Chapter 1

772 14 7
                                    

NOTE: Chapters 2 to 10 is deleted because the EXTENDED EDITION (may dagdag na chapters d'un) is soon to be published in Pink & Purple, an imprint from Bookware Publishing Corporation. Kasama po sa contract na kailangan burahin sa wattpad. Salamat. :)  

NOTE #2: Ibang-iba po ang Chapter 1 sa soon to be published. This is just for preview.

Chapter 1

Nawala ang ngiti ko at natigil ako sa pagkain ng chocolate cake noong mag-angat ako ng tingin at makita kung sino ang umupo sa harapan ko.

"Hi baby, long time no see." Ani ng boses.

Hindi na ako nagtaka kanina na ako ang unang dumating sa coffee shop kung saan namin napag-usapan ni Amethyst na magkita. Si Amethyst ang best friend ko mula pa noong high school. Hindi man kami madalas magkita matapos maka-graduate ng high school ay nanatili naman ang friendship namin.

Ebidensya doon ang pagiging maid of honor ko sa nalalapit niyang kasal.

Napangiti ako nang maalala ko si Franco. Kung ang best friend ko ay ikakasal at magkaka-baby na, masaya rin naman ang love life ko.

Si Franco ay anak ng may-ari ng publishing company kung saan romance writer ako. Noong una ay ayoko siyang i-entertain dahil pakiramdam ko ay unprofessionalism yun pero sobrang persistent niya kaya naman sa tingin ko ay unti-unti na rin nahuhulog ang loob ko sa kaniya na wala na akong magawa kung hindi ang pansinin siya.

Nang makabawi sa gulat na mukhang 'di naman nahalata ng nasa harapan ko ay sumagot ako.

"No pets allowed dito 'di ba?"

Nangunot ang noo niya pero sumagot naman. "Oo. Bakit?"

"Eh bakit nandito ka?" nasusura kong sabi sa kaniya.

Sa lahat ba naman ng pwedeng makita bakit ito pang unggoy na 'to ang nakita ko? Nawala ang kunot sa noo niya tapos ay ngumiti ng malapad na para bang natuwa pa siya sa sinabi ko. Inirapan ko nga.

"Yan ba ang version mo ng I miss you too?" aniya at nagkagat labi dahil sa pagsupil ng ngiti.

"No. Ito ang version ko ng I don't miss you at umalis ka sa harapan ko."

"Really?" sabi pa ng unggoy at ipinatong sa mesa ang dalawang siko saka nag-lean forward sa akin na nakataas ang kilay. Nang-iinis.

Automatic akong napaatras dahil alam kong delikado ang mapalapit sa kaniya lalo na't bumilis ang tibok ng puso ko mula nang dumating siya. Muli ay umirap ako ngunit hindi na lang dahil naiinis ako sa presensya niya kundi dahil na rin sa nararamdaman ko.

Sus ginoo. After all these years, bakit kumakabog na naman ng ganito ang puso ko dahil lang sa presensya ng isang 'to?

"I see you've met again!"

Napatingin ako sa mga bagong dating. Sina Amethyst at ang naka-akbay sa kaniyang si Amiel na ipinagtaka ko kung bakit. 'Wag niyong sabihin na...

"Yes, Emerald. Kahit iniisip mo na 'wag kong sabihin pero sasabihin ko pa rin, si Amiel ang mapapangasawa ko." wika ni Amethyst at talaga namang sumandal pa ito sa fiancée niya.

"Ew. Ba't pinatulan mo yan?"

Imbis na mainis ay natawa pa sa akin si Amiel. Mag-pinsan nga sila nitong si Viel, tawa ng tawa kahit na iniinsulto ko na.

Tumayo si Viel sa inuupuan niya at sa tabi ko naupo. Nang makita niyang nakataas ang kilay ko habang lumilipat siya ay ngumisi na naman ang animal.

"What? Siyempre dapat tabi sila." Aniya.

"Dun ka na lang sa kabilang table."

"Bakit hindi ikaw?"

Ang Hari Ng Mga Pa-Fall (Former title: Believe, Margarita)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon