Chapter 1: First Training and First Meeting

496 3 0
                                    

Amm, guys, hindi po lahat ng players ng volleyball at basketball ay kilala ko ha! Kaya, wag kayong masyadong mag-expect.

------------------------------------------------------

Ara's POV

Hay, today is Tuesday. Speaking of Tuesday, may training nga pala kami ngayon!!! O my gosh! I'm so late! Alas nuebe na!! Magagalit si coach! Baka hindi ako palaruin nun! Naku! Ano ba naman kasi tong alarm clock ko eh, hindi nag-ring! Ano ba yan! Babasagin ko yan eh!(Charot lang!) Tapos hindi pa ako ililibre ng bullies! Bilis na nga!

End of Ara's POV

------------------------------------------------------

Pagkadating sa gym, sina Mika, Kim, Kianna at Cienne at Camille pa lang ang nakaupo.

Ara: O, nasaan sila coach?
Kianna: Wala pa, obvious naman di ba?
Ara: Alam ko. Pero, sabi, 10 am ang start ng training natin. 10:30 na oh! Teka, late na ba ako?
Mika: Hindi pa. Wait, wala namang sinabi si coach na dadating ang green archers ah!
(Sabay nguso sa padating na green archers)
Kim: Oo nga!

Thomas' POV

Bakit kaya andyan yung lady spikers? Wala namang sinabi si coach na magte-training sila dito ah! Uy, si Ara yun ah! Ang cute niya naman! Pero wait, magkagalit kami!!!

Jeron: Oy, Thomas! Tinititigan mo si Ara noh! Cute ba?
Me: Siyempre naman! Idol ko yan eh! Pero, magkagalit kami! Idol ko nga siya, pero galit ako sa kanya! Teka, bakit ikaw, tinititigan mo si Mika? Crush mo ba?!
Jeron: No way! Magkagalit din kami nyan eh. Avo, bakit mo tinitingnan si Cienne, gusto mo siya noh!
Avo: Me? Magkaka-crush sa kanya? No way bro! Asa ka pa!

End of Thomas' POV

Nang biglang dumating sina Coach John at Coach Ramil, kasama ang iba pang players.

Cienne: Coach Ramil, wala naman kayong sinabi na kasama naming mag-training ang boys ah!
Camille: Oo nga Coach! Bakit sila nandito.
Coach Ramil: Biglaan. Nagulat din kami ni Coach John. Iyon ang sinabi ng principal natin. Manonood sila sa training niyo, at papanoorin din niyo ang training nila.
Ara: Pero bakit ganun Coach? Biglaan na lang?
Coach Ramil: Hindi ko rin alam.
Michelle: Hay naku Ara, hugot pa more!

~On the other side...~

Gab: Ano, coach? Papanoorin namin training nila, tapos, papanoorin nila kami?
Thomas: Oo nga Coach! Dapat, kapag ganyan, kami unang magte-training!
Coach John: Boys, hinay-hinay lang. Babae sila, ladies first!
Jeron: Oo nga, Thomas. Babae sila. They need respect, ok?
Avo: Jeron is right. If you ever want them to respect you.

------------------------------------------------------

Naunang mag-training ang mga lady spikers. Hinati sila in two teams. Sa home sina Ara, Mika, Kim, Keanna, Cienne, Camille, Carol, at Aby. The rest, sa guests. Ganito ang play nila: Michelle- served, tira ni Camille, pasa kay Aby, at spike ni Ara. Ang score nila ay 25-15. Ang green archers naman, nood lang nang nood sa lady spikers. Pagkatapos ay ang green archers naman ang naglaro. After ng game, balik lahat sa kani-kanilang dorm. Sa lady spikers' dorm...

Coach Ramil: May laro bukas ang green archers. At dahil sinunod niyo ako na manood ng training nila, bukas din ay manonood tayo ng game nila.
Mika: What, Coach?! Manonood kami ng laro nila?!
Kim: Teka, coach, hindi ang principal ang nagsabi na manood kami ng training nila kundi plinano niyo to?!
Coach Ramil: Oo. Dito namin makikita kung kaya niyong mag-focus sa laro kahit nandiyan ang ibang players ng other sports. But in return, they will watch your game on Thursday.

~ Pagkaalis ni coach...~

Cienne's POV

Ara: Kapag nga naman minamalas ka oh!
Mika: Bakit kailangan pang manood, pwede namang hindi ah!
Me: Basta ako, I'm not gonna watch their game.
Carol: Taray! May pa-english english ka pang nalalaman diyan ha! Pero, same with you Cienne.
Biglang nagsalita si Ate Aby.
Aby: Bakit ba kayo nagco- comment diyan! Minsan na nga lang natin sila panoorin, eh!
Kim: Tama si Ate Aby. At saka, bakit ba kayo umaangal?! Dati, gustong-gusto niyo manood ng game nila, tapos ngayon, ayaw niyo na. May dumaan bang bagyo at nagkakaganyan kayo?
Mika: Kaloka! Basta, ayaw namin kasi pagod kami ni Ara at Carol!
Kim: Oh,ikaw Cienne, bakit ayaw mong sumama, eh ikaw nga itong pinaka- hyper kapag manonood ng laro nila eh!
Camille: Hay naku, Kim! Ang slow mo! Galit kasi yan kay Av--mmm!
Tinakpan ko ang bibig ng kakambal ko. Ang daldal!
Kim: Oy, hindi na uso ang takpan ang bibig ng isang tao. Sige ituloy mo, Camille.
Me: Sikretong malupit na ang sagot sa tanong mo, Kim.
Michelle: Hayy, bahala nga kayo diyan. Basta kami nina Kim at Cap, manonood!

End of Cienne's POV

DLSU: Lady Spikers And Green ArchersWhere stories live. Discover now