CHAPTER FOUR

5.7K 260 26
                                    

DUMATING ang araw na pinakahihintay para sa modeling event ng Glamour Clothing Line. Marami ng tao sa loob ng magara at malawak na bulwagan. Dumating na rin ang mga kilalang business men sa bansa at maging mga mayayaman at kilalang negosyante sa buong mundo sa larangan ng fashion. Abala
na ang mga makeup artist ng
Glamour sa pagaayos sa mga
modelo. Ilang sandali pa ay natapos na rin sa pag-aayos ang isang baklang makeup artist ng Glamour kay Ysa.

"Perfect!" Bulalas ng trainor
na si Jela. Humanga siya sa tila
Diosa ng kagandahan na si Ysa. Alam niyang maganda ito pero mas lalo pa itong gumanda ng ma maayosan nang husto gamit ang newly invented makeups ng Lacostee Cosmetic
Company na joint company ng Glamour. Napasinghap si Ysa ng
masilayan ang kanyang repleksyon sa salamin. Hindi siya makapaniwala sa kaniyang aura ngayon.

"Woa!" singhap niya . She can't
believe that the newly produce
cosmetic products of Lacostee
can make her gorgeous and more beautiful. Gano'n pa man ay hindi pa rin niya maiwasang
kabahan. Dahil nakasalalay sa kaniya ang tagumpay ng kompanya para mahikayat ang mga mayayaman at
kilalang business men na bumili sa kanilang bagong produce na beauty products ng Lacostee at mga fashion clothings ng Glamour. Pagkaraan ng ilang sandali ay nagsilabasan na sa dressing room ang kanyang mga kasamahan para maghanda sa pag-entra sa magarang stage.

"Ysa,tara na," aya sa kaniya ni Rina  nang hindi pa siya kumikilos para lumabas ng silid.

"Susunod na lang ako Rina,pupunta lang ako saglit sa comfort room." sagot naman niya dahil bigla siyang
kinabahan at nanlamig bigla kanyang mga kamay.

"Ok,sumunod ka na lang ha. Bilisan mo at nagpapahanda na 'yong MC."
Si Rina bago tuluyang lumabas ng silid.

Agad namang tinungo ni Ysa ang
comfort room. Ilang minuto rin ang ginugol niya para pakalmahin ang kanyang sarili. Nang medyo ayos na ang kanyang pakiramdam ay saka siya nagpasiyang lumabas ng comfort room. Paglabas ni Ysa sa comfort room ay agad niyang isinuot ang kanyang 5'1/2inch high heeled Silver Glittered Sandal. Mabilis siyang lumabas ng dressing room at tinungo ang kinaroroonan ng kaniyang mga kasama.

Ilan pang sandali nang magsimulang pumailanlang ang isang tugtogin kasunod ng Pagbukas ng malaking telon sa entablado. Tumahimik ang lahat at itinuon ang mga mata sa entablado kung saan paisa-isang iniluwa ng malaking telon ang mga naggagandahang modelo ng Glamour. Palakpakan ang mga bisita sa paglabas at pagrampa ng mga naggagandahang binibini sa taas ng entablado.
Tila tumigil ang pag-ikot ng mundo nang iluwa ng telon ang pang huling modelo. Biglang tumahimik ang lahat at ang mga mata ay nakatuon lang sa iisang direksyon. Lalo na si Ryder,hindi siya makapaniwala sa nakikita.
The woman whose wearing Red off-shoulder mini dress. Hindi mapigil ng binata ang mapanganga dahil sa paghanga sa kagandahan ng modelong iyon. She was different among the rest. Exceptional. And
he could say 'THE BEST' among the beauties on stage. Hindi dahil sa makeup nito at sa ayos ng dalaga kaya nasabi niyang kakaiba ito sa lahat. Kundi dahil napaka natural ang kilos nito that made her looks more sophisticated, gorgeous and
smart. Aside from that, Ryder find out how seductive and alluring Ysa was. More when
Ryder focus on her hips with a
seductive swing while she's walking. What a captivating beauty! ani ng isip ng binata.
At sa di sinasadya ay  naginit ang pakiramdam niya ng
masilayanang Ex-fiancee ng  kambal niya but his fiancee now. Sa darating na buwan ay idadaos ang engrandeng kasal nila ng dalaga. His mother planned the wedding, hindi si Ysa, at lalong hindi siya. Pumayag lang siya dahil sa kagustuhang gumaling ang kaniyang mama. At alam niyang gano'n di si Ysabelle. Hindi naman lingid na parang tunay na jna na ang turing ng dalaga sa kaniyang mama. Ang gusto sana nila ni Ysa ay isang simple o civil wedding na lang at tanging iimbitahin ay immediate family nilang dalawa. But of course, hindi iyon pinayagan ng kaniya mama.

His Cold HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon