Jeya
Any part of the story that resembles things in real life like places, events, ideas, name of a person and the person himself/herself, dead or alive, etc, are purely coincidental. This story is made from the author's broad imagination and fantasy so the story itself is purely fictional.
PLAGIARISM IS A CRIME!
© All rights reserved 2017
•••
Agaw pansin sa mga dumaraan ang pag iyak ng isang dalagang nakaupo sa marumi at malamig sa sementong upuan malapit sa parke.
Pinagtitinginan at pinagbubulung-bulungan siya ng karamihan sa mga nakakakita sa kanya, sa pagka't magulo ang kanyang buhok, madungis at punit punit ang kanyang kasuotan at tanging isang pirasong heels na lamang ang nagpoprotekta sa kanyang mga paa. Tila ba hindi napapansin ng dalaga na marami na ang nakakakita sa kanyang kalagayan ngayon dahil patuloy parin ang pag alpas ng kanyang mga luha galing sa mga mata at malakas parin ang hikbing lumalabas sa kanyang bibig habang akap-akap ang litratong hawak-hawak.
Lingid sa kaalaman ng lahat, siya ang nag-iisang anak ng noo'y isa sa pinakamayamang negosyante sa kanilang lugar na sa kasamaang palad ay pumanaw na, mag dadalawang taon na ang nakakalipas. Naiwan siya sa poder ng kanyang tiyuhing si Marco na kapatid ng kanyang inang yumao narin noong sanggol pa lamang siya.
Masaya, maayos at marangya ang pamumuhay niya kahit ang ama na lamang niya ang nagpalaki at nag aruga sakanya. Hangga't maaari, ay hindi siya hinahayaang mapagod, magutom masugatan, sapagkat hindi makakapayag ang kanyang ama na masaktan siya. Halos perpekto na sana ang lahat sa buhay niya hanggang sa isang hindi kanais-nais na pangyayari ang naganap.
Namatay sa aksidente ang kaisa-isang tagapagprotekta, kasangga at pinakamamahal niyang ama na si Don Joaquin.
Siya si Maria Jeanin dela Porterio o mas kilala sa tawag na Jeya, at ito ang kanyang kuwento...
•••
"Jeanin!" Rinig na rinig sa buong silid ang maawtoridad na sigaw ng isang lalaki. Ito ay walang iba kung hindi ang tiyuhin ni Jeya na si Marco.
Noong una ay maayos naman ang pagtrato nito sakanya. Wala itong asawa't anak kung kaya't nasa sakanya parin ang lahat ng pag aasikaso. Ngunit iba na ngayon, magmula noong magkaroon ng bagong negosyo ang kanyang tiyuhin ay nag-iba na ang pakikitungo nito sakanya.
"Opo, papunta na po riyan." Sagot ng dalagitang nagkukumahog bumangon sa kanyang kinahihigaan.
Maaga pa ngunit ginising na siya ng napakalakas na sigaw ng kanyang tiyuhin na sigurado'y mayroon na namang iuutos sakanya. Pagkarating niya sa kinaroroonan ng kanyang tiyuhin ay siya nga namang pag-utos nito sa kanya na ipaghanda siya ng almusal. Antok na nagtungo ang dalaga sa kusina upang ipaghanda ng makakain ang kanyang tiyuhin.
Pagkaraan ng ilang minuto ay nakapaghanda na ng pagkain si Jeya sa kanilang hapagkainan. Eksaktong pumasok na rin sa silid kainan ang kanyang tiyuhing si Marco.
Maya maya, ay may kakaibang nalasahan si Marco sa inihanda sakanya ng kanyang pamangkin. Nasobrahan sa asin ang niluto nitong itlog sapagka't sa pagmamadali ay marami ang nailagay ni Jeya. Sa pagkairita ay iniluwa nito ang kinakain at marahas na itinapon kasama na ang lagyanan nito patungo sa kinaroroonan ng dalaga. Sa sobrang lakas ng pagkakatapon ay napaupo siya sa sakit habang sinasapo ang kanyang tuhod na tinamaan ng plato.
"Tiyo bakit ho?" Mangiyak-ngiyak na anang niya, habang patuloy na iniinda ang sakit na idinulot ng pagtapon sakanya ng pinggang mababasagin na tuluyan na ngang nabasag sa kanyang paanan dahil sa pagkabagsak. Buti na lamang at hindi niya naupuan ang mga bubog na nagkalat sa sahig.
YOU ARE READING
JEYA
Non-FictionSi Jeya ay isang dalagitang dumanas nang mga hindi kanais-nais na bagay sa buhay niya. Ngunit, ang lahat ng paghihirap ay nasosolusyunan at nalalagpasan. Ating tuklasin ang kwento ng buhay ni Jeya.
