Did something happen to her?

[“Wala naman anak. Na-miss lang kita kaya napatawag ako…at nami-miss ka na rin niya. Palagi ka niyang tinatanong kung kailan ka pupnta ulit dito. Anak, your daughter misses you so much.”]

 

Napahinga naman ako ng malalim at nakaramdam ako ng guilt. Yes, I do have a daughter. She’s 4 years old and yes, si Kyle ang ama niya pero hindi niya alam yun at maging si Kyle ay di alam ang existence ng anak ko.

“Mom, I miss her too. But I can’t afford na may makakita sa kanya especially that…”

 

[“That Kaye’s father is back?”] Pagtutuloy naman ni mommy sa hindi ko masabing mga salita.

“Yes.”

 

Walang nakaka-alam tungkol sa anak ko. Kahit sina kuya Kevin, ate Valerie, at mga kaibigan ko. Sina mommy at daddy lang ang may alam. Sa kanila pa nga nakatira ngayon si Kaylee sa Tagaytay.

[“Pero anak, you need to visit my apo or else kami na ang bibisita diyan kahit ayaw mo pa. Sobrang namimiss ka na niya at palagi siyang umiiyak every night. Naintindihan kita anak sa hangarin mong itago ang apo ko mula sa ama niya pero naaapektuhan na dito ang apo ko.”]

 

“I know ma, I’m sorry. Medyo nagkakaproblema na din kasi ang kompanya nina tito Karl at kailangan nila ng tulong but don’t worry, pupunta ako diyan ngayong weekend.”

 

[“Okay then, I’ll tell Kaye about that. I’m sure she’ll be happy.”]

 

Na-guilty naman ulit ako sa sinabing iyon ni mommy. Oo, medyo nagiging pabaya na rin ako sa anak ko dahil sa trabaho ko at dumagdag pa nga ang pagbabalik ni Kyle. Ayokong malaman niya ang tungkol kay Kaye dahil baka bigla niyang kunin ang anak ko mula sa akin.

“Sige ma, may gagawin pa kasi ako. I’ll just see you sa weekend.”

 

[“Sige anak, ingat ka palagi”]

The Billionaire's QueenWhere stories live. Discover now