Chapter 2

1.7K 45 6
                                    

Jho's POV

"Ahm. Hi ate Jho!" Sabi ni Bea. Yup, parehas kami ng class. Shocks. Mas lalo akong hindi makakapagfocus nito. Math pa man din 😭

"Hi Bea" sabi ko tapos nginitian siya. Umupo naman ako malapit kay bea. Meron lang nakapagitan samin. Yung isa pang rookie. Yung singkit. Si Maddie, ayun.

Bigla naman akong nangliit 😂 Dinaig nila yung height ko mga bes.

Habang wala yun prof namin, di ko maiwasang mapatingin kay bea. Di ko alam kung bakit, parang gusto ko siya makilala ganern. Anuna Jho? Love at first sight ka na niyan, hahaha charot.

"Ate Jho sabay na tayong tatlo sa training mamaya" sabi ni maddie.

"Sige. Last class ko naman na to eh" sabi ko. Last subject ko na to. Tapos may free ako then training na.

"Hintayin niyo nalang po ako sa moro" sabi ni Bea. Nagnod naman ako, tumingin kami kay maddie.

"Ay. Mauna na pala kayo mamaya. Makikipagkita pa ako sa kaibigan ko mamaya" sabi ni maddie.

Myghad makakasama ko na si Beaaa.

Dumating na yung prof namin kaya nakinig muna kami.

Ff

Ilang oras nalang dismiss na. Di ko talaga maiwasang hindi tumingin kay bea. Yan tuloy nahuhuli niya ako minsan. Mamaya mapagkamalang may gusto ako sakanya. Okay na sana siya eh. Andun na lahat ng gusto ko. Sporty, matangkad, etc pero babae kase siya kaya hanggang besties lang.

Nagulat nalang ako nang kinalabit ako ni bea.

"Ate Jho dimiss na po" sabi niya sabay ngiti. Yun paaa, yung ngiti niya ang cuteee.

"Ay sige sige. Jho nalang" sabi ko sakanya.

"Sige jho. May class pa po ako eh. Hintayin niyo nalang po ako sa Moro" sabi niya tapos ngumiti. Gosh. Pagnakasama na to sa lineup madami na akong kaagaw dito hahaha.

"Sige sige. Punta ka na. Baka malate ka pa" sabi ko tapos lumabas na kami.

Ff

Naghiwalay na kami ni bea. Grabe di pa nga nagiging kami eh. Hahaha chos lang mga beh.

So ayun nga nandito ako sa Moro nagt-twitter. Buti nalang may Load pa ako, pang 3g.

Habang nags-scroll ako naisipan kong tignan kung may account ba si bea sa twitter. Myghad stalker alert 👀

Nung nagsearch ako ng "beadeleon" may lumabas na "_beadel". Nakita ko yung mukha ni bea kaya pinindot ko yung profile niya.

Fetus bea hahaha.

Habang nags-scroll ako biglang may nakakuha ng attention ko.

*pic of Bea and Michelle Gumabao*

Fan siya ng DLSU dati 😱 pano siya napadpad sa ADMU? Curious na curious na talaga ako sa identity ng babaeng to. Ang dami kong gustong itanong sakanya

Pagtingin ko sa oras ay 4:30 na.

Dismiss na ni bea. Papunta na siguro yun dito.

Di nagtagal may nagtakip ng mata ko.

"Bea?" Sabi ko. Inalis naman niya yung kamay niya.

"Anong bea ka diyan. Si ate Ella mo to" sabi niya. Pagtingin ko, oo nga. Kahiya.

"Bakit mo hinahanap si Bea? May date kayo siguro" sabi ni ate Ella sabay ngiti ng nakakaloko.

"Hindi ate. Hinihintay ko lang siya. Sabi kase niya sabay kaming magt-training" sabi ko tapos nagnod si ate Ella.

Napatinigin naman si ate ella sa Relo niya.

"Ay nako Jho. Mauuna na ako. May class pa ako eh" sabi ni ate Ella. Nag nod naman ako.

Asan na kaya si bea?

~~~~~~~~~~

Hello po. Sorry ngayon lang nakapagUD tapos ang ikli pa. NagFocus po muna ako sa studies ko. Please pray for My dad. Someone tried to kill him thursday evening. God Bless you all po. 😊 UD tommorow. Thanks for voting. Comment for another UD

Instagram: @jhobea15_
Ad Majorem Dei Gloriam

What If? (Jhobea | Beaddie)Where stories live. Discover now