III

364 23 4
                                    

"Oo na eto na! Huwag kang OA jan Mika Aereen!" kainis 'tong multong 'to. Jeron invited me to watch movie kasi. Pasok naman sa schedule ko pero inaalala ko lang yung ooperahan ko after. Gusto kong magpahinga muna sana before operating. Yan kasi ang protocol ko sa sarili ko.


Pero eto, walang choice kundi maligo, ihanda ang sarili at higit sa lahat yung um-oo sa invitation ni Jeron para dito kay Mika.


Nilabas ko yung white top tsaka black jogger pants ko. Bumalik muna ako sa banyo kasi nakalimutan kong mag deodorant. Balak ko sanang hindi na lang umuwi after ng movie at dun na lang sa clinic maghintay. Pagbalik ko, wala na yung jogger pants ko!


"MIKA AEREEEEN!"


I knew that it was her. Hinanap ko na sa ilalim ng kama, sa kumot, sa mga unan pero wala dito! last time na ginawa niya 'to, tinago niya yung polo ko sa garden!


"Bahala ka Mika! Kahit dalhin mo pa yan sa kabilang mundo hindi ako mag shoshort!" Di ba niya naiintindihan na doktor ako? Bawala sa etiquette ko yan! At dahil wala na rin akong mahanap na pamalit dun, lumabas ako sa kwarto para hanapin kung saan ba yun dinala ni Mika!





"AAAAAHHHH!!!!"


"BASTOS KA TALAGA! SINO NAGSABI SAYONG PUMASOK KA LANG NG BASTA BASTA?!" sigaw ko kay Jeron sabay tago ng aking mga hiyas! Leche talaga! "Talikod ka nga!" utos ko. Nakabikini lang po kasi ako. Huhuhu


"bakit hindi ikaw yung tumakbo balik sa kwarto mo?!" Aba't!


"Bahay mo ha! Bahay mo?"


"Hindi! Pero bisita ako! Magbigay galang ka naman!" kita mo 'to siya pa ang galit! Ni hindi man lang nagtakip ng mata kaya inalis ko ang kamay ko sa hinaharap ko para itakip sa mata ni Teng!


"uy ano ba ang ginagawa mo! Rape! Rape!" sigaw niya habang dinadala ko siya sa guest room.


"Tanga! jan ka muna!" sabi ko ng maipasok ko na siya. Huhuhuhu! My soul, my dignity! Mika naman kasi eh! Eto ba gusto mo yung mawalan ng dignidad 'tong best friend mo?


"Nice butt by the way Doctor A!" pahabol niya behind the door.


"Che!"





*******


Jeron's POV


Sorry Miks pero magkakasala yata ako sa'yo. Hindi ko talaga sinasadya na makita yung gorgeous body ni Ara at hindi ko rin sinasadya na hindi yun maalis sa utak ko. And I swear, hindi ko alam kung bakit hindi matanggal-tanggal ang ngiti sa mga labi ko.


"Hoy teng! Kanina ka pa ganyan ha! Moana yung pinanuod natin at hindi romcom movies!" saway ni Ara.


"Yun nga! Kaya look at me, I'm inspired." sabi ko sabay akbay sa kanya at mabilis din naman niyang kinuha yung mga kamay ko.


Nauna siyang maglakad at hindi ko alam kung saan ba 'to tutungo. Paikot-ikot lang kami dito sa loob ng mall. Siguro iniisip pa rin niya yung nangyare kanina.


"Ars, sorry about what happened earlier. Yung maid mo kasi pinapasok ako at nagandahan ako sa bahay mo kaya ayun, naglakbay lang. Sorry Ars."


"Ara."


"Doctora Ara!"


"Sorry na talaga."


"Okay Je! Hindi naman ako galit pero naiinis lang ako. I hope you understand."


"Copy. So friends na ulit tayo?"


Bes, sub muna!Where stories live. Discover now