Bakit sa dinamirami ng lalaki sa mundo ikaw pa ang pumalit sa kanya?
Paano nangyare ang lahat ng iyon?
Isang araw na lang nagising ako na ikaw na ang mahal ko.
Paano mo nakuha ang pagmamahal ko kung ikaw na mismo ay hindi makapansin sa akin?
Paano mo ako napaikot nang dahil lang sa isang ngiti mo?
Kinausap mo lang ako, nahulog na agad itong tangang puso ko.
Ang dami kong tanong sa isipan ko.
Gulong-gulo na ako. Hindi naman ako yung taong isang ngiti lang ng lalaki, e mahuhulog na kaagad. Pero bakit ganun? Kakaiba sa lahat yang ngiti mo. Baka nga kapag nginitian mo ang lahat ng babae sa mundo e mahulog na rin sila sa'yo katulad ng pagkahulog ko sayo o baka naman ako lang talaga 'yun.
Ewan ko ba kung anong pumasok sa isip ko at minahal na kita kaagad.
Hindi ko alam, hindi mo alam at hindi natin alam. Baka kagagawan na naman nito ni kupido. Kung hindi tayo para sa isa't-isa baka mapatay ko nang tuluyan 'yang kupido na 'yan.
Ikaw ba ang nakatadhana sa akin? Ako ba ang nakatadhana sa iyo? Kasi kung hindi sana hindi na lang tayo pinagtagpo, para hindi naman ako nasasaktan ng ganito. At para hindi ko na lang nahiwalayan ang lalaking nagmamakaawang balikan ko siya. Baka naman pinagtagpo lang tayo pero hindi tinadhana.
Hindi ko alam. Walang nakakaalam ng mangyayari sa mga susunod pang mga araw.
Kung agad lang natutupad ang mga hiling ay matagal na kong humiling na sana ay parehas lang tayo ng nararamdaman para sa isa't-isa. O kaya naman ay matagal ko na rin na hiniling na sana hindi na lang tayo pinagtagpo kung hindi rin naman pala tayo para sa isa't-isa.
Hindi ka naman siguro manhid na may umaasa sa'yong pansinin mo dahil naka-ilang chat na nga ko sa'yo para lang mapansin mo ako.
Hindi ko naman kasi inakala na nang makita kita ay bigla bigla na lang akong mahuhulog sa'yo nang dahil sa mga ngiti mong nakapagbighani sa puso ko.
Hindi ko inaakala na mapapansin mo pala ako pero hindi ko rin inaasahan na limitado lang pala ang atensyon mo. Hindi ko inaasahan na darating ako sa punto na sobrang mahal na kita na kaya ko ng bitawan ang lalaking nagmamakaawa sa aking balikan ko pa siya at magsimula ulet. Hindi ko iyon inaasahan nang ikaw pa ang naging dahilan ng lahat.
Pero bakit ikaw? Kahit ilang beses ko nang kunin ang atensyon mo, bakit hindi ko pa rin mabalik-balik?
At ang masaklap pa ay pinansin mo nga ako, pero anong sabi mo, sino ako? Masakit diba. Sobrang sakit.
Hindi ko alam kung nagbibiro ka lang nung araw na yun o talagang sinasadya mo na sabihin 'yon para lang hindi na kita kulitin.
Pero akala mo lang susuko na ako kaagad, hindi. Hindi kita susukuan kahit pa maubos ako o maguho ang mundong ito.
YOU ARE READING
Perfect Strangers
RomanceHindi ko inakala nang makita kita ay bigla bigla na lang akong mahuhulog sa'yo nang dahil sa mga ngiti mong nakapagbighani sa puso ko. Hindi ko inaakala na mapapansin mo pala ako pero hindi ko rin inaasahan na limitado lang pala ang atensyon mo. Hi...
