3-CHECKMATE!!!

114K 1.7K 143
                                    

Sorry ngayon lang. Hindi ko nagawang mag UPDATE kaninang umaga kasi may HANGOVER ako. 

JANINE'S POV: 

Halos maghapon na hindi maipinta ang mukha ko dahil sa napakagandang rating na binigay sa akin ni ETHAN. Kaasar. Buti nagawa ko pamg makinig sa mga lesson. Gustong gusto ko nangang umuwi para don na lang magpaka emo. Kahit yung pagiinvite nina CJ na pumunta sa SM Batangas tinanggihan ko.

Hindi na din naman ako pinilit ni CJ kasi sya lang naman ang nakakaalam ng pagsintang purorot ko para kay ETHAN. Ang sagwa lang ng description ko para sa nararamdaman ko para sa kanya. kasing sama ng sakit ng nararamdaman ko ngayon. 

Pagdating ko ng bahay ng bandang alas kwatro ng hapon kala ko makakapag emote na ako ng bonggang bongga pero mali pala ako kasi yung taong dahilan kung bakit ako mag eemote ayun kalaro ni KUYA ng CHESS.

Hay kaasar. Bat kasi ngayon pa naisip ni KUYA JOSEPH na maglaro ng CHESS. Buti pa si KUYA JOROSS parang ako lang kung kailan lang maisip maglaro saka maglalaro. Si KUYA JOSEPH kasi kahit sa school, player sya. Pati si ETHAn player din.

Ang totoo hindi ko pa nakakalaban si ETHAN sa chess. Wala din akong planong kalabanin sya. Varsity Player sya ng school tas maglalakas pa ako ng loob na lumaban? 

Kakaumpisa pa lang nila nung dumating ako. Kung iba sana ang kalaro ni KUYA baka manood ako kaso si ETHAN eh, kaya magkukulong na lang ako sa kwarto. Kasi hindi din naman ako makakapagconcentrate na manuod ng laro nila kasi baka si ETHAN lang ang tingnan ko.

Ayaw ko naman na malaman nya na ganun ako kabaliw sa kanya. Baka hindi na sya pumunta dito sa bahay pagnalaman nya. Ang totoo BOYFRIEND ko na si ETHAN. Kaso pag nalaman nya yun BREAK na KAMI. hahaha 

Mangarap ka JANINE. Kasi naman bakit kasi LIBRE ang mangarap tas yung pinapangarap ko naman eh sobrang HIRAP namang abutin. SOBRANG MAHAL pa. at SOBRANG MAHAL ko na nga sya. hay Makakyat na nga lang. 

TAYO NA LANG (Published under Pop Fiction) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon