Chapter 1

21 1 0
                                    

Magagawa mo pa kayang magmahal muli. Kung kahit ang pinakamalapit sayo ay nagawa kang iwan.

Magagawa mo pa kayang magtiwala. Kung ang sarili mo ay hindi mo na mapagkatiwalaan na magmahal muli.

Magagawa mo pa kayang magparaya. Kung naramdaman mo na kung gaano kasakit ang makitang masaya sa iba taong tinitibok ng iyong puso.

Makakayanan mo pa kayang muling masakatan. Kung sa kasalukuyan nanatiling durog ang iyong puso.

5 years ago
Month of December

"Veronica! Sabay na tayong kumain, pwede ba?" Pagaanyaya sa akin ng matalik kong kaibigang c Frank.

Napaka-bait niya sa akin halos palagi kaming magkasama. Marami ngang nagakalang kami'y may relasyon, pero-hayy!! Sana nga. Kaibigan lamang siguro ang tingin niya sa akin at ako matagal nang umaasang hindi lamang hangang kaibigan kami. Sa tagal minsan napapaisip ako, ' ano kaya kung ako ang manligaw sa kanya' yung mga ganon. Sa tingin ko ayaw niya akong ligawan dahil sa risk na baka dumating ang panahong hindi pala kami sa isa't isa, masasayang ang matagal naming pagkakaibigan.

"Ano Rics? Gusto mo bang sumabay kumain?" Ulit niya ng paganyaya. "Bakit ba parang palagi kang nakatulala? May problema ka ba" Ayan nanaman siya CONCERN!!! OO IKAW!! Kung kaya ko lang sabihin matagal ko nang ipinagtapat ang nararamdaman ko.

Nakatitig lamang siya habang hinihintay ang sagot ko. Halata sa.ekspresyon niyang inaasahan niya na 'Oo' ang sagot ko. Tumango na lamang ako. Hindi ako makapag-salita na para bang bago pa lamang kaming magkakilala't sobra ang hiya ko sa kanya. Napakatapang ko humarap at makiusap sa iba pero bakit pa siya na halos hindi ako makakibo. Siya ang kahinaan ko.

"Okay, saan mo ba gusto kumain sa cafeteria or sa labas nang school?" Masigla niyang tanong. Nakakatunaw talaga ang ngiti niya. Kapag kasama ko siya ang lakas nang tibok ng puso ko. Kaya siguro minsan na high blood ako pagkaharap ko ang ibang tao.

"Hmm. Sa Cafeteria nalang. Para makabalik ka agad." Mahinhin kong sagot.

"Bakit naman? Kahit sa labas ayus lang naman sa akin." Nagtataka niyang tanong.

" ehh di ba may research kapang tinatapos? Sayang ng oras." Paliwanag ko naman sa kanya.

Parehong business-related course ang kinukuha namin at huling taon nanamin ito.

"Oo nga pala. Sige doon nalang tayo." Pagsangayon niya.

Nang makarating na kami sa cafeteria. Napaka daming estudyante ang kumakain. At kapansin-pansin na nakatingin sila sa iisang direksyon. Ang grupo ni Andrea Rivero Lee, ang President ng aming council. May hawak-hawak siyang papel at tila ba galit ito habang nagsasalita. "Kung sino kamang ...!!!"

Hindi ko na narinig ang sunod niyang sinabi dahil sa biglang tinakpan ni Frank ang tainga ko at hinatak niya ako palabas.

Parang natataranta siya at natatakot. Tila ba'y meron siyang pinagtatagoan. Nais ko sanang tanongin siya kung ayus lang siya, pero bigla niya akong hinatak papunta sa labas ng school. Hawak-hawak niya ang kamay ko habang mabilis na naglalakad. Biglang uminit ang pakiramdam ko dahil sa sobrang kilig. Nang makarating kami sa isang kainan (beLLygOOd Karma Café), ang lakas ng tibok ng puso ko. Hindi ko na maalala kung papaano kami nakapunta rito at kung sino ang mga nakasalubong namin. Dahil sa kanya lamang ako nakatingin tila siya ang tanging nasa mundo ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 25, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MisdirectionWhere stories live. Discover now