SA DALAMPASiGAN (A One-Shot Lesbian Love Story)

2.7K 62 18
                                    

Bakit ka umiiyak? Ano na naman ba ang nangyari?

Iniwan ka na naman ba nya para sa ibang babae?

"Oo" yan lamang ang nakuha kong sagot mula sayo.

Sabay ng paghikbi at pagpatak ng mga luha mo.

Nalulungkot ako kapag nakikita kitang ganyan.

Di ko matanggap na ginagawa niya sayo yan.

Tumahan ka na, wag ka ng magmukmok.

Balang araw siya naman ang iiyak at tatangis sa sulok.

Ngumiti ka ng bahagya, niyakap mo ako at nagpasalamat.

Sabay hinalikan mo ako sa pisngi, ako ay nagulat.

Nakaramdam ako ng kakaibang saya.

Bakit nga ba gnto ang nadarama? Di to pwde dahil babae din siya.. 

Lagi na tayong magkasama mula ng maghiwalay kayo.

Di ko maipaliwanag ngunit masayang-masaya ako.

Nakita ko na ang matamis mong mga ngiti.

Pinangako ko sa sariling di ka na luluha pang muli.

Isang araw habang magkatabi tayo sa dalampasigan, di ko napigilan na ikaw ay titigan.

Sa taglay mong ganda ay di ko napigilan.

Ang iyong mga labi ay aking hinagkan.

Ikaw ay natigilan dahil sa iyong pagkagulat.

"Mali ito! Babae ka, babae dnako. Hindi ito nararapat!”

Lumayo ka sakin at matagal na di nagpakita.

Nasaktan ako nung iniwan mo ko pero naintindihan kita.

Matagal-tagal na din ng ikaw ay lumisan.

Ngunit hanggang ngayon, ikaw pa rin laman ng aking isipan.

Tinatanong saking sarili, "bakit nga ba ikaw pa ang minahal?"

Tama ka nga mali ito, ako lang naman itong nagpakahangal.

Hindi tama, mali, ito ay kasalanan.

Ang magmahal ng kapwa babae ay dapat ko ng iwasan.

Ngunit kahit anong paglaban ay di pa din kayang iwasan.

Di ito tama pero ito ang katotohanan. Hahanapin kita, yan ang aking pangako.

Sa aking sarili di ko na kaya pang magtago.

Nagulat ako isang araw pagkauwi ko ng eskwela.

Ang sabi nila sa akin na ikaw ay bumalik na.

Dali-dali akong lumabas muli ng aming bahay.

Hinanap kita, ang tagal ko din itong hinintay.

Ako ay naiyak sapagkat umasa na naman ako.

Na makikita na kita at masasabi ko na sayo.

Naglakad ako uli hanggang mkarating sa dalampasigan.

Naupo ako sa dti nating tambayang batuhan.

Nakatingin sa malayo, inaalala ang nakalipas.

Katulad ng pghampas ng alon sa buhangin wala ka ng iniwan pang bakas.

Di ko tuloy namalayan na madilim na pla.

Tumayo na ako at ako'y paalis na. Natigilan ako sa pamilyar na pigura.

Ngunit lumakad ako palayo, namamalik mata lang ako

.Wala ka naman tlaga, bulong sa sarili ko.

Nang bgla mong isinigaw ang aking pangalan.

Umalingawngaw ang tinig mo sa buong dalampasigan

Tumigil ako sa paglalakad at ako ay lumingon.

Tinignan kita muli, di nga malik mata iyon.

Nilapitan mo ako at niyakap.

Naiyak ako dahil natupad ko ang aking pangarap.

Na makita kang muli at masabi na sayo, MAHAL KiTA babae man tayo pareho.

Sinagot mo ako, "Oo, mahal din kita.

Pinilit ko tong labanan pero di ko kinaya.

Wala na akong paki kung ano man ang sasabihin ng iba.

Magpapakatotoo ako, kaya binalikan na kita."

Masaya ako sa aking narinig na kataga mula sayong bibig.

Di ko akalain na ganito ang tunay na pag-ibig.

Walang pinipiling panahon, edad, katayuan at kasarian.

Pilitin mang paglayuin, hadlangan at pigilan, gagawa ito ng paraan para maipaglaban.

Dahil ang tunay na pagibig ay nasa dalawang taong tunay na nagmamahalan.

 LoveAnarchist © 2012

----------

P.S.: Triny ko lang kung kaya pa ng powers ko makagawa ng ganyan. At kinaya ko nga :)) Medyo di pulido yung pagakagawa pero sa tingin ko okay naman yung kwento. Tama? Enjoy reading lesbians!

🎉 Tapos mo nang basahin ang SA DALAMPASiGAN (A One-Shot Lesbian Love Story) 🎉
SA DALAMPASiGAN (A One-Shot Lesbian Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon