo ako sa opisina ni papa at sumilip sa pinto nito na hindi nakasara ng ayos.
"Ano ito Luis? Ipaliwanag mo itong lahat!" Pasigaw ni mama kay papa habang may itapon itong mga litrato sa harap ng table ni papa. Halata sa mga mata ni papa ang pagkagulat sa mga nakitang larawan.
"Aileen, Wa-" Magsasalita na sana si papa nang bigla muling magsalita si mama.
"Kelan mo pa kami nilolo ni Mike, Luis? Akala ko trabaho talaga ang pinupunta mo sa Manila 'yon pala pambabae lang ang ginawa mo doon!" Sambit ni mama habang may tumutulong luha sa kanyang mga mata.
"Aileen, Shut up and Let me explain!" Bulyaw ni papa kay mama na nagpatikom ng bibig nito.
"That girl is Shizuka my branch manager there, She's flirty, Sometimes she flirt on me but-" Natigil sa pagpapaliwanag si papa nang magsalita mula si mama.
"SO you ride her flirts and even enter a hotel for a night or maybe not just one night? Am I right?" Lumabas sa bibig ni mama habang nag-ngangalit ito sa galit nang bigla suntikin ni papa ang table ng kanyang dalawang kamao.
"Let me finish first what I'm about to say! Just SHUT UP!" Giit nito habang walang tigil pa rin ang pagluha ni mama.
"She's flirty as I said before but i never ever ride her flirts! She even tried to made me drunk one night to have a night with her, but she failed to do that. Because I Love both of You and MJ!!" Seryosong tugon ni papa kay papa. "But one day she come to the hotel I'm staying, She's crying that time, she told me her boyfriend broke up with him. All I can do is to comfort her. To make her calm, we drink a glass of wine in the hotel and I also give her some piece of advice. Minutes after, I go to the CR to release the urine from my bladder that really wants to explode while I'm giving her an advice. Once i got back i drank the glass of wine i left, A few minutes later, I felt sleepy and all i saw is a blurred view of the surroundings. Then I woke up lying in the bed with her naked with me naked too. I don't know if we do intercourse or whatsoever. I SCOLDED HER on what she've done to me last night and ask her to wear clothes and lead her to the entrance of the Hotel and told her she was fired on what she've done." Mahabang kwento ni papa na nagpagulat kay mama. Hindi ko pa masyado nai-intindihan kung ano ang ibig sabihin ni dad but all I know is nasaktan ng todo si mama sa mga narinig.
"So, May nangyari nga sa inyo?" Natatawang sabi ni mama habang nag-iiyak.
"HINDI KO ALAM KUNG MERON BA TALAGA O WALA" Pasigaw sa tugon ni papa kay mama.
"Wag mo ako lokohin LUIS! Hindi mo ako maloloko!" Sagot ni mama. Habang ako nasa labas walang maintindihan sa kanilang usapan. "Maghiwalay na lang tayo LUIS, niloloko lang natin ang ating mga sarili." Dugtong ni mama na nag paluha kay papa at nagpagulat sa aking malay.
"Hindi! Hindi ako papayag Aileen, Mahal na mahal ko kayo ni MJ!!" Pagma-makaawa ni papa kay mama habang nakaluhod at hawak ang kamay ni mama.
"Ayoko na Luis! Ayoko na tama na ang isang beses!" sambit ni mama habang binibitawan ang mga kamay ni papa at tumalikod na labis nitong ikinagulat.
"MJ? Anong ginagawa mo dito?" Biglang tanong nito sa akin at napatingin rin si papa sa akin sa pagkabigla.
"Hindi po kasi ako makatulog ma." sagot ko kay mama. "Ma nag-aaway ba kayo ni papa?" dugto ko kay mama na agad akong niyakap.
"Hindi anak, Balik ka na sa kwarto mo anak. Samahan na kita." pag-aya ni mama sa akin at agad sinamahan ako sa aking kwarto.
Nakarating na kami sa aking kwarto pero hindi pa rin natigil ang luha ni mama na tila isang waterfalls ang kanyang mga mata.
"'Ma wag ka na umiyak, sayang ganda mo ohh!" Sambit ko kay mama habang pinupunasan ko ang kanyang mga luha.
"OO anak tatahan na si mama, Matulog ka na ahh!" sabi nito na may malumanay na himig habang binibigyan ako nito ng isang pilit na ngiti.
"'Ma, maghihiwalay na po kayo ni papa?" sambit ko dito na lalong nagpaluha sa kanyang mga mata.
"Oo anak, Simula ngayon tayo na lang dalawa ang magkasama atsaka si Manang Ising sa ating tahanan." Sambit ni mama habang mahigpit ang yakap sa akin at hinahaplos ang aking mga ulo na nagpatulog sa aking musmos ng kaisipan.
Kinaumagahan, maaga akong nagising dahil naiihi ako, pupunta ako ng CR nang nakita ko si papa na may dalang malaking maleta na palabas ng kanilang kwarto at agad ako nitong niyakap ng mahigpit.
"Anak, Mahal na Mahal na ni papa. Aalis muna ako sandali pero babalik rin si papa." Sambit nito habang nakayakap sa akin ng mahigpit at lumuluha.
"Papa, Saan ka po pupunta?" Tanong ko rito.
"Magta-trabaho lang si papa pero babalik rin ako ahh. Wag mo kakalimutan si papa." Sagot nito habang hindi maalis sa kanyang mga mata ang kalungkutan.
"Papa, aantayin kita ahh. Aasahan ko na babalik ka. Papa dapat sa lahat ng pasko, bagong taon at birthdays ko naandito ka. Love You Papa." sambit ko kay papa na lalong napahagulgol ng luha sa kanya.
"OO Anak babalik ako, Love You too MJ." sambit nito habang nakatingin sa akin.
Umalis na si papa. Nag-hintay ako ng Araw-araw, gabi-gabi. At umabot na ng Buwan at Taon. Ngunit walang papang bumabalik. Dumating ang araw ng ika-19 na birthday ko may nakita akong isang lalaki sa harapan ng gate ng aming bahay at akin itong naaninag. Hindi ako nagkakamali si papa 'yon. Pero sa halip na batiin ako sumakay ito pabalik sa sasakyan at tuluyan nang umalis.
Luis' POV:
Taun-taon naandito lang ako sa loob ng kotse habang inaalala ang mga masasaya nating pagsasama dito sa labas ng gate ng bahay. Tuwing pasko, Bagong taon at birthday ng anak kong si MJ. Mahal na mahal ko aking anak. Hanggang sa umabot siya ng 19 na taon, naisipan ko lumabas ng kotse ng maaninag ko ang isang binata na papalapit sa akin hindi ako nagkamali si MJ ito. Ngunit hindi ko kayang humarap sa kanya sa panahong iyon. Kaya napag-desisyunan ko na lang na bumalik na sa sasakyan at umalis at may narinig akong isang sigaw.
"PAPA! PAPA! PAPA!" sigaw ni MJ habang hinahabol ang kotse na aking minamaneho. Nakaramdam ako ng kirot sa aking puso dahil ramdam ko sa mga boses na 'yon ang lungkot.
YOU ARE READING
Pwede Bang Hatiin Ang Puso?
RomanceIto ay kwento ni Mike, isang bisexual. Isang kwento ng kalituhan sa kanyang puso. Kung sino ba ang dapat mahalin, ang babaeng handang magmahal sa kanya na tanggap kung ano man siya o ang lalakeng nagmahal sa kanya ng walang alinlangan at lubusan?
