"Wow ha. Kapal ng mukha mo." Sabi ko at lumayo sa kanya. Napakafeelingero niya.

Pero nagseselos ba ko? Ayaw ko lang naman na tinitignan siya ah? Selos na ba kaagad yun? Ayaw lang patignan eh.

"Seryoso anong gagawin natin dito? 'Wag niyo sabihing naglakad tayo ng ganung ka haba tapos wala tayong gagawin dito?" Sabi ni Aira.

"Alam niyo yung relax guys? Ganun yung gagawin natin dito ngayon. Kaya kumalma lang kayo, okay? Pero ikaw, samahan mo kong bumili." Sabi ni Edward at hinila ako patayo habang hawak niya pa din yung kamay ko.

Simula sa building ng Glaciefier Mafia hanggang dito sa park hindi niya pa din binibitawan yung kamay ko.

Feeling boyfriend agad eh no? Nag-confess lang naman ako sa kanya. Hindi ko naman sinabi na 'tayo na'.

Pumasok kami sa 7/11 at winelcome naman kami agad nung mga staff na boys. Buti naman at puro lalaki na yung nandito. Nakakaloka kung hanggang dito babae pa din. Baka madukot ko na mata nila.

Humigpit yung hawak ni Edward sa kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.

"Bat' ka ba kasi nag-short?" Iritado niyang tanong sa'kin.

"Nagmamadali na nga ako diba? Hindi ko na alam yung isusuot ko. Kaya nga nasuot ko din yung t-shirt mo diba?" Obvious kong sagot sa kanya.

"Tss. Hintayin mo ko dito. Umupo ka muna dyan. 'Wag kang aalis." Sabi niya at nanakbo na kaagad palabas ng 7/11. Ano na naman naisip nitong lalaking to?

Dahil masunurin akong bata, umupo lang ako at hinintay siya, wala pang five minutes ay nandito na kaagad siya at dala-dala na niya yung bag niya.

Tumabi siya sa akin at hinalungkat yung bag niya.

"Oh, isuot mo." Sabi niya habang iniaabot sakin yung pajama na color black at inabutan ako ng t-shirt na kulay black din at may itiketa pa.

"Pagsusuotin mo ko ng pajama sa park, Edward? Seryoso ka?" Poker face kong tanong sa kanya.

"Mukha ba kong nagbibiro?" Seryoso niyang tanong ulit sa akin. "Kung ayaw mong magsuot ng pajama next time wag ka ng magshort." Sabi niya ulit at pinapasok na ko sa Cr. Astig nga eh may CR.

Perfect fit sakin yung damit tapos yung pajama may garter naman siya so sakto lang din sa bewang ko. Mahaba nga lang kaya nakasayad sa sahig yung dulo.

Lumabas na ako ng CR at hinanap ko si Edward. Nakita kong nagpalit din siya ng suot niya. Bat' mas nauna sakin to?

"Ang bagal mo." Sabi niya at kinuha na yung damit ko sa akin at inilagay sa bag niya.

Lalabas na dapat siya pero "Edward! Bibili pa ako!" Pahabol ko bago siya lumabas kaya pumasok ulit siya.

"May pera ka ba?" Nakangisi niyang tanong sa akin. At ngayon ko lang narealize na wala akong pera. Ang galing mo talaga April!

"Libre mo na lang ako." Nakangiti kong sabi sa kanya at kumuha na lang ako ng tatlong big bite at yung pinakamalaking gulp. Dahil brunch ko na 'to at libre naman niya susulitin ko na. Pero yung isang big bite sa kanya.

Habang nakapila ako nasa tabi ko pa din siya. 

Iniabot ko na yung bayad ko dun sa lalaki at pagkaabot ko nung bayad ay HINAWAKAN niya yung kamay ko kaya napalayo ako sa kanya.

Ngumiti siya sa akin ng nakakaloko at iniabot yung sukli sa akin. Kukunin ko na sana yung sukli kaso hinila ako ni Edward papalapit sa kanya.

"Fuck off. She's mine." Seryoso niyang sabi dun sa lalaki at tinignan ito ng masama. Mukha ngang natakot yung lalaki kaya napayuko siya.

Lumabas na kami ni Edward ng 7/11 at hindi niya kinuha yung sukli niya.

"I'm not yours, Rivera." Sabi ko sa kanya.

"Sinabi ko lang yun para lumayo na yung lalaki. Hindi mo ba nakikita kung pano ka niya hubadan sa isip niya?" Seryoso niyang sabi sa akin.

"Ha?" Anong sinasabi nito?

"April wala ka ba talagang alam?" Naiinis na niyang tanong sa akin. Bat' ba napakamoody nitong lalaking 'to? Tinignan ko lang siya kaya nagpatuloy na ulit siya sa pagsasalita.

"April, you're damn gorgeous. Lahat ng lalaki napapatingin sayo tuwing naglalakad ka, lahat ng lalaki lumuluwa yung mata kapag nakikita ka nila. Ang ganda mong babae kaya lahat ng lalaki tumitingin sayo, naiinis ako na tinitignan ka nila ng ganon kasi gusto ko ako lang ang tumitingin sayo. Gusto ko akin ka lang." Seryoso niyang sabi sa akin kaya napatulala ako. Is he serious?

"Selfish na kung selfish pero gusto ko akin ka lang." Seryoso niyang sabi sa akin. Kinikilig ako na ewan. Hay nako April ang landi mo.

Nginitian ko siya at saka pinulupot yung braso ko sa braso niya, baka magmukha akong tarsier nito.

"Sorry na! Hindi ko namang kasalanan na maganda ako. Sisihin mo yung magulang ko." Natatawa kong sabi at nanakbo palayo sa kanya. Nakakahiya!!

Nakarating na kami sa pwesto na napili nila Abby at nag set-up na sila ng picnic!! LUFET!

"San kayo galing? Nag-honeymoon ba kayo?" Natatawang tanong ni Kysler kay Edward.

"Gago." Sabay naming sabi kay Kysler kaya napatawa siya.


The Gangster's Princess (COMPLETED)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu