Chapter 49: Not again

Start from the beginning
                                    

Tumawa sila.

Sabay binatukan ako.

A: "Di kami galit! Baka gusto mo kaming papasukin sa loob?"

"Oo nga pala!"

Pumasok na kami sa loob.

Nag-handa ng miryenda si Lola.

Tapos nagkwentuhan kami.

L: "Ano ung nabalitaan namin ha? Bakit di mo man lang kami sinabihan? Parang di kami kaibigan ah?"

"Eh kasi nga nagpalit ako ng number agad."

L: "Tapos di mo man lang kami naalala"

"Eh bakit kasi hindi kayo dumadalaw sakin tsaka bakit di kayo umuuwi di-ne sa Batangas?"

A: "Hello! Umuui kami paminsan-minsan! Magkasama kaya kami ni Len mag-ikot ikot. Wala lang, masarap lang maggala."

"Oo nga, sa kakagala nyo, at kung san san kayo pumunta, pati yung share nyo sa restaurant di nyo na inasikaso."

A: "Para sayo naman yun eh, kaya di na kami tumutulong kasi nga regalo namin sayo yun."

"Regalo ts.."

L: "Yun nga lang anyare? Nabawi mo ga yung shares din namin?"

"Binabalik sakin pero ayaw na ni Mame na tanggapin ko. Hayaan na daw kay John."

L: "Alam mo yang tropa nina John na yan, mga walang mati-tino eh."

"Di naman lahat, si Justin at Chris okay naman."

A: "Okay?! Baka nakakalimutan mo, si Chris inagaw si Trish kay John, tapos si Justin naman dakilang babaero kung di nga lang nakilala tong si Shiela eh."

Oo nga pala -___-

L: "Kala ko pa naman tong si John na pinakamatino dahil may pa-mysterious mysterious effect pa sayo noon. Pati pala ugali nya mysterious! Kaloka!"

A: " Mabuti na lang kamo at di muna kayo nagpakasal no! At nalaman mo agad ang ugali nyang sira ulo mong fiance!"

"San nyo nalaman mga yan?"

A: "Jusko ha, sina Shiela nga alam na rin, gawa nga nyang sina Chris. May pag-tawag pang nalalaman para i-chika."

"Ahhh."

L: "Pasalamat yang John na yan at hindi kami mismo ang nakahuli sa pambabae nya! Katulad ng kay Kaye noon. Nako nako, kung saka-sakali. Mananapak na ako kahit nasa mall pa!"

"Nakita ko nga sila sa mall noon eh nung panahon na yun, sinabi nya na nasa New York sya. kasama ko si Paul non."

A: "Anong ginawa mo?"

"Wala!"

L: "TANGA!!! BOBO! Bakit wala kang ginawa?!"

"Anong gusto nyong gawin ko, magwala sa mall?"

L: "Bakit hindi? Eh uso naman kayo yon."

"Di ko sisirain ang image ko para lang sa ganong bagay. May delicadeza akong tao."

A: "Oo nga naman Len! Wag ka nga kasing epal dyan."

L: "Nakakainit ng ulo kasi."

A: "Wala na tapos na yun. Matagal tagal na rin yun."

L: "Ano ganon na lang? Hindi na pwedeng gantihan ang John na yun?!"

"Ano namang mapapala natin kung ganon? Tsaka isa pa ,tahimik na ang buhay ko. Ganon na rin sya."

Second Chance Book 2: Our Destiny (Tagalog)Where stories live. Discover now