BRACES [ONE-SHOT STORY]

356 11 6
                                    

BRACES [ONE-SHOT STORY]

"Twinkle, anong kulay ng rubber ng braces mo?" pangungulit sakin ni Kuya Sky

"Ahm, violet po."

"Patingin nga." sabay-ngiti sa kanya

"Daig kita, blue ang akin! Beh. :P"

ABA?! Anong problema nun?

Ako nga pala si Twinkle. 16. CommArts. Siya naman si Kuya Sky. 18. Civil Eng'g. May itsura, matalino, masayahin at joker pati. Nagkakilala kami dahil sa club namin. Digital Photography Club. Lagi kami ang magkapartner sa lahat ng tasks kaya halos magkaclose na din kami.

May braces ako. Pati din siya. Every month, pag magpapapalit ako ng kulay ng rubber, lagi niya akong tinatanong. Di ko nga alam kung bakit e? Minsan nga, nahihiya nako. Baka pag pinapangiti niya ako, may NGIMA na pala ako tas BAD BREATH pa. YAK. Isang malaking TURN-OFF yun pag nagkataon. Pero, NEVER ko yung gagawin 'noh. Bwahaha.

Yup. Tama kayo. May crush ako kay Kuya Sky. Pero, ayokong maging showy. Pinipigilan ko. Bakit? Kasi ayokong dumating yung point na mahiya ako sa kanya. AWKWARD yun pag nagkataon. At ayokong mangyari samin yun. Gusto ko, yung ganito, yung tipong NORMAL na lang ang lahat.

*DIGITAL PHOTOGRAPHY CLUB MEETING*

"Guys. May photoshoot tayo. Sa Boracay gaga---"

"YUHOOOOOOOO!" sigawan kaming lahat. HAHAHA

"Ay excited? Osige, mauna na kayo."

HAHAHAHA. Si Ma'am talaga oh.

"Magcacapture tayo dun ng 'DECISIVE MOMENTS' tapos ipanglalaban natin sa other universities. Nandun tayo for 1 week. Next month yun kaya maghanda na din kayo."

Oooooohhhh. GROOVY. 1 WEEK. Nagningning ang mga mata namin at pumalakpak ang mga tenga namin nung nakinig namin yun.

*BORACAY*

Nandito na kami ngayon sa Bora. Siyempre, members kami ng Photography club kaya iexpect niyo ng tig-i-tig-isa kaming SLR. Hilig ko talaga 'to. This is my PASSION. ♥

Nagpunta muna ako ng CR at nagsalamin. Ngumiti ako sa harap ng salamin. Haynako. Ang ganda mo talaga Twinkle. Nakakainlab ka. HAHA.

1 month na nga pala ang nakalipas kaya nagpalit na din ako ng rubber ng braces ko. Color blue and pink. Pina-alternate ko. Fave color ko pink, tas siya blue. Ay, kire lungs. Hahaha. Kaso, parang may kulang. Di nangungulit sakin si Kuya Sky. Hay. Siguro, nakalimutan niya lang. Nevermind. Baka maalala na niya yun mamaya.

*3PM*

Busyng-busy ako sa pagcacapture ng mga 'decisive moments' sa beach. Ang daming tourists. Siyempre, Boracay 'to, kaya iexpect niyo ng tourist destination 'to. HOTSPOT. Tas, required pang nakabathing-suit. >.<

Pero, hindi naman ako nakabikini. Nakashorts naman ako at shades siyempre. Mahirap na. HAHAHA. Isama niyo pa ang nakakabit na sa aking katawan, ang aking pinakamamahal na SLR. ♥

Maya-maya'y nakita ko si Kuya Sky. Nginitian ko siya at sinabihang "HELLO PO." Kaso...

IniSNOB niya ako? O.o

Anong meron? Imposible namang di niya ako narinig e nagkalampasan nga kami. Tumingin lang siya sakin, tas parang walang nangyari.

*6PM*

Magsusunset na. Pinakainaabangan ko 'to. Nakita ko na naman si Kuya Sky. Nginitian ko ulit siya. Kaso di na naman niya ako pinansin. AWTSU. :(

*8PM*

Nandito kami ni Kuya Kean sa harap ng bonfire. Si Kuya Kean ay bestfriend ni Kuya Sky. Pinsan ko din. Nagkekwentuhan kami about dun sa nangyari sa reunion namin nung Christmas. Nakita ko si Kuya Sky na dumaan sa harap namin tas ang sama ng tingin samin----SAKIN?!

Nagpaalam ako kay Kuya Kean dahil hahabulin ko sana si Kuya Sky kaso di ko siya naabutan. Nakita ko na lang yung SLR niya sa ibabaw ng mesa.

Pagkatingin ko, nagulat ako sa mga nakita ko.

O__________________O

PAGMUMUKHA KO. Simula KANINA nung pag-akyat ko sa bus hanggang ngayon sa may bonfire. Nung pinindot ko yung previous, nakita ko din yung mga STOLEN SHOTS ko na ngiting-ngiti ako ng todo. Shemay. Nakakahiya. O/////O

BAKIT AKO?

BAKIT PURO MGA MUKHA KO?

"TWINKLE?!"

"Ku-kuya Sky?"

"Bakit hawak-hawak mo iyan?!"

"Ah eh, siyempre, partners tayo kaya---" baduy ng palusot ko

"Akin na nga 'yan!"

"Aba, siya pa may ganang magalit." I murmured

"ANONG SABI MO?!"

"Wala po." Kaso nabulabog talaga ako.

"Ah-eh-Kuya Sky? Bakit po puro mukha ko yung nasa SLR niyo?"

NAMULA SIYA. HAHAHAHAHA. :">

"TSK. PAKELAMERA."

Awtsu. Pakelamera daw ako. Bahala nga siya. Nakakabadtrip lang pag ganun. Makaalis na nga.

Nagulat ako, dahil pagkatalikod ko, may bumaltak sakin at bigla akong niyapos----si Kuya Sky.

"MAHAL KASI KITA, TWINKLE."

ANO DAAAAAAAAAAAAAAAW?! PAKIULIT NGA?!

"MAHAL KASI KITA, TWINKLE."

"MAHAL KASI KITA, TWINKLE."

"MAHAL KASI KITA, TWINKLE."

ISA PAAA!

Ay, shunga lang?!

"MAHAL KASI KITA, TWINKLE."

After 10 seconds, saka nagsink-in sa utak ko ang sinabi niya. Mahal niya daw ako?

"Twinkle, sorry. Hindi ko sinasadyang mafall sa 'yo."

Anong sasabihin ko? NATAMEME ako e.

"Ah-eh-Kuya, di po ako makahinga. Masyado pong mahigpit. *AHAM! AHAM!*"

"Ay sorry. Hehehe." sabay gulo sa buhok niya

"May gusto ako sayo kaya, puro ikaw ang laman ng SLR ko. Sorry ha?"

"Okay lang po yun. Hehehe."

"Wag ka na ngang mangOPO! Halos magkasing-edad na din naman tayo e. 2 years lang lamang ko sayo. :P"

"K."

"Patingin nga ng ngipin mo!"

"Yung iyo muna!" pangungulit ko

Pagkatingin ko...

SHT.

PINK?! Don't tell me, bumigay na siya?! O.o

Utas naman ako kakatawa. :DDD

"Anong tinatawa-tawa mo?"

"PINK! NYENYENYE! PINK! BWAHAHAHAHAHA." :PPP

"Patingin nga ng iyo. BLUE and PINK? Di ba favorite mo ang PINK? Kaya PINK yung akin! *sabay gulo ng buhok ko* Tas kaya ba alternate blue at pink yung iyo kasi fave mo ang pink at ako naman BLUE?"

Namula ako dun ah. Nakakahiya. Hehehehe. :">

"Oo. CRUSH kasi kita e."

Pagkatapos nun ay bigla ko siyang hinalikan sa cheeks at nagtatakbo ako sa beach. Nakakahiya e. KAYO KAYA?! HAHAHA.

~THE END <3

Copyright © 2014 MissCandyholic

BRACES [ONE-SHOT STORY]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt