Some jokes are half meant

55 0 0
                                        

Pag-big? Ano nga ba ang pag-ibig? Ayan palagi ang tumatakbo sa isip ko. Oo may iba't ibang klase ng pag-ibig. May pag-ibig sa kaibigan, sa kapatid, at sa pamilya pero ang gusto ng mga kaibigan ko para sakin ay pag-ibig na, alam niyo na. Hahaha.

Sa sobrang babait ng mga kaibigan ko masyado akong pinupush sa isang lalaki. Oo tama ang nababasa niyo, lalaki.

Tinutukso nila ako sa isang lalaki. Kaya itong puso ko, hindi na alam kung ano na ba talaga ang nararamdaman. Biro lang ba o totoo na? Naguguluhan ako. Ang babait kasi ng mga kaibigan ko e *sarcastic*, ayan tuloy, ako ngayon ang naguguluhan.

Ako nga pala si Sharmaine Cruz, short for Sha. NBSB ako pero walang makapaniwala, ang ganda ko daw kasi, hahaha char lang. Isa akong kolehiya. Paano ko ba sisimulan ang story ko? Ito na nga, nagsimula lang naman ang lahat sa biruan pero hanggang ngayon ganun pa din naman. Akala ko biro pa din para sakin pero hindi na pala, naging totoo na, mayroon na akong feelings kahit kaunti. Ang saklap diba? Totoo nga yung kasabihan na "Some jokes are half meant". Yung feeling na biro lang pero totoo na pala. Pero hindi pa alam ng mga kaibigan ko. Nahihiya kasi akong aminin sa kanila na na-fall na ako. Alam ko kasing tutuksuhin lang nila ako at mas lalong matindi ang panunuksong gagawin nila. Ganyan nila ako kamahal. Hahaha.

Nagsimula lang naman ang lahat ng magkwento ako sa kanila. Vacant kasi namin e.

"Ahm alam niyo nginitian ako ni Jay kanina." Ayan lang naman ang sinabi ko pero binigyan nila agad ng meaning. Mga baliw e hahaha. Masama bang ngitian ka ng tao? Hindi naman diba.

"Ayiiiieeh." Sabay sabay nilang sabi sabay ngiti sakin. Kilala din kasi nila si Jay kaya ganun. Siyempre schoolmate namin siya.

At after nun, tinutukso na nila ako. Ang gulo noh? Ganyan din sila kagulo kapag nakikita nila si Jay. Daig pa nila ang takas sa mental. Ooops. Ang hard ko ba? Hahaha. Hindi naman masyado.

Ito yung pangyayari bago ako magkwento sa mga kaibigan ko. Nandoon kami sa 4th floor kasi dun ang classroom namin ngayon. At saktong nandoon din si Jay kasi dun din ang classroom nila ngayon. What a coincidence, di ba? Hahaha. Yung 4th floor sa school namin ay isang malaking room lang basta sobrang laki niya pero katumbas niya ay apat na room. Ganun basta ang hirap i-explain. Imaginin niyo na lang. Hahaha.

Niyakag ako ng classmate ko para samahan siya, dahil sa mabait ako sinamahan ko na siya. Hahaha. Mabait talaga? Ganun talaga hahaha. Sabi ng classmate ko wait lang daw, e di tumigil ako sa paglalakad, andito naman ako sa may pinto hinihintay ang classmate ko, sakto namang papalabas din si Jay ng room. Napatingin ako sa kanya at saktong napatingin din siya sakin sabay nginitian niya ako kaya nginitian ko din siya. Nagulat ako, bakit nga ba niya ako nginitian, e hindi naman kami close.

Back to reality.

Hindi siya pangit, hindi din siya gwapo basta sakto lang. Malinis siyang tignan, un ang asset niya. Maganda kasing tignan sa isang lalaki kapag malinis siya sa katawan niya, diba? Tingin ko nga e madaming nagkakagusto sa kanya kasi bukod sa mabait na siya may looks pa. Oh di ba? Bonus na lang talaga yung looks sa kanya.

Everytime na makakasalubong ko si Jay na kasama ang mga kaibigan ko, alam ko na ang mga sasabihin nila. At dahil nga sa mababait sila, ito ang mga sasabihin nila.

"Sha si Jay oh." Sabay sabay nilang sasabihin yan. Tapos ito pa.

"Jaaaayy." At paulit ulit din nilang sasabihin yan hanggang sa makalampas kami kay Jay. Ganyan sila ka-supportive sakin. Akala nila biruan pa pero para sakin totoo na ,hindi ko lang talaga maamin sa kanila. Hahaha bahala sila, basta ako kinikilig kapag binibiro nila kay Jay. Hahaha. Sabi nga nila namumula daw ako kapag binibiro kay Jay, syempre crush ko na e, hindi lang nila alam na may feelings na ako para kay Jay.

Madami kaming magkakasama kaya sobrang ingay. Nakakahiya nga sa mga taong nakakasalubong namin o di kaya sa mga nakakakita o nakakarinig pero okay lang basta kapag nandyan ang mga kaibigan mo, carry lang. Hahaha.

****

Friday. Nakita ko siya sa may hallway. Ito na naman ang puso ko, medyo bumibilis ang tibok. Papasok ako samantalang siya palabas. Hindi ko akalain na makakasalubong ko siya. Hindi ko alam kung nakita ba niya ako o hindi, ang mahalaga nakita ko siya. Hahaha.

Habang naglalakad kami papasok ng school, nakatingin ako sa kanya tapos siya direderetso lang sa paglalakad. Nadismaya ako kasi hindi siya tumingin sakin or baka naman tumingin siya pero hindi ko lang alam. Hahaha ang assuming ko noh? Yae na, minsan lang naman. Buti na lang at iba ang kasama ko kung hindi baka nasabi na nila kay Jay. Hahaha. Ang swerte ko noh? Kasi iba yung kasama ko nung time na un, hindi kasi alam ng mga kasama ko na tinutukso ako kay Jay. Nakahinga ako ng maluwag.

Hapon na. Uwian na. Mga 5:30 lang siguro nun, maaga kami pinalabas kasi dapat 6 pa ang time namin pero pinalabas na kami ng maaga. Naglalakad na kami palabas ng room nang biglang,

"Uy si Jaaayyy." Nagulat ako, bigla akong kinabahan. Si Jay? Hinanap ko pero biro lang pala. Pakshet. Umaasa na ako. Ayan na nga ba ang sinasabi ko e, bakit ko ba kasi sineryoso ang biro nila. Ako tuloy ang nasasaktan.

"Nakauwi na siya, nakasalubong ko kanina." Ayan ang sabi ko sa kanila para mawala yung disappointment ko. At para hindi na din nila mahalata na nadismaya ako na hindi ko siya nakita.

At dahil nga uwian na, madami na kaming magkakasama bukod sa mga kaibigan ko may kasabay na kaming iba naming kaklase. Habang naglalakad kami nakatingin ako dun sa mga lalaking nakaupo malapit sa may guard kasi nakita ko yung palaging kasama ni Jay pero wala siya. Ito na naman ako, nadismaya.

Apat silang lalaki, tatlo yung nakaupo at yung isa nakatayo. Wala naman talaga si Jay dun eh. Yun ang sabi ko sa sarili ko. Biglang nag-ingay ang mga kaibigan ko pati na din yung mga kaklaseng kasabay namin. Nagulat ako.

"Uy si Jay."

"Ayiiiieh. Si Jay."

Ang lalakas ng pagkakasabi nila. Siguro rinig nung mga lalaking nakaupo dun sa may malapit sa guard.

"Jaaaayyy." Kanya kanya silang imik. Andyan si Jay. Sha si Jay oh. Uy si Jay. Ayiiieh. Ayan palagi ang bukambibig nila. Tapos sabay tingin sakin ng mga kaibigan ko. Problema nila. Hahaha. Akala ko nagbibiro lang sila pero andoon pala talaga si Jay. Siya pala yung lalaking nakatayo. Akala ko nakauwi na siya kasi nga lumabas na siya kanina pero hindi pa pala. Andoon nga siya sabay ayos ng buhok niya. Matatandaan mo o makikita mo siya agad kapag may lalaking nag-ayos ng buhok niya.

Pero bakit ganun? Kanina pa ako nakatingin dun pero hindi ko naman siya nakita. Baka masyado ko siyang iniisip hahaha joke lang. Siguro hindi ko lang talaga siya napansin. Hindi tumingin si Jay, siguro nasesense niya na siya ang tinutukoy ng mga kaibigan ko. Hanggang sa makalampas kami kila Jay at makalabas ng school, tinutukso pa din nila ako. Ako naman namumula na sa panunukso nila.

Sabi ng teacher namin, Love daw ang topic namin sa paggawa ng short story. So nasaan ang Love? Siyempre wala pa. Hindi pa nga mutual ang feelings e. Magkakaroon lang yan ng love kapag naging kami na ni Jay. Hahaha.

PS. I hope so.

Some jokes are half meant [One Shot]Where stories live. Discover now